January 15, 2010
Maalinsangan ang gabi ng dumating si Carina sa UST. Galing lamang s’ya sa Jasmin sa Nagtahan kung saan matatagpuan ang office ng kanyang retarded na propesor. Isang estudyante ng PUP si Carina ngunit palagi s’yang tumatambay UST para sa kanyang kaibigang si Emily na nag-aaral doon. Ngayong gabi ay inaya ni Emily si Carina na manuod ng gig ng banda ng kaibigan nito. Makakasama nila ang mga kaklase ni Emily sa gabing iyon.
Excited na hindi mapakali si Carina dahil nais na nito makita ang crush n’yang si Joey na gitarista ng bandang panunuorin nila mamaya sa Timog. Pagkadating ni Carina sa UST ay agad s’yang pinakilala ni Emily sa mga kaklase nito. Sina Kathleya, Paola, Karmela at Danilo ang naabutan ni Carina na nakatambay sa may playground.
Isang masiyahing pagbati at pakikibagay ang ginawa ni Carina sa mga ito. Bagama’t naiilang s’ya sa agwat ng edad n’ya sa mga ito ay hindi n’ya naramdaman na iba s’ya sa kanila dahil bukod sa paniniwala ng mga kaklase ni Emily na magkaka-edad lamang sila ay di maitatangging baby face si Carina.
“Ano naman kung magkaroon ako ng mga kaibigang apat na taong bata saken?” Ang naisip ni Carina sabay ng paglalagay nito sa sarili sa katiwayasan.
Niyaya ni Emily ang mga kaklase nito at si Carina papuntang Dapitan dahil nagugutom na sina Paola at Karmela at gusto na nila kumain ng hapunan.
“Carina wait lang ha, may hinihintay pa kasi tayong isa.”
Matapos kumain nila Paola at Karmela ay nagpaalam na ang mga ito at umuwi na. Sina Kathleya, Danilo, Carina at Emily ay bumalik sa loob ng UST upang doon hintayin ang kaklase sa PAV.
“Uy Carina baka naiinip ka na ah. Tagal kasi ni Kira, hinatid pa raw yung yabs n’ya haha.” Ang sabi ni Emily na halatang asikasong-asikaso kay Carina.
“OK lang noh hehe.” Ang sagot ni Carina na kahit sa loob-loob n’ya ay nakikita n’yang madilim na ang paligid, lumubog na ang araw at traffic na papuntang Timog, baka ma-late sila sa gig. Gustong-gusto n’ya na makita si Joey na isang dahilan kung bakit nanumbalik ang sigla n’ya nitong mga nagdaang araw. Si Joey, para kay Carina, ay ang taong naging dahilan kung bakit excited na s’ya na simulan ang taon n’ya dahil naniniwala s’yang matatagpuan n’ya na ang nilaan para sa kanya.
Nag-iisip si Carina kung anong magandang joke ang sabihin kay Joey kapag nagkita na sila. Isang mahiyain at mailap sa lalake si Carina kaya’t kinakailangan n’ya munang mag-rehearse sa isipan bago s’ya makipag-usap sa lalakeng natitipuhan.
“Si Kira, diba nakilala mo na s’ya last time? Yung payat.” Ang biglang pagputol ni Emily sa iniisip ni Carina.
“Ha? Hmm… Oo.” At sabay ang pagtango ni Carina.
Sa pagkakatanda ni Carina ay nakilala n’ya na ang kaklaseng tinutukoy ni Emily. Isang payat, silahis at maliit na Engr. Student. “Paano sila naging magka-klase ni Emily gayong Literature student si Emily?” Binalewala ni Carina ang tanong sa isip sabay ng kunwareng pagka-relate nito sa sinasabi ng kaibigan.
“Hindi si Kirkland ha, si Kira.” Ang pagtatama ni Emily sa iniisip ni Carina.
Kumunot ang noo ni Carina sa pilit na pag-alala kung nakilala na nga ba n’ya ang tinutukoy ni Emily. Sabay ang pagdating ng binata na late na naman sa usapan.
“Ayun! Dumating din! Ang aga mo ah! Kala ko ba nasa Dapitan ka na kanina?” Ang panenermon ni Emily kay Kira.
“Oo nga, hinatid ko pa si yabs! Haha!” Ang sagot nito.
Isang masiyahin at palatawa sa mababaw na bagay itong si Kira.
“Payat nga. Malnourished. Totoy at mukhang playboy.” Ang biglang naisip ni Carina ng masulyapan nito si Kira sabay ang lihim nitong pagtawa sa naisip. Pero hindi n’ya pa rin maalala kung nakilala na nga ba n’ya ito noon tulad ng sabi ni Emily.
BINABASA MO ANG
Ang Istorya ni X and Y at ang Teoryang Yin-Yang
RomanceThis story aims to determine how love appeared between X and Y using the yin-yang theory. Yes, parang thesis lang.