Chapter 5-Camp

32 3 0
                                    

"Guys, we will going to have family camping this Saturday." Aniya ni Ma'am Lorenzana sa amin.

"This saturday agad Ma'am?"

"Agad-agad Ma'am?"

"May bayad ba Ma'am?"

"Wala. Libre na ng school iyon. May magandangn loob na nagbayad ng ibang mga activities na gagawin natin the whole year."

"YUUUUUUUUUUUN!" Sigawan ng lahat.

Actually, kanina pa sila daldal ng daldal at reklamo ng reklamo kung bakit agad-agad naman daw, at saka iniisip nila na may babayaran. Kanina pa yan ang pinuputok ng buchi nila. Buti na lang at sinabi sa amin ng teacher sa amin na libre na ang lahat, much better!

Bigla naman akong kinalbit ni Misha. "Nakakaexcite no!" Sabay ngiti niya.

She's very pretty, no doubts. And I guess matagal na talaga sila magkakilala ni Aldrin, yun ang nafefeel ko. Syempre, bakit naman ganun magrerereact si Aldrin ng malaman niya yun diba? Ang labis na ipinagtataka ko sa babaeng to eh kung bakit iba yung pinapakita niya, hindi ko nga alam kung alam niya ba yung sakit niya o talagang ayaw niya lang pag-usapan. Pero siyempre di ko din naman kayang iopen-up sa kanya.

"Yeah." Sabay ngiti ko sa kanya.

Ang tahimik ni Aldrin sa likuran ko, siguro dahil pa din sa nalaman niya at talagang di siya makamove forward dun. Talagang mahalaga nga siguro talaga sa kanya si Misha, o baka gusto niya na siya or should I say mahal.

To be honest, andami ng naninibago sa kanya.

"Whole family ang isasama guys okay? Class dismissed."

Pumunta na kami ni Misha sa canteen para bumili ng pagkain. Hindi na ako nag-abala pang tignan si Aldrin.

Teka bakit ko ba siya laging iniisip?!

"Hoy! Kanina ka pa tulala diyan! Problema mo?" Taas kilay na tanong ni Misha sa akin sabay kagat ng cheesecake.

"Misha, may sakit ka ba?" Napatingin siya sa akin at nagtaka. Teka?

"Huh?"

"May malubhang sakit ka ba?"

Di ko inaasahan ay bigla siyang tumawa ng napakalakas. Dahilan para magtinginan sa amin ang mga tao sa loob ng canteen. Anong nakakatawa sa tanong ko?!

"May nakakatawa ba?"

"HAHAHAHAHAHAHAHA TRISHA?! ANO BANG KLASENG TANONG YAN?! GRABE NAKAKATAWA! HAHAHAHAHAHA."

Hindi niya pa alam?

Tumigil na siya sa pagtawa after 5 minutes.

Huminga siya ng malalim. "Nagulat ako ng bigla mong itanong yan, as in. How come? Do I look pale ba or what? Masyado ba akong payat? O mukha akong naka-drugs?!" Natawa naman ako sa mga sinabi niya.

"Baliw."

"So much for that, anyway, di ko nga pala naituloy yung kuwento ko about sa amin ni Aldrin diba? Remember?"

Yeah, yung time na biglang pumasok si Aldrin na walang emosyon ang mukha.

"Kaya nga. Kuwento mo na."

"So yun na nga, matalik kong kaibigan si Aldrin, noong bata pa lang kami niyan, magbestfriend na kami."

Bestfriend lang pala sila? Parang kami pala ni Owen eh.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Naalala ko noong mga bata pa lang kami, muntikan na akong masagasaan noon, pero niligtas niya ako."

Sounds familiar. I dunno why.

I Know you Exist(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon