Napanganga ako sa sinabi niya.
Ha? Anu daw?
Your dream come true? Ang hangin. Okay na. Yun na eh kaya lang boom! Kung ginawa nya tong post sa FB, baka nalagyan ko na siya ng meme ng unggoy na may baril at may caption ng “Barilin ko na ba ?”
Shiz lang. Kanina nag mamakaawa ako kay Lord nabigyan ako ng chance, tapos ngayon ito na agad? Reklamadora Level 1
At sa dahil naloka ako sa sinabi nyang yun, natarayan ko tuloy siya. “Anong dream come true ka diyan? Hindi kaya ako nananginip kagabi noh.”
Napatawa lang siya sa sinabi ko. “Ako ang dream come true mo, at ako ang mapapangasawa mo babe.” Sabay ngisi.
Aaaaaahhh Nakakasilaw! Ang kagwapuhan mo pakitakpan!!! Kinikilig ako!!! Pero syempre natarayan ko na, kaya tuloy tuloy na ito.
“Babe? Agad agad? Hangin mo naman koya.”
“Para sayo lang naman.” Sagot niya.
“Hah? Ano bang kailangan mo sakin?” Tanong ko sa kanya.
Sabihn mong number ko ang kailangan mo.
“Wala naman. Gusto ko lang marinig ang boses mo.”
Medyo corny ahhh. Pero nakakakilig din naman. Kunin mo na kasi ang number ko nang mag ka txt tayo. Kahit pa hindi ako mahilig mag txt, para sayo, mag uunli ako ng isang buwan. Kahit habang buhay pa. Pero tatarayan pa rin kita.
“Naks naman. Saan mo naman nakuha ang linya na yan?”
“Ito naman ang taray, sa puso ko kasi galing yun.”
Aba naman talaga! Tinawag pa kong mataray (which is I know ay tama, but still!) Medyo humahangin na talaga. Kung tutuusin ang ok lang nung linya nya eh pero yung may kasamang facial expression? Sarap tadyakan. Kahit pa kinikilig ako sa kanya, umayos ayos siya.
Di naman porket gusto ko ng mag ka boyfriend eh mag o-OO na lang ako agad agad. Ang gulo ko rin.
Kinikilig pero naiirita. Uurong aatras. Parang tae lang.
Pero may tawag kasi dun sa ginagawa ko.
Pakgpapakipot.
Kahit isang araw lang, payagan na ako mag pa kipot, NBSB eh. Pag bigyan.
“Ano nga kasi ang kailangan mo?” Naiiritang tanong ko sa kanya.
Tumayo siya at may kinuha sa back pocket ng jeans niya. Lumapit sakin at nilapit ang bibig niya sa kaliwang tenga ko.
BINABASA MO ANG
Gusto Ko Na Magka Boyfriend
General FictionPara sa lahat ng NBSB :D Isang buwan na lang mag te-twenty na si Yana at NBSB pa rin ang peg niya. Ngayon may tatlong lalake ang naglalaban-laban mapalanunan lang ang matamis niyang Oo Pero sa huli maging tama nga ba ang desisyon niya?