Danielle's POV
Papunta na kami ngayon ni Shar sa Mall para bumili ng bago kong phone, then we'll just do some hang outs like what best friends used to do.
Ng makabili na ako ng new phone ko, nagpunta naman kami ni Shar sa Forever 21, we did shopping, pareho naming hilig ito. Then a beautiful dress caught my attention, pagkahawak ko nung dress, saktong may kamay din namang humawak nito. Tinignan ko kung kani just to found out na si Shar yung taong yun and then we laugh..
"Pareho talaga tayo ng taste bhess, cge na kunin mo na" sabi ko sakanya
"Ikaw nalang bhess, tutal mas bagay naman sayo yan eh" sabi naman nya sakin
"Bili nalang tayo ng tig isa bhess, para friendship dress natin diba bongga yun." Suggest ko naman sakanya
"Yeah right bhess, bili nalang tayo ng tig isa" pagpayag nya
So ayun, nagpunta kami sa counter para kumuha ng dalawang dress na ganun at para bayaran na rin yung mga iba naming binili.
After that, nagpunta na kami sa S&R para bumili ng pizza..
Habang kumakin kami biglang nagsalita si Shar
"Nga pala bhess, gusto kang makilala nung kuya ko, remember yung pinsan ko na lagi kong kinikwento sayo?" Sabi nya sakin
Agad naman akong napaisip kung sinong pinsan nya and then naalala ko yung lagi nyang binabanggit, yung close na close nya
"Yeah bhess, ohh, anong meron doon? Tanong ko naman sakanya
"Naalala mo pa ba nung time na, pinapunta ka namin ni Xhianne sa Mcdo at hindi ka sumipot, yun yung time na ipapakilala sana kita sakanya since gusto ka daw nyang makilala, syempre alam mo naman yun, gusto daw nyang makilala ang mga friends ko" dire-diretsong sabi nya
Then WHAT?
"So ibig sabihin ba nung bhess, hindi mo ako ipapadate or ipapakilala sa kung sinu-sinong lalaking nirereto mo? Tanong ko ulit
"Hindi bhess, kay kuya sana kita ipapakilala, kinabahan lang ako noon kaya kung anu-ano ang mga nasabi ko" sagot naman nya
"OMG, pasensya na bhess huh, baka sabihin ng kuya mo, inindian ko lang kayo, akala ko kasi talaga, pasensya na bhess" hingi ko ng tawad, kung alam ko lang sana diba, edi sana may nahingi akong pasalubong,, gosh, kumakapal na naman ang mukha ko
"Gusto mo bhess, sa Saturday, labas tayo nila kuya, free ka ba that day? Tapos suot natin yung dress na binili natin.." Sabi nya
"Sige bhess, why not.." Agad namang sagot ko
After naming kumain, hinatid ko na sya sa condo nya then umuwi na rin ako.
Hay, naaalala ko na naman yung phone ko, pag nakita ko lang talaga yung kuyang magnanakaw ng cellphone ko na yun, sigurado akong makukulong yun ng pang matagalan, hindi nya ba alam kung gaano kahalaga sa akin ng cellphone na yun.
Ginawa ko na muna yung mga assignments namin, then nag basa ng konti baka kasi surprise quiz bukas. Hindi ako Grade Conscious, gusto ko lang talga na hindi naman nahuhuli sa klase, ayoko na pag tinanong ako, eh, nganga lang ang peg ko.
After kung magbasa, nahiga na ako, kinuha ko yung picture nya sa ilalim ng unan ko
Kelan ka ba babalik? Miss na miss na kita
Then a tear fall from my eye.
Hanggang ngayon sya pa rin, hanggang ngayon umaasa ako na babalik sya, na tutuparin nya ang mga pangako nya sa akin
After that, ay nakatulog na ako na sya na naman ang laman ng isip ko.
A/N
Nag start na ang twist sa story na ito. Sino nga ba ang couple na tinutukoy ng title. Si Patrick at Danielle ba, si Patrick at Gwen o may kinalaman ito sa taong nasa picture na hawak ni Danielle.
Subaybayan ang bawat kabanata.
-GlitxieChelle
BINABASA MO ANG
Dreams With You
Teen FictionPaano nalang kung kasama sya sa lahat ng pangarap mo? Paano kung nasanay kang lagi syang nadyan para sayo? Ano ang gagawin mo kapag nawala sya sayo?