“Wait and you’ll know .” yan ang sabi ng babaeng pinigilan akong tumalon sa bangin . Ewan ko ba nung una ayaw ko pang maniwala . Pero heto naniwala ako sa kanya ng malaman ko sa mga doktor na gumising pa siya .
Gumising nga siya pagkatapos ng ilang buwan , pero yun nga leukemia ito . Hindi daw basta basta gumagaling yun . Ang sabi ng doktor kailangan niya magpachemo theraphy , kaya naman bayaran ng pamilya nila ang mga bayarin at handa rin naman tumulong ang pamilya namin pero ayaw niya talaga . Nagpupumulit rin siya lumabas nun sa ospital kahit nanghihina na siya . Noong una ayaw pa namin dahil baka mas lalong manghina siya pero sa huli Pinayagan kami ng doktor .
Nalaman rin ng school ang nangyari sa kanya kaya pinadrop out siya kahit na labag sa loob ng school .
--------------
Nandito kami ngayon ni Kath sa park . Wala lang pampalipas oras , gusto niya rin daw kasing makita ang kalikasan .
“Kath ?”
“Hmmmm ?” Nakaupo ako sa bench at siya naman ay sa wheel chair dahil hindi na niya kayang maglakad .
“Di ko akalaing mabubuhay ka pa .” Hinampas niya ako sa balikat pero mahina lang . “Aray ko naman bakit mo ako hinampas?”
“Napaka mo talaga .” Abay nagpot pa .
“Wag ka nang magpout di bagay sayo .”
“Mahal mo naman ako .
“Hay nako oo na talo .” I raise my hands na parang defeated na talaga . Napatingin ako sa malayo nakakita ako ng nagtitinda ice cream . Favorite ito ni Kath , baka gusto niya .
“Kath -” pagkatalikod ko bigla kong nakita na papalayo siya . Pero habang papalayo siya unti-unting lumalabo ang paligid pati siya mismo lumalabo .
“Kath! Kath!” Patuloy lang ako sa pagsigaw pero parang hindi niya ako narinig yumuko ako tsaka sumigaw . “Kath please lang naman oh! Wag mo akong iiwanan .”
Pagkaangat ko ng ulo ko nakita ko siyang nakatingin saakin . Habang umiiyak , di ko alam kung bakit pero gusto ko siyang lapitan at patahanin . Pero pakiramdam ko may napakalaking harang . Pilit ko itong sinusuntok pero parang walang nangyayari . Parang nasasayang lahat ng effort ko .
Nakita kong lumapit rin siya sa harap . Hinawakan niya yung nakaharang na Kristal , hinawakan ko rin yung harang kung saan siya nakahawak . Parang ang sarap hawakan ng kamay niya . Gusto ko hawakan iyon , kahit na merong harang dito .
BINABASA MO ANG
Another Day Without You (KathNiel)
Teen FictionI would like to spend my forever with you , spending years , months , weeks and even days . But how could I spend it if I only have months to live ? ... Days turn Hours ... ... Hours turn Minutes ... ... Minutes turn Seconds ... I may not spending m...