Part 5

27 4 6
                                    

Charisse's POV

Nakaupo ako ngayon sa may bleachers. Hinihintay ko ngayong matapos ang club activities ni Kyle.

Kasama kasi siya sa basketball club at pati na rin sa mismong varsity neto.

Sa totoo lang, kaming dalawa ni Clouie palaging nanonood ng basketball competitions. Kasama na rin kasi si Tyler Kwon, and crush ni Clouie, dito sa basketball team na 'to na the Red Phoenix. Center nga si Tyler sa basketball dahil sa tangkad at magandang hugis ng katawan nito.

Kung tutuusin, marami namang gwapo diyan na pwede kong magustuhan.

Si...

Ang shooter na si Zac Axton Cruz, na palagi kong naalala bilang Zac Efron kasi ang galing mag-basketball. Nadadala na rin siguro ng pagiging Pilipino style na kagwapuhan at pati na rin sa talino at lakas ng loob niya sa sarili. Pero, jowa niya si Jeremiah Chua. Ang baba naman ng taste niya sa babae. So, wag na siguro.

Ang center naman sa basketball na si Tyler Kwon, gwapo rin naman. Chinitong-chinito. Kapag ngumingiti, nawawala na ang mga mata nito. Syempre, Korean, e. Pero kay Clouie na 'yan, 'di ko rin naman masyadong type.

Nandiyan rin si Charles Tan. Ang pinaka sa pinaka-playboy at malibog sa kanilang lahat. Arogante, manyak, at lahat na ng kasamaan sa kanya na. Gwapo na rin sana kaso, kinulang sa ugali. Sayang din.

Nandiyan rin naman sila Cyan Levi Santos. Sa alam ko, nakailang girlfriend na 'yan at maraming trip na babae. Pero feeling ko, trip netong playboy na 'to ngayon si Joanne at baka isunod sa mga linya ng jowa niya. So 'wag na lang din.

"Oh, Charisse," Rinig kong tawag sakin ni Cyan, "Nakita mo ba si Joanne?"

Tingnan niyo. Bukambibig neto si Joanne. Puro Joanne tinatanong neto sa akin at nakakabanas na. At buti nalang mabait ako ngayon kasi kailangan.

"May club activities. Tsaka pinapasabing miss ka na n'ya," Sagot ko at ngumisi rito, na ikinagulat naman niya.

"Ha?! Seryoso ka ba?! Shit na malupit," malutong na mura ang ginanti niya habang nagkakamot ng ulo, "O sige, habulin ko muna siya. Bye, coach!" Paalam ni Cyan sa coach nilang terror at the same time ang clown na si Sir Oliver at tumakbo na paalis.

"Ano? Hoy!! Santos!!" Sigaw ni Sir Oliver ng galit na galit habang tumatawang tumatakbo si Cyan.

Nangarap naman ang shokoy.

Bahala na si Joanne kung saan siya masaya. Hindi nga namin alam type niya, e.

Patuloy akong nanonood ng basketball. Halos lahat sila, nagkakasundo naman. Pero isang lalaki lang talaga ang malakas ang dating para sa akin.

Sino pa ba? E 'di, si Kyle.

Napapangiti ako kung gaano siya ka-cool. Every time na nagba-basketball siya, sa kanya lang ako laging nakatingin.

"Oh, Charisse?" Biglang bumungad sakin ang pawis na pawis na si Zac Efron—I mean, si Zac Cruz.

"Uy."

"Ano ginagawa mo rito? May hinihintay ka ba?"

"Ah, oo. Kakausapin ko sana yung coach niyo after ng practice," pagsisinungaling ko rito at tumayo na, "sige, dun na muna ako ah? Na sa cafeteria si Jeremiah ngayon kasama mga alagad niya. Ba-bye!"

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon