Gian's Point of View
(Sound track playing: Passenger Seat)
I am Gian, third year college student sa hindi kasikatang university sa Ubelt. Nineteen na ko pero third year palang. Nagkaroon kasi ng financial problem ang family kaya nauudlot ang pag-aaral.
I usually sing as a freelance singer sa mga gigs ng live bands. Nagpe-perform din ako sa restaurants and classic bars. Kagandahan din naman ang boses ko kaya nga ako napunta sa ganitong racket. 'Di man ganon ka-in demand pero I have the charisma to attract listeners and pay attention every time I started strumming the guitar.
Just like tonight, na-abisuhan ako ng isang regular client na kumanta ulit with their band kahit three songs lang daw sa bar nila.
Medyo malaki na rin ang bayad nila. That would be eight-hundred pesos just for three songs. Saglit lang naman 'yon. Ano lang ba 'yung kumanta ka for few minutes at meron ka nang instant eight-hundred pesos. Pandagdag na din 'yun sa baon, and 'yung tip ng customer 'pag may requested song sila, pinaghahatian namin ng banda.
At this moment eto ang first entry ko for tonight. I am currently singing Passenger Seats by Stephen Speaks. Medyo maaga-aga pa ang nine o'clock ng gabi pero marami-rami na rin ang mga customers na nag-iinuman.
Pero sa lahat ng tao sa loob ng bar, may isang tao ang pumukaw sa atensiyon ko habang kumakanta. Habang ang lahat ay tahimik na nakatingin sa akin habang kumakanta, siya naman ay tahimik at nakatalikod sa pwesto ko at patuloy na umiinom ng liquor habang nakaupo sa harap ng bar counter.
Hindi ako sanay na ini-ignore ng guest kaya nachallenge ako para pagbutihan. Ngunit hanggang sa matapos ako at magpalakpakan ang mga nakikinig ay hindi man lang nya nagawang lumingon sa stage.
I'm about to approach her after ng first entry ko. Besides, fifteen minutes pa ang next entry ko kaya I have a few minutes to buy time dahil my part ng ego ko ang tila na naapakan.
I was about to take few steps ahead when she started to stand and walk away from her seat. Natigilan ako ng makita ko ang kanyang mukha. Malungkot. Sobrang lungkot.
This is not my first time to see such a gloomy face in a place like this. But tonight that I've seen her, 'di ko maexplain pero sinasabi ng kalooban ko dapat ko siyang makilala.
Nakalabas na siya ng bar nang mapansin ko 'yung pwesto niya na may naiwang panyo sa mesa katabi ng bill. That's for sure her's.
Agad 'kong dinampot ang panyo para ibalik sa kanya. Tumakbo ako palabas para tingnan kung nasaan na siya. Lingon sa kaliwa, lingon sa kanan, pero wala ang bakas ng babaeng nakaiwan ng panyo.
Tiningnan ko ang panyong nasa kamay ko. Sa dulo ng panyo ay may burda. There is an embroidered letter "A".
"Gian, five minutes start na ng second set mo," sigaw ng drummer ng banda.
BINABASA MO ANG
VOICE
Short StoryA typical story of a young boy named Gian who is surviving the life in his own way. He sing as a freelance singer at night, he rarely to do this not until he met a broken girl named Kara. Where things started in a rough time. Let's follow his story...