Chapter 4 The Auction

165 1 2
                                    

Chapter 4 The Auction

G1 POV

"Wait kailangan ba na ganyan yung suot ko puweding jeans na lang wag na dress please"

"NO G1 dapat ganito suot mo kasi formal get together yun ok"..sabay hagis sa akin ni MJ ng super sexy na damit.

Kung nagtataka kayo kung bakit ako pinagsusuot ni MJ ng sexy dress, kasi pupunta kami sa isang dating party na i-organize ni MJ na may charity auction din.

Si MJ ang nag-organized ng dating party na ito. Actually hindi lang naman kami ang makikipag-date, kasi isang yung dating party para sa mga elite na anak ng malalaking company at socialite. 

Dahil si MJ may mga connection na siya dahil isa siya fashion designer at isang sikat na model na ngayon ay madali siyang nakapasok sa mga ganitong event. 

Si Nicole naman ay sikat na painter dahil kilala siya na-invite naman para I-feature yung iba niya painting para sa occasion  at para ibenta na din sa auction.

Kumikitang kabuhayan nga tong mga kaibigan ko eh. 

Nakadating kaming sa venue, tamang tama lang dahil kakaumpisa lang ng party. Naunang umalis sa amin si MJ dahil siya nga ang organizer ng event bali sabay na kami ni Nicole pumunta dito sa venue.

Yung venue ng party ay nasa isang five star hotel dito sa Manila at masasabi mo na mayayaman ang invited sa party. Dahil mamahalin yung mga sasakyan tapos, magaganda yung damit at halata na isang sikat na designer yung gumawa at ang madaming alahas ang nakakabit sa katawan. Hindi ba sila natatakot ma-kidnap.

I'm wearing a red cocktail dress na ginawa ni MJ para sa RED Pacific collection niya last month. Ang eksi ng dress na yun at sobrang baba ng damit parang nalalaglag. Si Nicole naman Blue dress na may ribbon sa gilid at si MJ naman ay isang white fitted dress. 

Well yung mga ganyang ayos ay hindi na bago sa mga ganito. May mas malala pa nga sa suot ni MJ eh.

Tumayo na si MJ sa stage para magbigay ng unting speech. 

"Single ladies and Gentle mens welcome to this event, I hope you will enjoy this party, you know that this is just not an dating party event but also a charity work as well so please ready your cash for a auction"..yes may charity auction yung dating party na toh pero ang alam ko kasali dun yung ibang painting ni Nicole pero yung iba di ko na alam, baka alahas, sasakyan o mamahaling bag mga ganun.

Ngayon nakatayo kami dito sa may bandang dulo at umiinom ng wine. Yung party na ito parang nasa loob ka lang ng bar, yun nga lang mas malaki at mas maraming tao at big catch yung mga tao dito. Hindi ako magsisisnungaling madaming gwapo dito kasi yung iba mga model, anak ng mga mayayaman, at mga celebrities.

"Hoy MJ diba si Arthur Chua yan, yung anak ng may-ari ng isang mall?"..tanong ni Nicole

"Oo siya yan, kala ko nga hindi yan pupunta dahil busy daw sabi ni secretary niya"..sagot namna ni MJ

"Madami akong puwede ma blind item bukas ahh"..pabiro kung sabi kay MJ

"G1 di puwede yan iniisip mo, nako G1 wag ako ahh, exclusive to may nakikita ka bang media dito"

"Joke lang ikaw naman"

"Guys sayaw naman tayo",,aya ni Nicole sa amin

"Game"..sabay inom ko ng wine at dumiretso na kami sa dance floor

Kami kami lang ang mag-partner kasi kami kami lang din ang magkakilala. Todo sayaw kaming tatlo dito pero maya maya ng iba na yung music naging sweet na. 

The Baddest Girl on the RadioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon