ABKN 7

1K 24 3
                                    

Ang tagal kong hindi nakapag-update. Sorry for super late. Akala ko kasi na update at nailagay ko na yong dalawang chapter na nagawa ko. Credits to my friend na nabasa to at nagdemand na iupdate ko. So, nauna na niyang nabasa ang two chapters. Well, napakademanding niya. But i love her! :)

May fan pa ba ako? Hahaha! Thank you sa mga nagbabasa. Keep likes, votes and comment. Can't promise kung kelan pero sorry talaga. I know how it feels like na naghihintay ng on-going story. 

ENJOY READING!!! :* x

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

One of the biggest mistake girls always make is falling too hard for a guy. -DamnItsTrue

"Haaaaaaisssst!!" Ayan na lang nasabi ko sa sarili ko. Dear Twitter, pati ba naman ikaw?! -.-

Walang magandang nararamdaman ngayon. Puro kamalasan na lang simula bumalik na naman siya sa eksena. Ilang sleepless nights, at mala-ninja'ng pagpasok sa school. Kailan mo ba ako titigilan?! Simula nung ihatid niya ako rito sa dorm, inaraw-araw niya ang pag-aabang sa akin. Nakakahiya pa, ginagamit niya yata yong barkada niya para mapa-oo ako. Pero sorry sila, matigas to.

Alam niyo yong feeling na gusto ko man pero ayaw niyong simulan. Eto na naman yong feeling na maa-attached ka sa kanya sa sobrang sweetness niya. Alam ko namang wala lang eh. Bestfriend. Masaklap lang, pini-friendzone!!! :( Tas ako na naman ang talo sa larong 'to.

"Kath." Parang may tumawag sa akin. Pero malabong siya kasi wala yong kotse niya dito sa tapat ng kalye, mga gantong oras kasi nandito na yong mga yon. Oh Kath?! Nganga. Ang arte mo pa kasi. Yan tuloy nagsawa na sigurong suyuin ka. Sabi na nga ba eh?! Ganyan naman lagi siya. Madaling sumuko't hinahayaan na lang kung ano man yong mga unfinished business niya. Kung ayaw niya na talaga, FINE!! Good to know he stops.

"Kath.." Saktong paglingon ko, humawak yong taong tumatawag sa akin sa balikat ko.

"Seth?!" Anong ginagawa nito dito?! :O

"Hi!" Ngumiti siya ng alanganin at kumaway. "Pasabay lang." sabi niya. Anong nakain nito?! Napataas ako ng kilay sa kanya. Weird. "Friends na naman tayo, di ba? Haha. Kahit hindi pa tayo masyadong nakakapag-usap." Dagdag niya.

Lumakad na ako. Bahala siya sa buhay niya. Bakit siya lang? Nasaan sila ano? "Bahala ka." sabi ko.

"Salamat." at nagsimula na kaming maglakad.

Awkward silence. Walang nagsasalita sa amin. Malapit na rin kami sa school. Weirdo talaga nito. Ni siya nga yata ang pinakatahimik sa barkada niya pero imba rin ang kulit at saltik. Ano kaya nakain nito't sumabay sa akin? Sa akin pa na loner! Tss. Weird. O baka naman kaya... Pinadala to nung malaking eyebags na yon. Grr. Hindi ko kailangan ng bodyguards. Siya kailangan ko este hindi ko kailangan presensya nino man kung hindi naman kayang pahalagahan yong atensyon na ibinibigay ko sa kanya.

Ang Bestfriend kong NapakaSELOSO :XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon