Habang papunta kami ni Sab sa Canteen nagchikahan kami. Nakakatuwa lang dahil kung anong ganda ng muka nitong si Sab eh ganoon din kaganda yung ugali niya. Friendly pa.
"Siguro marami kang manliligaw no?"
"Huh? pano mo naman nasabi?"
"Eh kasi ang pretty mo eh, tas ambait mo pa."
"Ngee. Di ah."
"Sus! Bawal pa'humble teh! tanghali na ohh" sabay tulak niya sa akin.
"HAHAHA! grabe. alam mo natutuwa talaga ako sayo kahit ngayon pa lang tayo nagkakilala."
pansin ko nga ehh, sa tulak mo pa lang feeling ko galak na galak ka eh.haha :))
Nakarating na kami sa canteen at nakabili na rin kami ng pagkain. Dun kami naupo sa table na pangdalawahan lang.
"Ahhh..Sab?"
"Yes?"
"No."
napangiti na naman siya. Ok eh di ako na ang medjo palabiro.
"Haha. choz lang... alam mo. Di talaga ako maka'get over sa kiss na yun eh."
"Kung ako rin naman baka hindi makaget over ehh. Ba't ka naman di makaget over teh?"
"Ahhh.. ehhh..kasee ano ehh."
"1st time mo noh?" tas nag'smile siya ng very very light.
"Hmm.Hmm." hala over. namumula ako sa kahihiyan.
"HAHAHAHA!"
nakakagulat naman tong babae na toh, bigla bigla na lang tumatawa with matching hampas hampas pa sa table.
"ba-ba-Ba't ka tumatawa? ano naman nakakatawa sa sinabi ko?"
"ha.ha.ha. wala naman. ang cute mo eh. pulang pula ka oh!" sabay turo sa muka ko.
"Ganun? eh bakit sabi mo kung ikaw rin di ka makakaget over?"
napabuntong hininga siya. mukang malalim ang pinaghuhugutan ni Sab.
"You know what, matagal na kaming magkaibigan ni Kyler ehh, matagal na rin akong may gusto sa kanya."
"WEH?? pati ikaw nagayuma nung kwek-kwek na yun? grabe ahh. lakas talaga ng kamandag niya sa mga babae."
"Eh ba't ikaw hindi mo ba siya gusto?"
"TSS. yun? kung si Enrique Gil lang siya baka pwede pa! kahit maging stalker pa ako araw at gabi keriboomboom lang. pero kung dun sa Kwek-Kwek na yun? tsss. OVER MY DEAD GORGEOUS BODY!"
"haha. TALAGA LANG HA?"
"Oo. naman. ehh teka bakit ayaw mong sabihin sa kanya?"
"I'm afraid to lose our friendship. Natatakot ako na baka kapag sinabi ko sa kanya layuan niya ako bigla o kaya naman mailang siya sa akin."
"Pero hindi ka rin ba natatakot na baka maunahan ka ng iba?"
"Natatakot, syempre."
"Hindi ka ba naiinggit sa akin dahil nahalikan ko na siya?"
ayy anu ba yun? ba't ko ba yun natanong. botabs ka talaga Liyah! >_<
"Of course nainggit ako! buti ka pa nga ehh."
buti naman. akala ko magagalit siya sa akin sa tanong ko eh. =))
"Eh di dapat sabihin mo na sa kanya habang mas maaga! FACE YOUR FEAR GIRL! walang mangyayari kung puro takot ang pinaiiral. tska sa love dapat di ka natatakot mag'take ng risk kung para sa ikaliligaya mo yun, at sa ikaliligaya ng puso mo."
BINABASA MO ANG
She will be loved -- written by skyscraperme <3
Romanceito ay story ng isang girl na minsan nang nasaktan kaya naman since then nahirapan na ulit siyang magtiwala sa mga boys lalo na sa mga guitarist but may isang guy na makapagpapabago nito. 1st time ko pong gumawa ng story kaya i hope you'll understa...