Gusto ko ng mag ka boyfriend.
Ang problema ko wala namang nangliligaw sakin. I won’t say na maganda ako o pangit. I’m all right I think. Chinita at madalas napagkakamalang may lahi kahit pa purong Filipino naman ako.
May nagtangka na ring manligaw sakin pero ayoko. Sino ba namang babae ang gustong magka-boyfriend ng lalakeng parang si San Goku sa kulay at haba ng buhok niya. Yung tipong tayo-tayo? Buti kung magkasing puti sila ni San Goku eh kaso hindi naman, pagpantayin muna nila ang skin-tone at kulay ng buhok niya bago manligaw. Hard na kung hard pero ganun talaga ang description niya.
Isang buwan na lang mag te-twenty na ako. Siguro naman pwede na di ba? At isa pa hindi ko naman papabayaan ang pag-aaral ko. Good girl pa rin naman ako kahit nangagarap na ko mag ka boyfie. I’m a graduating student; it’s time for me to venture out there.
Pero kung iisipin nga naman, hindi ko akalain na aabot ako sa puntong ganito. Na mainggit dun sa mga taong may so called other halves nila. Dati noong highschool ako parang wala naman yang love life-love life na yan. I was oblivious then. But right after first day of freshman college year? Boom! Parang may isang bulkan ng mga puso ang pumutok right before my eyes.
And till now hindi pa rin nauubos yung mga puso.
Kahit sa loob ng university or sa mall, panay sulpot lang. Nandiyan yung mag ka holding hands while walking. Yung mga nakaupo sa benches or inside fast-food-chains na super dikit na sa isa’t-isa at kulang na lang ang mighty bond para hindi na sila mapaghiwalay.
Nawala ako sa wisyo ko ng may sumigaw galing sa labas. Oo nga pala nasa loob ako ng cubicle sa CR.
“Yana tara na! Mag se 7/11 pa kaya tayo!” Tinawag ako ni Iza. Dali dali akong nag-ayos at lumabas. Bakit ba di ko namalayan? Shiz naman.
“Eto na! Hindi naman ako ang matagal mag CR ah. Si Joanna kaya yun.” Sigaw ko habang patakbo sa lima.
“Anong ako? Kanina pa kaya ako lumabas, lutang ka na naman sa loob kakaisip ng kung ano-ano.” Sabi ni Joanna na kapareho kong maikli ang buhok.
“Sigurado ka? For reals? Bakit ang bilis mo yatang nakalabas sa washroom ngayon? For reals? Peksman?” Asar ko sa kanya.
“Ewan ko sayo. Tara na nga, baka mamaya kung ano na naman gawin niyan ni Yana mapatagal pa tayo uli.” Asar niya sakin. Mag aasaran pa sana kami kaya lang nagyaya na si Lily at gutom na daw siya.
Sumunod na kami at nag kwentuhan na lang ng kung ano-ano. Ganun naman kaming anim, for four years ang tibay namin. Ritwal na ata namin ang pag se 7/11 tuwing Friday. Kasi last day ng class for the week tapos sa tapat lang naman ng univ yung store. Oh di ba. Nakatambay na, nakakain pa, may chance na rin makakita ng gwapong pwedeng maging boyfie.
“Anu naman kasi ang ginawa mo doon sa CR ha Yana?” Biglang tanong ni Christine. Siya naman ang medyo may poise at may pagka dalagang Pilipina sa amin.
BINABASA MO ANG
Gusto Ko Na Magka Boyfriend
General FictionPara sa lahat ng NBSB :D Isang buwan na lang mag te-twenty na si Yana at NBSB pa rin ang peg niya. Ngayon may tatlong lalake ang naglalaban-laban mapalanunan lang ang matamis niyang Oo Pero sa huli maging tama nga ba ang desisyon niya?