Danielle's POV
"Hi, I'm on my way to the campus na, I'll be there in 5" sabi ko sa bestfriend ko na si Sharlyn Villaruz through phone then pinatay ko na.
Anyway, ako nga pala si Danielle Louise Sy, 18 years old, currently taking Business Administration and Accountancy and ganun din ang aking bestfriend.
Nakita ko na si Shar sa may Freedom Park so I decided to stop my car in front of her, agad naman syang sumakay dahil nga malayo pa ung building na pupuntahan namin for our class.
"Oh, matatapos na ang taon Dan ha, wala ka pa bang balak magkabf?" Panimula ni Shar, yan naman lagi ang sinasabi nya sa akin eh, na magbf na daw ako para hindi daw ung aso ko ang lagi kong kasama, para narin daw inspired ako. Mas excited pa nga yan kesa sakin.
"Wag mo nga aqng igaya sayong babaita ka, halos lahat nalang ng gwapo, gusto mong maging bf" sabi ko naman.
"Di naman aq ganun bess pero pag may nagustuhan kang pogi, naku sayo na sya, hinding hindi ko aagawin sayo dahil alam kong pagkakataon na yun para magkabf ka na" Shar
"Oo nalang, as if naman haha" pagkatapos kung sabihin un, bumaba na kaming dalawa.
Hindi naman ako manhater, maganda rin naman ako, sadyang wala lang talaga akong magustuhan sa mga nanliligaw sakin, at wala pati akong balak dahil nga gusto kong magconcentrate sa pag-aaral ko.
"Ui girl, nabalitaan mo na bang magpeperform ang Pathway sa Umali Hall mamayang gabi?" Bungad ni Xhianne kay Shar, ayan dyan sila magkasundong dalawa, sa mga gwapo kuno. Si Xhianne ay blockmate din namin na naging malapit narin samin ni Shar. Isa syang dyosa, dyosa ng mga alam nyo na.. :)
Ayun, iniwan na nila aqng dalawa. Pumasok na ung prof at naglecture. Todo kinig naman ako at sulat, mahirap na pag nag quiz kami, mahirap pa namang magpaexam itong matandang ito.
Pagkatapos ng lecture namin, umuwi na aq sa bahay dahil nga matutulog muna ako, mamayang 3 pa ung PE ko..
*I'm just an Ordinary Girl, sometimes I'm lazy, I get bored, I get scared, I feel ignored*
Nagising ako ng may marinig akong phone call, so sinagot ko kaagad without minding kung sino ang tumutawag.
"Good afternoon, danniele sy speaking, how may i help you?" Bungad ko sa kung sino man ang tumatawag
"Grabe bhess, ikaw na talaga ang call center agent" sabi sakin ng bestfriend kong si Sharmaine
"Kanina magka bf, ngayon naman call center agent, baka naman bukas bhess embalsamador na ako nito ha" sagot ko sakanya
"Ano ba kailangan mo at bigla kang napatawag, 1 palang oh, 3 pa yung class ko" dagdag ko
"Eh kasi bhess, ahmm, ano ba, ahy manghihiram sana kami ni xhianne sayo ng barya, wala kasi kaming barya eh, nandito kami sa Mcdo ngayon, oo tama un nga yun." Sabi nya sakin na halos manginig na ata
"Sige bhess, puntahan ko kayo, pahintay ako ha" sabi ko with an evil smile
Akala siguro ng dalawang yun maiisahan na naman nila ako, like duhh, nasa Mcdo at kailangan ng barya, pwde naman silang suklian ng cashier ah, maghihintay sila sa wala.. Panigurado kasi may kasama silang irereto sa akin.
Ayun, so naligo nalang ako, nagbihis then pumunta na ako sa PE Class ko. Inoff ko din yung phone ko para di nila ako matawagan, ako pa, ang dakilang Palusot.. Hahaha.. Para saan pa ang pagtawag sakin ni Daddy ng Ms. palusot kung di ko magagamit kila Shar.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N
Pasensya na po sa update ko, ginawa ko po ito para ipakilala muna ung girl character. Nga pala, if you want to be a friend of mine, feel free to message me, magrereply po ako :) Kung feeling nyo, hindi sya maganda, sabihin nyo lang po at mas pagbubutihin ko pa..
-GlitxieChelle
BINABASA MO ANG
Dreams With You
Teen FictionPaano nalang kung kasama sya sa lahat ng pangarap mo? Paano kung nasanay kang lagi syang nadyan para sayo? Ano ang gagawin mo kapag nawala sya sayo?