ABKN 3

1.7K 44 0
                                    

Birthday na ni Sir Lamangan! Ba't ako excited!?! Haha.  Basahin niyo na lang.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Kath's POV)

7th High. Hindi ko naman kasi alam kung paano pumunta rito. I'll try to search sa web about the club and also paano pumunta. Wow! Eh pangsosyal pala 'tong club na 'to. 2PM. Marami pang oras to decide. 8.30PM ang start ng party ni bakla. Makapagmall na nga lang muna. 

Bored na bored. Wala talagang friend. Sarap siguro 'yong feeling na may kasama ka magshopping and yong nasasakyan 'yong trip mo, di ba? Ang cute cute lang naman nila. miss ko na si mama. Eh siya lang naman kasama ko sa gantong trip. Pumunta ako sa Forever 21. Since magcollege ako, and with the help of bakla, nahilig na akong mag-ayos. At syempre, kailangan ko 'to sa course ko. May nakita akong black long sleeves & short. Kinuha ko na kaagad at pumunta sa accessories section. Pati kumuha na ako ng heels. Haha. Vain!!! Ba't ba? Napapangiti tuloy ako sa ginagawa ko.

Sinukat ko kaagad yong damit na nakita ko pati na rin yong sapatos. Cool! Perfect! Ang ganda ko talaga. Sa sarili kong mundo. Pero bigla akong nakaramdam ng lungkot kasi kahit ano namang ikaganda ko, hindi pa rin naman niya ako mamahalin eh. Tss. Siya na naman nasa isip ko. Anyway, sayang 'tong outfit na 'to. Mukha namang classy eh. Pwedeng-pwede pang 7th High. Edi, ano pa bang dapat kong gawin, pupunta ako don.

Binayaran ko kaagad yong binili ko. Wala akong pakialam kung maubos allowance ko, hihingi na lang ulit ako kay mama. Haha! Bumiyahe na ako pabalik sa dorm ko. 6.30PM na. Siguro mga 7.30PM nasa bahay na ako. So saktong 8.30PM ako makakaalis. Grand entra lang ang peg ko? Paki ba nila. Itetext ko na lang si bakla na mala-late ako. At least iba na ngayon, malalate ako. Hindi na hindi ako makakapunta.

Nag-ayos na ako. Simple lang naman ang get up ko eh. Magiging center of attention na naman ako for sure lalo na kay bakla kasi at last umattend na ako. Nako, kung hindi lang ako nanghihinayang sa suot ko eh. Haha. Tsaka parang gustung-gusto ko talaga pumunta don. Maiba naman. Masyado ko nang inilalayo sarili ko sa tunay na mundo eh. Enough of wattpad, Pinoy exchange and twitter. I must go out and socialize with real people.

Sumakay na ako ng taxi. Buti na lang alam ni manong kung saan yong 7th High kasi ilang beses na rin daw siya naghatid ng pasahero don. Ang daldal lang ni manong buti na lang nakaearphone ako. Tinext ako kaagad ni bakla na kumakain na raw sila kaya bilisan ko na. Kunti na lang, lilipad na nga 'tong taxi na 'to sa bilis magpatakbo. Gutom na rin ako. Ano kayang pagkain. Nireplyan ko naman siya kaagad na malapit na ako. Sweet lang, hintayin daw niya ako't sabay daw kaming kumain. Feeling ko tuloy ako 'yong pinakaspecial guest niya sa birthday niya. Etong baklang talaga 'to, pinapamukha pa sa aking wala talaga akong friends at siya lang. 

Pinagpark ko si manong driver, medyo malayo-layo sa 7th High. Ayaw ko namang umeksena at bumaba sa harap non. Dami lang invited. Naglalakad na ako palapit sa club habang tinitext ko siya na nandito na ako. Ang bilis lang ng reply ng bakla, hintayin daw niya ako sa labas. Ha...

"Alice." Tas may humawak sa likod ko. Paglingon ko, isang tao lang naman tumatawag sa akin ng Alice eh. Yong over ngiting nababalot sa mukha ko biglang nawala. "Oh? Parang nakakita ka naman ng patay." Oo, nakakita nga talaga ako. "Are you going to Sir Lamangan's party?" Ay hindi. Teka, ba't nandito siya? Don't tell me...

"Hey, Kath! Uy! DJ, you come!" Then binigyan niya ako ng besos pati si D... i-don't-want-to-mention-his-name. "You guys complete my bday! So happy you're here. Let's go inside. Wait. Picture muna kayo sa photo booth. Kath, you do smile, ok?" Kanina kaya ko eh. Ngayon, panira ng gabi. 

Ang Bestfriend kong NapakaSELOSO :XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon