From that moment on, I was hoping she will consider my feelings for her. All I want that time is to show her that I'm for real. But, the exact opposite happened.
Lumayo ang tingin niya sakin. 'Yung tipong hindi siya naniniwalang mahal ko siya. Ano bang mali sa nararamdaman ko? Ganun ba ka-imposible na paniwalaan 'yon?
"Siguro nga may nararamdaman ka sakin ngayon," panimula niya habang nilalaro niya ang kanyang daliri. "Pero, lilipas din 'yan, bata ka pa kaya sigurado ako na magbabago pa 'yang nararamdaman mo," pagpapatuloy niya.
Di ko gusto ang batayan niya para husgahan ang nararamdaman ko. 'Di man direktang aminin, alam ko nang wala akong pag-asa.
"Ganun lang ba ang batayan mo? Dahil lang ba sa mas bata ako kaya tingin mo 'di kita kayang mahalin ng higit sa iniisip mo?"
Halata sa boses kong nasaktan ako. May kurot sa dibdib ko. Parang pinipiga ang puso ko. Ganito pala talaga ang love 'no? May mga simpleng salita na masakit at mahirap unawain.
"Paano mo nasabing mawawala din 'to? Sa mga nagdaang araw, lingo at buwan kitang hinahanap pananabik ang nararamdaman ko. Nu'ng abot-kamay na kita, kahit 'di mo ako pinapansin, masaya akong nakilala kita."
'Di ko alam pero mas kumirot ang puso ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.
"Nuong makita kitang masaya, kakaibang ligaya ang naramdaman ko. Pero nang mapagtanto kong ibang tao ang kayang magbigay ng kaligayahan sayo, inggit na inggit ako. Hiniling ko na sana ako ang lalakeng may kakayahang magpangiti sayo."
Nakakatawang isipin pero tama pa ba ang ginagawa ko?
"Kaya sana naman, bigyan mo ko ng pagkakataon," puno ng sinseridad kong pahayag kasabay ng pagtitig ko sa mga mata niya, bakas ang pagmamaka-awa sa mukha ko.
"Hindi mo pa alam dahil bata ka pa," bitaw niya ng mga salita kasabay ng pagtingala niya sa langit.
"Ganyan din si Kevin nu'ng simula. Mahal na mahal daw niya ako sabi niya." Ngumiti siya ng mapait habang inaalala ang nakaraan bago nagpatuloy.
"I thought that was a perfect relationship. Laging masaya, walang problema, madalas nagkakaintindihan at laging may oras para sa isa't-isa." Pinahid niya ang luhang pumapatak sa kanyang mata.
"Pero lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumalang nang dumalang. Kahit 'yung text namin hanggang sa good night na lang ang paramdam niya." Natawa siya pero halata mo ang sakit sa kanyang mga mata. "Actually, umabot sa time na ako na lang ang nagte-text sa kanya. Hanggang neto lang last week, nakipaghiwalay na siya."
Unang beses niyang humagulgol sa harap ko. 'Yun din ang unang beses na nakita ko siyang umiyak ng ganoon. Bagamat may mga mangilan-ngilan taong nagdaraan at napapatingin ay wala kaming pakialam. Niyakap ko siya. Ginawa ko 'yun kahit alam kong hindi ang bisig ko ang gusto niyang maging kanlungan sa panahong 'yon.
Nagtapos ang gabing iyon sa paghihiwalay namin ng landas. 'Di siya pumayag na ihatid ko siya. Kahit number o buong pangalan man lang niya ay hindi ko nakuha. Gusto ko man siyang sundan ay hindi ko magawa dahil nirerespeto ko ang kanyang kagustuhan.
Sa paglipas ng mga araw ay walang bakas ni Aira ang nagparamdam sakin. Nakakuha nga pala ako ng part time job sa isang pizza house. Habang sa gabi ay pinipilit kong kumanta sa bar nagbabaka-sakaling isa sa mga araw na iyon ay makita ko siya roon.
Miss na miss ko na siya. Madalas akong nakatingin sa picture nya. "Namimiss mo rin kaya ako?" Tanong ko sa cellphone kong may picture niya.
Akala ko dati pag-inabala ko ang sarili ko makakalimutan ko siya, 'yun pala gagawa at gagawa parin pala ako ng paraan para mahanap ko siya.
BINABASA MO ANG
VOICE
Short StoryA typical story of a young boy named Gian who is surviving the life in his own way. He sing as a freelance singer at night, he rarely to do this not until he met a broken girl named Kara. Where things started in a rough time. Let's follow his story...