Chapter 1- Bestfriend's someone

147 5 2
                                    

Hello. Ako ay isang babaeng abnormal. Promise totoo yun. Ba naman ako yung tipo ng tao na laging nakangiti at hindi madrama sa buhay. Laging nakatawa sa harap ng tao, walang masyadong siniseryoso na problema.

Duh. Yun ang defenition nila ng ABNORMAL.

Kasi daw ako yung babaeng iba sa pangkaraniwang tao. Weh?

Bukas na ang start ng pasukan. Sana marami akong maging friends dun. Sana mababait sila. Sana makasundo ko sila. Sana maging masaya. Sana lang talaga, sana. Kinakabahan ako na excited eh. Bahala na nga. After kong mag-guni-guni eh bigla na lang akong nagulat ng biglang sumigaw yung pinakamamahal kong kapatid.

"HOY ATE! TAWAG KA NI MAMA! TULUNGAN MO DAW SIYANG MAGLINIS DUN SA BABA! PASARAP BUHAY KA DYAN EH!" aba! kelangan ba talagang sumigaw ?Parang siya na ang mas matanda sa'kin eh no?

"Kelangan mo pa bang sumigaw ah?! Hindi naman ako bingi noh! Grabe ka ako pa ang sinabihan mong pasarap buhay dyan!" tapos nag act ako na susuntukin ko siya pero syempre di ko naman yun gagawin noh! Patay ako kay Mama pag ginawa ko yun!

"MAMA! Si ATE oh! Susuntukin ako!" OA naman neto.Joke lang naman yun eh. Napaka sumbungero pa ! This kid is getting to my nerves !

"Trisha, tigilan mo nga yan kapatid mo! Para kayong aso't pusa na laging nag-aaway dyan ah! Tumulong ka na nga dito maglinis!" Ok. Dahil masunurin naman akong anak eh sinunod ko naman si Mama. Dinilaan pa nga ako ni Carlo, nakakainis talaga ito. Inirapan ko nga.

"Alam mo Carlo, ang magaganda, pasarap buhay lang dapat, ang mga panget na katulad mo, dapat pinagsisilbihan ako,bigyan mo nga ako dito ng isang basong gatas. Ngayon na!"

"Sinong maganda? San banda ho?"

"Sa lahat ng banda." Sabay halakhak ko.

"Ate ko, mawalang gana na ha, pero wag ka masyadong mag-ilusyon. Kala mo naman kagandahan yang pagmumukha mo, kung pwede nga lang eh burahin ka na sa mundo eh." 

"Hoy ang bastos mong bata ka ha!"

"Joke lang naman yung burahin ka sa mundo. Pero ang hindi joke eh yung panget ka."

"Sumusobra ka na ha!"

"AHAHAHAHAHA! ASAR TALO! LALALALALALA!" Tapos lumabas na siya ng kwarto ko at bumaba na siya ng hagdan.

Oh?! I haven't intoduce myself yet. I'm Trisha Nicole Reyes, 3rd year highschool na. Sa Baracuda National High School na nga pala ko mag-aaral. Bukas, new school, new life. Napagisipan ko na lumipat ng school kasi medyo mahal yung tuition fee sa dati kong school, which is private school siya. Ayoko na mag-aral dun kasi masyadong mayayabang ang mga tao dun eh. Mas gusto ko pa sa public school.

Carlo Reyes naman ang nakakabwiset kong kapatid. Grade 5 na yan. Gusto ko na ngang itapon sa ilog yang batang yan eh. Masyado nang nakakainis.

Kung iisipin mo, para kaming hindi magkapatid diba? Una, para kaming aso't pusa na daig pa ang World War III mag-away, yung kumbaga, pang-gera talaga. Pangalawa, parang wala man lang kaming sweetness sa katawan diba, tignan mo umagang-umaga nagsisigawan na kami dito, siguradong rinig na rinig na 'to sa kapitbahay at nagrereklamo na ang mga yon. At pangatlo, kung sigaw-sigawan ako parang di ako mas matanda sa kanya.

Pero kahit ganyan yan, mahal na mahal ko yan no!

EWWWW. ERASE.

Kasalukuyan akong nandito sa aking maliit na kwarto at inaayos ang aking mga gamit na gagamitin bukas. Sobrang boring pa naman ngayon sa bahay at panigurado sandamakmak na utos na naman ang ibabato sa akin ni mama. May naisip ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang bestfriend kong napakagwapo!

"Hello?" rinig kong sabi niya sa kabilang linya. Masyadong maingay at parang crowded ang place."Uy Trisha! Bakit ka napatawag? May problema ba?!""Cellphone's are not allowed!" Rinig kong sabi ng isang lalaki.

I Know you Exist(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon