"Kahit gawin mo pa ang lahat, kung hindi para sa 'yo, hindi magiging iyo."
"Napakapilyo mo talagang bata ka!" Habang tumatagal, lalong nananakit ang pagpihit niya sa aking tenga.
"Sige nga paano malalaman ni Aira kung tuli kana?" Nanggigigil niyang pag-usisa. "Magtapat ka nga Gian Paulo Guerrero, may nangyari na ba sa inyo ni Aira?"
"Wala po!" Malakas na sigaw ni Aira. Sobrang pula ng mukha niya. Maya-maya oa ay napayuko na lamang siya.
Lahat ay nabigla reaction ni Aira. Si kuya Lex naman ay natatawa parin. Bakas sa mukha ni Aira ang sobrang pagkahiya kaya mula sa pagkakayuko ay humingi siya ng dispensa sa lahat. Ako naman ay lalong napingot ni mama.
"Kiita mo na 'yang ginawa mong kabulastugan!" Sinabayan niya pa iyon ng pingot na puno ng panggigigil.
Napasigaw na lamang ako. "Biro lang 'yun Ma! Aaaw! A-arrayyyy maasaakiit!"
That night was full of laughter and joy. The reunion of Guerrero Clan has never failed to bring laughter in each other's faces.
Idagdag mo pa yung pagpapaalam ko na may girlfriend na ako. Dahil supportive ang buong angkan, ay lalo nila akong kinantsawan at naging magiliw sila para sa aming dalawa. Malugod nilang tinanggap si Aira at nakikita kong wala silang problema para sa babaeng aking minamahal. Nahiling ko na lamang na sana laging ganito at lagi kaming masaya.
Kinagabihan din niyon ay nagkaayaan mag inuman ang mga kalalakihan. Syempre dahil lahi namin ang pagiging musikero kantahan habang tumatagay. Nang magkapaguran sa pagkanta ay nauwi kami sa kwentuhan.
"Gee, kamusta naman ang lovelife mo?" Ani kuya Lex habang inaabot ang tagay para sakin.
"Mukhang masayang masaya ka ahh. Pero parang under ka ata ke Aira ha? Kung pagsilbihan mo talo pa ang reyna."
"Haha baliw ka kuya, pero masaya talaga ko." Sabay lagok ng tagay. Ampait padin putcha. "Okay lang ma-under kuya, mahal ko eh."
"Haha. Nako Gee ahh, wala sa Guerrero ang nagpapaunder!" Bwelta niya habang natatawa. "Huwag mo sisirain ang history!" Hirit niya pa.
Nagtawanan naman ang iba pa naming pinsan at tito na kasama sa inuman. Sumagot si Jon pinsan namin "Sus, si Alex kung makasalita kala mo di ina-under ni Dianne dati!" Hagalpakan naman kami ng tawa.
"Hahaha. Mga ugok, kaya ko nga iniwan kasi ina-under ako!" Tawanan ulit.
"Pero seryoso Gee, kung seryoso ka na talaga sa kanya, pakitaan mo ng isang matinik na galawang Guerrero. Panigurado 'di ka iiwan niyan. Payong Guerrero lang Gee."
Pasaway talaga 'tong si kuya. "Haha. Loko ka talaga kuya!" Habang natatawa ako ay may kinuha siya sa wallet niya at inabot sakin.
Nagtaka pa akong tumingin sa kanya at hindi ko parin kinukuha ang inaabot niya.
"Sira ulo, protection 'yan para 'di ka magaya kay David! Hahaha." Nagtawanan ulit sila habang nakatingin sa pinsan naming si David na nakabuntis noong college at ngayon ay asawa na niya.
"Luh! Akala ko babalatuhan mo na ako ng kayamanan mo!" Sabay tawanan ulit. May humiyaw pa nang kuripot.
"Pero di ako ganun kuya ah, kayo lang 'yun!" Pabiro kong sabi habang nakangisi. Ngunit nag-iinit ang pisngi ko sa 'di malamang kadahilanan. 'Di ko matukoy kung dahil ba sa condom o dahil sa hiya? Maaring pareho?
"Mukha ka nang pera Gee ah!," kantyaw ni tito Edmar.
Si kuya na mismo naglagay sa bulsa ko ng condom. "Gago mas mabuti nang maingat at laging handa. At tsaka wag ka nga, walang mabagal sa Guerrero!" sabat naman ni David.
BINABASA MO ANG
VOICE
Short StoryA typical story of a young boy named Gian who is surviving the life in his own way. He sing as a freelance singer at night, he rarely to do this not until he met a broken girl named Kara. Where things started in a rough time. Let's follow his story...