Ending

37 2 1
                                    

♡My Love in the Sky♡
☆Ang kasunod na pangyayari☆

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

☆ December 25,2013 ☆

《Wish come true》

Naglalakad kami ngayon ni Hayato sa isang kilalang park, hmmm... Sabihin nalang natin na tinanong ko pa ito kay tita Velyn, ang sabi niya ito raw ang pinaka kilalang park na malapit sa ospital at ito rin raw ang paboritong park na palaging pinupuntahan nila Haruna at Hayato noong mga bata pa sila...

Huwag kayong maingay, pero planado na namin ni tita Velyn ang bawat event... Naikwento ko rin kay tita ang tungkol sa mga gustong gawin ni Hayato pagsapit ng pasko, na birth day niya rin naman.

Napatingin ako kay Hayato, merong bonet ang kaniyang mga ulo at mask naman sa kaniyang bibig... Medyo namayat rin si Hayato dahil na rin sa lumalalang karamdaman, pero hindi pa rin nawawala ang kaniyang kagwapuhan...

"Binasa mo nga talaga yung diary ko, kaya alam mo ang mga gusto kong mangyari..."

Napangiti lang ako sa kaniya, nag-alala ako ng bigla niyang alisin yung mask niya...

Hay, siguradong pagtitinginan nanaman kami ng mga babae...

"Bakit mo inalis ung mask mo?"

"Gusto kong ma-enjoy ang araw na ito kasama ka, kaya ayokong magmukhang may sakit..."

Hinayaan ko nalang siya, gwapo pa rin naman kasi siya kahit may sakit eh.

Sa buong maghapon, ginawa namin ni Hayato ang lahat ng gusto niyang gawin, kumain ng cotton candy, nagbike, sumakay sa bangka at kung ano-ano pa..

Pagsapit ng 7:40 pumunta kami sa isang lugar na pamilyar saamin... yung tulay na malapit sa school, ang dami naming memories dito...

"Bakit tayo nandito?"

"Kasi special ang araw na ito..."

Maya maya pa ay biglang umilaw ang mga christmas light sa paligid nung tulay, pati ako nagandahan rin...

Niyakap ko si Hayato mula sa likuran, alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero hindi ko kasi kayang sabihin ang mga ito ng naka tingin siya saakin.

"Hayato, gusto kong lang malaman mo na ikaw yung lalaking pinaka una kong minahal, pero sa ibang katauhan... Minahal kita bilang si Haruna, alam mo bang naging magandang impluwensya ka saakin noon? Diba isang beses inalis mo yung salamin ko, at sinabing bagay saakin ang walang salamin... kaya nga nung muli mo akong makita, hindi na ako nagsasalamin, kasi alam kong maganda ako sa paningin mo kapag naka ganun ako... Nung sinabi mo saakin na mahilig ka sa langit nahilig rin ako run... Ang dami mong mga inimpluwensya saakin... Alam mo bang sobra akong nasaktan nung umalis ka nalang bigla, kasi wala man lang akong nasabi sayo bago ka umalis... Kaya nung nakita kita, bigla kitang nayakap dahil sobrang pagkasabik sayo... Ang kaso, ikaw na si Hayato. Buti nalang tama ako ng hinala na ikaw nga si Haruna, kasi inisip ko nalang tumigil na sa pag-asang makikita pa kita, muli nanaman akong nasaktan ng bigla ka nalang nawala... Alam mo bang araw-araw akong umiiyak dahil pakiramdam ko ako ang nay kasalanan kung bakit ka lumayo saakin... Kaya ngayong kasama na ulit kita, hindi na kita bibitawan pa... Handa akong maging girlfriend mo... at hinding-hindi kita iiwan kahit na ano mang mangyari..."

Hindi ko na napigilang umiyak,

"Alam mo bang nagdamdam din ako sayo, kasi akala ko hindi mo na ako magugustuhan pa tulad ng pagkagusto mo kay Haruna... Natakot ako na baka dahil sa mga ginawa ko at mga masasakit na mga sinabi ko... Mas kinamuhian mo na ako at ayaw mo na akong makitang muli, kaya nga palihim lang kitang sinusundan..."

My Love From The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon