"TRISHA NICOLE! GUMISING KA NA! MAY PASOK KA NA! BAWAL MALATE DUN! GISING!!!!!" Hay naku, si Mama naman eh. Ang aga aga pa eh ginigising na kaagad ako. Chineck ko ung alarm clock ko. Pagkakita ko, 6:30 pa lang pala. Hay ang aga pa. Diba 6:30 pa lang--? Wait! Napabangon akong bigla. 7:30 nga pala ang klase ko. Patay na ko nito! Kabago-bago ko pa lang eh malelate na agad ako.
Trisha kasi ayaw gumising ng maaga!
Dali dali akong bumaba para icheck kung nakaalis na si Carlo. Nakaalis na nga! Patay! Di man lang ako hinintay ng lalaking yun! Pumunta na ko sa banyo para maligo, tapos kumain na ng almusal, nag toothbrush, nagbihis and! Ayun off to school na. Parang nagawa ko lang lahat ng yun within 10 minutes ah?
"Mama, Papa, alis na po ako." sabi ko tapos nagkiss ako sa cheeks nila.
"Malelate ka na nyan anak! Kabago bago sa school! Sige. Ingatt!" Sabi ni papa sa akin.
"Kaya nga po eh. Sige po una na po ako! Ingat kayo!"
"Ingat din nak!" Sigaw ni mama.
Sumakay na ako ng jeep. Bwiset naman 'tong si manong driver eh, gusto pa punuin etong jeep, yung tipong meron sa bubong at sa gulong. Halos di na nga nakakaupo ang pwet ko eh.
After ilang minutes, umandar na din 'to. Ang bilis ng tibok ng puso ko ng dahil sa kaba. Never in my life pa ako na-late sa school na pinapasukan ko noon, kung kelan bago pa lang ako sa school na papasukan ko saka pa nagkaganito.
Okay Trisha relax! Meron ka pa namang 25 minutes eh! Ayos ah! Ni-hindi ko pa nga alam kung saan yung room ko. Biglang nag-ring ang cellphone ko, nko po nakalimutan ko i-silent.
"Hello--?"
"Hoy babae! Ingat ka ha! Goodluck sa first day mo! Fighting! Nga pala, ang ganda mo daw sabi ng gf ko. Osige bye na!" Then in-end niya na yung call.
Nako Owen, bastos talaga, tama bang di ako pagsalitain? I'm happy na after ilang years, nagkaroon na siya ng girlfriend, kaso palihim nga lang, syempre artista siya eh.
Naghanap ako sa settings nitong cp ko para i-silent 'to, baka mamaya biglang mag ring pag nasa classroom na eh maconfiscate pa 'to.
"Miss bayad ho!"
Bakit di ko mahanap? Asan na ba yun?
"MISS!"
Nawawala?
"HOY MISS!"
"Ayun nakita ko na!"
Napatingin naman yung mga tao sa akin sa jeep, nakakahiya! Tapos kanina pa ata nakasimangot 'tong si ate dahil pinapaabot sa akin yung bayad niya.
Ang gandang panimula ng umaga.
Nakarating na din ako sa school, sa wakas!
OMG! 10 minutes na lang. Simula na yung class ko. Hinanap ko kung saan yung room ko.
"Bldg. B. Section A." Sabi ko sa sarili ko. Kinakabahan na ako. Baka mamaya maging center of attraction pa ko sa mga tao doon dahil late ako! Nako mababaliw na ata ako sa kaiisip at sa kaba! Sa pagmamadali ko may nabunggo ako.
"Uh..Sorry." Sabi ko sa kanya.
Tinaasan niya lang ako ng kilay. Problema ng lalaking 'to?
"Miss, tumingin ka sa dinadaanan mo pwede?" Sorry naman! Grabe tong lalaking to ah. Nagsorry na nga ako eh. Siya pa tong galit!
"Sorry ah. Marami kasing tao dito eh ?! At saka nagmamadali ako! Excuse me lang huh!" sabi ko ng may bahid ng pagkainis.
Pero pag dadaan ako sa kaliwa, kakaliwa din siya, pag sa kanan naman ganun din. Para lang kaming nag papatintero. Argh!
"Ano bang probelema mo ha?" Sabi ko sa kanya sabay pamaywang.
"Wala naman, ikaw ba?" Sabay grin niya.
"Marami eh, pwede bang lumayas layas ka dyan, at wag ka ng dumagdag pa sa problema ko!"
Pero nakatingin lang siya sa akin. Pinagtitinginan tuloy ako dito ng mga tao. Nagbubulungan na sila. Parang ang lakas ng hatak sa kanila ng lalaking 'to. Pero wala akong pakielam. Basta ang alam ko..
"EXCUSE ME NGA! LATE NA AKO SA KLASE KO EH! WAG KA NGANG HUMARANG HARANG DYAN!" namula na talaga ako nun sa sobrang gaklit. Umagang umaga eh binibwiset ako nito, first day of class pa. Sirang-sira na talaga ang araw ko.
Di ko inaasahan tumawa siya ng napakalakas. ARGH! Nakakainis! Alam niyo yung feeling na seryosong-seryoso ka na at pulang-pula ka na sa galit tapos bigla ka lang tatawanan ng hayop na 'to? Bakit ba napakasaya ng araw na 'to?
"Look at your face. Pulang pula ka na! HAHAHAHA!" Grabe. Kung ipakain ko kaya itong lalaking ito sa BUWAYA ??! Nagawa pang tumawa. Tinignan ko ulit yung mga tao sa paligid, lahat sila nakikitawa na din. Anong nakakatawa dun? Mga abnormal ba tao dito sa Baracuda National High School?
Weird ng pangalan ng school na 'to no?
"Excuse me? Padaanin mo na ako!" Tinignan ko yung oras sa cellphone ko, 7:35 na! Late na ako ng five minutes. Nakakaiyak!
"What's your name muna?"
"Bakit ko naman sasabihin, ano ka siniswerte?"
"Bakit pag nalaman ko ba yang pangalan mo eh sa tingin mo eh seswertihin ako? Ano ka lucky charm? Papadaanin kita pero kelangan mo munang sabihin ung pangalan mo."
"Ayoko."
"Gusto ko."
"Ayaw ko nga eh!" Ang kulit talaga! Aalis na sana ako kaso hinaharangan niya ako. Bwiset!
"Ilang minutes na lang start na ng class, malelate ka nyan?"
Kanina pa ako nabibwiset. Galit na talaga ako.
"Actually it's already 7:35 when I checked my phone. Kung ichecheck ko naman ulit eh non sense na kasi late na din naman ako at panigurado, kaninang-kanina pa nagstart yung class ko. Alam mo kasalanan mo 'to eh!" Don't blame me sa mga pinagsasabi ko, galit na talaga ako eh! "Kung hindi ka makulit dyan edi sana kahit papaano eh nakaabot ako--"
"Tinatanong ko lang pangalan mo kung anu-ano na sinasabi mo." Napailing siya at tumawa. "Yeah I think you're late."
"Talaga!"
"Napakadami pa namang tao dito oh, wala pa sila sa mga rooms nila." Sabi niya.
"Malay mo iba ang sched nila sa akin, malay mo 8:00 pa class nila!"
Tumawa siya ng tumawa hanggang sa pulang-pula na ang kanyang maputing mukha. Pahawak-hawak pa siya sa tiyan niya nun. Binalak ko ng umalis nun kaso..
"Aray!" Tama bang itapid yung paa niya para madapa ako? Ang dami kong naririnig na tawanan!
"ALAM MO, KALA MO KUNG SINO KA HA! ANO BANG PROBLEMA MO SA AKIN?" After kong sabihin yun, tinulungan niya akong tumayo, aba, nagawa pa akong tulungan e siya na nga 'tong nandapa.
"Sorry, ikaw kasi eh! I'm just asking for you're name! Tas ayaw mo pa sabihin. All eyes on us oh." Yeah ang daming nakatingin ng masama sa akin, problema nila?
Dahil inis na inis na ako, at late na late na talaga ako, sinabi ko na yung pangalan ko.
"Ako nga pala si Trisha Nicole Reyes. Ano ayos na ba?"
"Nice to meet you Trisha." tapos nag smile siya sa akin.
"Ako nga pala si Aldrin Guevarra." tapos nag wink siya sakin tapos tumakbo na paalis.
BINABASA MO ANG
I Know you Exist(on-going)
Novela JuvenilSacrifices. Betrayal. Love. Lahat ng yan naranasan ko na, sa isang di maipaliwanag na pagkakataon, na siyang nagpabago sa buhay ko. How can I know that you really exist, kung sa isang iglap lang eh mawawala na din pala ang lahat. How about our promi...