Part 12
Nang matapos kumain ay agad tinext ni Jaeyoung si Shen upang yayaing lumabas, ngunit nanlulumong boses na sinagot siyang hindi ito sasama at nagsorry. pagkaraa'y panandaliang napaisip ito, maya maya'y bigla niyang tinanong si Janna..
*Janna, gusto mo bang mamasyal na tayong dalawa muna ngayon? hindi kita dadalhin sa masusyal na lugar. yayayain sana kita sa mall at manuod ng sine?
*ha?!! kung tayo lang--! ibig sabihin non magde date tayo?! (sabay salubong ng kanyang kilay na nakatingin sa kanya)
*ahm.. yah?! i guess you can call it that.
biglang napaisip si Janna at napatingin sa ibang dereksyon at nagsalita..
*ok--sige, tutal matagal tagal na rin naman akong di nakakapag sine,
(sabay duro nito) pero hindi ibig sabihin non palagay na ang loob ko sayo! maliwanag!*ok, I understand! i really really understand! tara?!
Pagkatayo ay nauna namang naglakad palabas si Janna,
kaya hindi niya napansin si Jaeyoung na napatikom pa ang kamay niya at napangiti pa ito dahil sa pagpayag sa kanya ni Janna.Paglabas ng fastfood ay agad na nagtungo sila sa kotseng iniwan ni Henry. Agad namang pinagbuksan ni Jaeyoung si Janna ng pinto ng kotse sa gilid ng driver seat, at pagkaraa'y biglang nagsalita si Janna..
*ishh! di mo na kelangang ikaw pang magbukas niyan! kaya ko naman! (sabay pabulong nito sa sarili) tama, dapat hindi ako kaagad bibigay sa pagiging gentleman niya!
(sabay bukas naman nito ng pinto ng kotse sa may back seat)
sa likod na lang ako uupo!hinawakan naman ni Jaeyoung ang kamay niya sabay isinara ang pinto ng kotse, pagkaraa'y kinausap si Janna..

YOU ARE READING
You heal my broken heart
Romance"paano ipaglalaban ang kasalukuyang minamahal, kung biglang nanumbalik ang nakaraan? mahihilom pa ba ang pusong minsan nang nasaktan?"