ABKN 4

1.5K 38 0
                                    

Hahahaha, Nakakatawa lang. Ipapaste & published kong yong chapter 5 eh hindi pa napopost yong chapter 4. adik lang. Hope you enjoy reading this guys. May nagbabasa nga ba?! Lol.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Kath's POV)

"Sorry. Babawi ako sayo. Promise. Please, come back to me." Tumingin lang ako sa kanya. Mukha naman siyang seryoso. Nahihilo na talaga ako dahil sa alak. Hindi naman ako umiinom talaga eh. Napainom lang ako dahil sa taong kaharap ko ngayon.

Miss na miss ko na rin 'tong bestfriend ko. Siguro, matagal ko na rin namang tanggap na bestfriend lang talaga turing niya sa akin eh. Siguro tama na yong apat na taon, hilom na rin naman eh. Panahon na rin sigurong bigyan ko siya ng second chance. Pero tama ba? At karapat-dapat pa ba siya?

Bigla na lang ako napasandal sa dibdib niya. Nahihilo na talaga ako. Ugh.

"Ayos ka lang, Kath?" Mukha ba akong ayos, Dj? Tss.

"Buang. Nahihilo ako. Mukha ba akong..." Bigla bigla na lang akong sinisinok. "Ok?" Sabi ko.

"Tara na. Upo na tayo." Inalalayan niya ako papunta sa table namin. May poise pa rin naman ako sa paglalakad. Ako pa. Nahihilo lang talaga ako. Mula ulo hanggang paa, feeling ko ikot na ikot na sa buong katawan ko yong alcoholic substances nung ininom ko. 

"Hey, Kath. Are you okay? You wanna go home?" Tanong sa akin ni bakla. Nakasandal na ako sa upuan at nakapikit. Pinipilit kong imulat yong mga mata ko pero ayaw. Gusto ko na matulog.

"Haist! Ba't nyo naman hinayaan iminom 'to ng marami? Hindi 'to umiinom eh!" Si bakla.

"Eh siya. Siya yong imiinom dyan tsaka si DJ kasi." Sabi nung lalaki.

"Ako na bahala kay Kath. San ba 'to nakatira? Ako na lang maghahatid." Si DJ.

"Asus! Baka sa ibang tirahan mo iuwi yan. Baka sa condo mo. Kilala ka na namin, DJ." sabi nung lalaki. Hindi ko na maintindihan at pinipilit kong gumalaw at ibukas yong mga mata ko kasi, ok pa ako. Keri pa!

"Uy, Kath. Wag ka nang gumalaw-galaw." Si DJ. Inilagay niya sa balikat niya yong ulo ko. Naaamoy ko siya. Alam kong sa kanya ako ngayon nakahiga.

"Chansing, dre! Chansing!" Sigaw nung lalaki. Si katsumi yata.

"Tigilan niyo nga ako. Sa Antipolo pa rin ba 'to umuuwi?" Tanong ni DJ. Alam niyang sa Antipolo yong bahay namin ni mama.

"Wow, DJ! Ba't alam na alam mong... Wag mong sabihin. Ex girlfriend mo. Oops!"

"Haist! Nakakaimbyerna na yong mga boses niyo." Inis na si DJ. Nararamdaman ko. Ba't hindi ba niya masabing magkakilala kami. Nahihiya ba siyang kakilala, bestfriend niya ang tulad ko?

"Don't tell me, Dela Rosa. Oh my God! You're..." OMG! Baklaaaaa~ wag kang madulas.

"She's my childhood bestfriend. She's Alice. So stop asking or saying non-sense things ok?" Sabi ni DJ.

"Siya si Alice?! Eh Kath pangalan niya db?" Tanong nung lalaki.

"Haist. Kathryn Alison Quizon. Alice tawag ko sa kanya."

"Hindi ko alam kung san yan umuuwi ngayon, Dj." Sabi ni bakla. "Ang alam ko, lumipat siya sa dorm malapit sa school since her mom has a business trip again."

"Si Tita talaga. Hindi man lang ako sinabihan. Edi, sana... Haist! Eh paano 'to?" Nalilitong sabi ni DJ.

"Iuwi mo na lang sa condo mo. Tutal magkakilala naman kayo eh. Di ba naikwento mo pa ngang natutulog kayong magkatabi." DJ!!!!!!!

(DJ's POV)

Loko talaga 'tong si Katsumi. Haist!!! Tinitigan ko si Kath. Mukhang borlogs na. Bukas 'to saking babaeng 'to.

"Ano pa bang magagawa ko? Tulog na. Iuuwi ko na lang 'to sa condo at itetext si dadi na sabihan si Tita." Sabi ko.

"Wag muna kayong umalis. Tulog na naman eh. Inom muna tayo, pre!" Sabi ni Lester.

"Uuwi na ako." Baka mahirapan ako magdrive nito. 

"Hintayin mo na kami. Sa condo mo kami matutulog eh." Ayon naman pala ang dahilan Lester. ANO!?! Sa condo ko?

"Bakit wala ba kayong mga bahay?" Sabi ko.

"Dude, anong oras na? As if na makapasok pa kami sa kanya-kanya naming bahay. Like the old times. Doon na lang kami sa kwarto mo. Then since nandyan na ang prinsesa ng condo mo, buksan mo na yong kabilang kwarto. At doon na lang kayo matulog." Tas kumindat pa sa akin ang mokong.

"Hoy, Dela Rosa! Wag mo itulad si Kath sa mga babae mong nakukuha mo dyan sa kapogian mo ah." Sabi ni Sir.

"Ha! Tigilan niyo nga ako. Remember, best friend ko si Kath. Walang talo talo." Sabi ko.

"Talaga lang ah. Pero hinalikan mo." Sabi ni Seth.

"That was..." Napatingin ako kay Kath... Sa labi niya. Naalala ko na naman yong nangyari. "An accident. Hindi ko sinasadya yon noh. Bilisan nyo na nga." Sabi ko sa kanila.

"Aksidente? Oh sinadya? Tsk. Tsk. Mr. Dela Rosa..." Sabi ni Sir. Haist!

"I'm in control, ok!?! She's like a sister. Walang talo-talo." Totoo naman eh. 

"Ok. Ok. Tara na! Sige, sir! Thanks for inviting us. Kitakits on Monday." Sabi ni Katsumi.

"Thank you! Nagmamadali na po kasi yong driver namin eh." I gave Lester a death glare. "Uy, easy. Joke lang. Chill."

"Adik. Pakabait ka, kay DJ tayo matutulog, remember?! Haha!!" sabi naman ni Seth. "Buhatin mo na yan si Kath." Utos naman nito.

"Ingatan mo si Kath." Sabi ni Sir.

"Sir, don't worry. Nothing bad will happen as long as nasa side ako ni Kath." At nakita ko na siya ulit.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 

Nakakatawa lang mga naiisip ko. Lol. 

Ang Bestfriend kong NapakaSELOSO :XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon