Chapter 3-Abnormal

104 5 5
                                    

Okay, what was that for? Abnormal ba yung lalaking yun? Di ko naman tinanong yung pangalan niya pero proud na proud pa din siyang nagsabi yun. Weird boy. Sana talaga hindi ko na makausap o makita man ang walang hiyang lalaking yun.

Baka pa kung anu-ano ang maisip ko, nagtanong tanong na ako sa iba kung saan yung room ko na yun. Buti naman at sinagot nila ako ng matino. Pero, may isang nakainom ata  ng detergent at parang tanga. Nagtanong ako sa kanya at eto ang sinabi sa akin.

"Kuya, excuse po, saan po ba dito ang Bldg. B para sa section A? Bago lang po kasi ako dito eh." Tanong ko sa lalaking nakatayo dito sa corridor.

"Sa puso ko." Sagot niya.

Nakatayo na ako dito sa may gilid ng pinto ng sinabi nilang room sa akin at talagang kinakabahan na ako ng bonggang bongga at nakakabaliw na talagang tunay! Late na ba naman kasi ako kasi quarter to 8 na kaya napagdesisyunan ko ng pumasok ng bahagya.

God, kayo na po bahala sa akin. Hinga malalim!

"G-oodmorning po Ma'am. Sorry po talaga kung late a-ko."Sabi ko sa kanya sa isang nanginginig na boses kahit na pinipilit kong maging cheerful sa harap niya.

"So, who are you?" Tanong niya. Ang sungit sungit niya, tapos medyo may edad na siya pero ang ganda pa din niya to be honest. Eto na ata yung si Ma'am Buenavista eh na nakalagay sa schedule ko.

"I-m Trisha Nicole R-eyes po. Transferee student." Halos lahat ng mga mata ng kaklase ko ay nakatingin sa akin! Alangan naman ilong ang nakatingin sa akin diba? Hay! I can't take this anymore. Iba pala ang nagagawa pag kinakabahan ka, napapaenglish. 

Tinignan niya muna yung papel na hawak niya na may pangalan siguro namin at tumingin siya ulit sa akin.

"So why are you late?"

"K-asi po.....--"

"Don't explain." Tapos tumawa si Ma'am. Hala? "It's okay naman eh, every first day of the school here eh pwedeng malate kasi marami pang mga late enrollees na kailangan namin ientertain. Swerte niyo kasi hindi na kayo madadagdagan kasi nga first section kayo. Kaso dapat 8:00am andito na lahat. Pero 7:55am pa lang naman kaya sige okay lang. Pumasok ka na dito at umupo sa upuan mo."

Ay? Kaya pala sarcastic yung pagkakasabi nung Aldrin na yun nung sinabi niyang.."Yeah, I think you're late."

"Eh saan po upuan ko Ma'am?" Grabe, kung dati sa school namin noon eh 35 students lang kami, ngayon naman eh I think 50?

"Kahit saan ka na lang muna umupo.  Bahala na ang ibang teachers kung mgakakaroon ng seating arrangement."

Biglang may sumigaw na bakla.

"No Ma'am! It's not seating arrangement! It's cheating arrangement!" Nagtawanan naman kami lahat.

"Abnormal talaga kayo. Basta kahit saan kayo umupo sa time ko. 50 students kayong lahat sa section na ito" Sabi sa amin ni Ma'am Buenavista.

Tignan mo nga naman, tama yung hula ko! Hahahahahahahaha! Napangiti naman ako kay Ma'am Buenavista.

"Hey girl!" Sigaw sa akin ng isang babaeng napakaganda.

"Bakit?"

Uupo na sana ako dun sa isang upuan na bakante ng bigla siyang sumigaw kaya nagtinginan kaming lahat sa kanya.

"DON'T SEAT THERE! Dito ka na lang sa tabi ko!"

Napataas naman ako ng kilay at ngumiti, "Bakit naman?"

Tumawa siya ng tumawa bago magsalita.."Wala lang!"

Kung iispin ko, baliw na kaya talaga ito? Ang ganda gandang babae pero baliw katulad ko. Mukhang makakasundo ko ito ah!

I Know you Exist(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon