Part 26
madaling araw pa lang ay tumayo na si Janna upang mag asikaso sa pagpasok nito sa trabaho. kaya lumabas ito ng bahay na hindi namamalayan ng kanyang mga kasama sa bahay.
Nang marating sa pinapasukang trabaho ay agad na nagulat sa kanya ang guard dito...*oh! ang aga mo ah?! (pagulat na sabi ng guwardya)
agad namang nagwika si Janna rito...
*good morning po, naalimpungatan po kasi ako kaya napaaga yung pasok ko.*ah kaya pala. (wika ng guwardya)
Pagkalipas nang ilang oras ay napapansin na nga niya ang ilang katrabaho na panay ang sulyap sa kanya ng mga ito. Kaya makalipas ang ilang minuto naman ay bigla siyang kinalabit ni merly at kinausap siya nito...
*Janna, tara sabay na tayong magbreak
*ok, break na pala natin di ko na namalayan yung oras, tara! (wika ng nakangiting si Janna)
pagkalabas ng mga ito ay agad silang nagtungo sa canteen upang kumain.
Nang makakuha ng pagkain ay agad silang naupo sa bakanteng upuan.
nang makaupo ay nagsimula na nga ang
mga ito na kainin ang mga pagkaing dala.
pagkaraa'y nakaagaw pansin sa kanila ang pag-upo
ng mga ibang kasama sa tabi nila,
at pagkaraa'y nagwika ang isa sa mga ito...*ui Janna! kamusta ka na! grabe yung nangyari kagabi ah! alam mo ba pag uwi mo, nagsuntukan yung si poging kasakasama mo lagi at yung lalaking naka mask! haba ng hair mo beh ah! hindi namin naintindihan lahat ng sinasabi nila kasi iba yung dialect? pero sigurado ako, tungkol sayo yon!
bigla namang sumingit ang isa sa mga ito...
*Ano ka ba! hindi mo ba nakita yung pinag ugatan non? Janna, kilala mo ba yung naka mask? kasi halatang tinulungan ka niya?! grabe, babaero pala yung si mr. pogi mo eh!Sumingit naman si Merly sa pagsasalita nito..
*itigil niyo na nga yan! at tyaka, isa ba sa inyo yung naninira kay Janna ha?! grabe yung tsismis ah! may dagdag!

YOU ARE READING
You heal my broken heart
Romance"paano ipaglalaban ang kasalukuyang minamahal, kung biglang nanumbalik ang nakaraan? mahihilom pa ba ang pusong minsan nang nasaktan?"