Start

12 1 0
                                        

My Love In the Sky♡

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

Ako si Nori, isang simpleng babae na nag-aaral sa isang pang publikong paaralan... Wala naman akong hinahangad na kahit ano dahil masaya ang high school life ko sa school na pinapasukan ko ngayon...

Madami akong kaibigan, lahat sila natutuwa saakin dahil mabait at malambing raw akong tao... Hindi sa pagmamayabang pero madami ang nagkakagusto saakin, hindi ko alam kung ano ba ang nagugustuhan nila saakin pero hindi ko naman masuklian ang feelings nila... Kasi kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin makalimutan yung first love ko... Si Haruna... Nakilala ko siya noon nasa first year pala ako, siya ang pinaka una kong naging kaibigan sa school na ito, second year siya noon, at kilala pa bilang pinaka popular at pinaka matalinong estudyante ng school namin... Nung una, nahihirapan akong makisama sa kaniya dahil nahihiya pa akong makipag-usap sa kahit na sino dahil freshman pa lamang ako... Pero nahulog ang loob ko sa kaniya nung tulungan niya ako ng muntikan na akong mahulog sa hagdanan dahil sa sobrang dami kong bitbit, ako kasi ang inutusan ng teacher namin para dalhin yung ilang mga notebook sa teacher's office... Nung una hindi ko napansin ang magandang side niya dahil palagi siyang seryoso, yung akala mo palaging may malalim na iniisip... pero nung nga oras na iyon, unang beses ko siyang nakitang ngumiti... Napakaganda ng mga mata niyang kulay brown, ang haba pa ng pilikmata, ang tangos ng ilong, ang ganda ng hugis ng labi na mamula-mula pa, at ang mas nagpapagwapo sa kaniya ay ang kaniyang malalim na dimple... Nung mga oras na iyon, inamin ko na sa sarili kong gusto ko siya... Pero natakot naman akong umamin dahil baka bigla nalang magbago ang lahat, paano kung bigla nalamang niya akong iwasan, paano kung mawala yung pagiging matalik naming kaibigan at mawala na lamang siya na parang bula? Yan ang palaging pumapasok na mga tanong sa isipan ko sa tuwing naiisip ko ang pagtatapat ng feeling ko sa kaniya, pero bigla-bigla na lamang akong panghihinaan ng loob sa tuwing naiisip ko na baka lumayo ang loob niya saakin kapag umamin ako sa kaniya...

Nang mapagdisisyonan ko namang umamin sa kaniya, nalaman ko nalamang na nagkaroon siya ng malalang karamdaman at biglaan nalang siyang lumipad papunta sa U.S para doon na mag stay for good... at para na rin mapagamot siya agad.

Wala na akong nagawa, umiyak lang ako ng umiyak dahil nagsisisi akong hindi man lang ako umamin sa kaniya bago man lang siya umalis, pakiramdam ko ang tanga-tanga ko. Pero hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako, nagbabakasakaling makrus ang landas naming dalawa, at nang maamin ko na sa kaniya ang nararamdaman ko para sa kaniya na halos isang taon kong kinimkim...

(After 2 years)

Tumatakbo ako ngayon sa corridor, napapatingin ako sa paligid ko dahil iisa lang ang pinag-uusapan nilang lahat... Ang tranferee na sa pagkakaalam ko ay galing raw sa ibang bansa. Ewan ko ba pero si Haruna bigla ang pumasok sa isip ko ng marinig ko ang salitang 'taga ibang bansa' umaasa talaga akong siya nga yung transferee, Oo para akong tanga kasi pagkalipas ng 2 years na hindi siya nagparamdam umaasa pa rin akong babalik siya para saakin...

***

Habang paakyat ako ng hagdanan, bigla ko nalang nabangga yung lalaki dahil hindi ako naka tingin sa harapan ko, hinahanap ko kasi sa loob ng bag ko yung I.D ko, tsaka late na rin kasi ako nakapasok kaya nagmamadali na ako...

Muntikan na akong mahulog dahil nagkamali ako ng hakbang pati na rin dun sa impact ko dun sa lalaki ng magkabanggaan kami, buti nalang at hinawakan niya ako sa bewang kaya hindi ako tuluyang nahulog. Pero nakakahiya, sa bewang niya pa talaga ako hinawakan!!!

Umayos na ako ng pagkakatayo,

"T-Thank you--"

Napatingin ako sa mukha nung lalaking nakabangga ko, namilog ang mata ko ng makilala ko kung sino siya, hindi ko napigilan ang sarili ko at bigla ko na lamang siyang niyakap ng sobrang higpit. Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang luha ko,hindi ko masasabing malungkot ako... Pero sigurado akong dahil ito sa sobrang saya, sawakas nakita na kita ulit, ang first love ko... Si Haruna... Pero parang binagsak akong muli sa lupa ng bigla siyang kumalas sa yakap ko, at bumungad sa akin ang malalamig niya mga tingin... hindi ko alam pero parang ibang tao na siya, bukod sa naging blonde ang kulay ng buhok niya hindi tulad noong una ko siyang makita na kulay brown...

My Love From The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon