Chapter 12 Tita Eliza and the Rest house

65 0 0
                                    

Chapter 12 Tita Eliza and the Rest house

G1 POV

Nandito ako ngayon sa rest house nila GD ngayon at dito na din ako natulog. Pinilit kami ni Tita Eliza na dito na lang kami matulog kasi nga kating gabi na. Dahil linggo ngayon ok lang na mag-stay ako dito.

Umaga na at ako pa lang ang gising dito. Binigyan nila ako ng sariling kuwarto at pinahiram din ako ni Tita Eliza ng mga damit niya. Lumabas na ako ng kuwarto at pumunta ako sa may sala. Nilingon ko ang bawat sulok ng buong bahay para malaman kung may tao ba. Hinanap ko din si GD para malama kung gising na ba siya.

Pumunta ako sa kusina at nakita ko si Tita Eliza doon nagluluto para sa breakfast namin.

"Magandang umaga po sa inyo Tita"...bati ko kay Tita Eliza

"Magandang umaga din iha. Gising ka na pala"

"Ayy po mukhang namamahay po ako"..Hindi din kasi ako nakatulog dala ng hindi ako sanay sa lugar.

"Nakita mo na ba si Drake"..siguro sa GD ang binabanggit niya.

"Hindi pa po, hindi pa po yata siya nagigising"

"Ahh ganun ba..maghintay ka mun diyan at tatapusin ko muna tong niluluto ko"

"Tulungan ko na po kayo dyan tita"

Ang daming naituro sa akin si Tita Eliza na lutong bahay. Mula sa cookies, pancakes at cupcakes. Ang saya pala mag bake kahit matrabaho. Parang nagtatrabaho ako sa bakery shop nito. Inihanda ko na yung lamesa kasi nagluluto pa si Tita Eliza ng fried rice at iba pang ulam.

Habang inaayos ko yung lamesa lumabas na sa isang kuwarto si GD at mukhang bagong gising pa siya.

"Good Morning"..bati niya sa akin

"Good Morning din...gusto mo ng kape"..alok ko sa kanya

"Sige gusto ko salamat"

Pumunta ako sa kusina para ipagtimpla ng kape. Lumabas din ako agad at nakaupo na siya sa dinning table. Inabot ko sa kanya yung kape niya. Nagtimpla na din ako ng para sa akin at umupo na din ako sa tabi niya. Tumingin ako sa may pintuan kasi pagtingin mo sa pintuan makikita mo na yung dagat. Ang sarap pakinggan yung lagaslas ng dagat.

"Para tayong bagong kasal no"..ano daw

"Ano?"..tanong ko ulit kasi parang hindi mallinaw

"Sabi ko para tayong bagong kasal"

"Ahh pano mo naman nasabi"

"Para tayong bagong kasal kasal kasi diba pagbagong kasal babatiin ng asawa yung asawa ng sa umaga tapos pagtitimpla niya ng kape, kaso may kulang"...ganun ba talaga pag bagong kasal

"Ano namang kulang"..lumapit akong mas unti sa kanya

"Kiss"..umiwas ako ng tinggin. Ano ba tong mga pinagsasabi mo GD

Bigla akong pinagpawisan doon ahh. Lumabas si Tita Eliza sa kusina dala yung mga niluto niya.

"Ang aga aga nagliligawan na kayo diyan"..tukso sa amin ni tita

"Tita tulungan ko na kayo"..alok ko para iwas tukso

"Hindi maupo ka na dyan, samahan mo na lang dyan si Drake. Ngayon ko na lang ulit kasi siya mapagsisilbihan."..pumasok na si tita ulit sa kusina at naiwan kami ulitni GD.

Tumingin na ako ulit sa kanya. Busy siya sa pagbabasa ng dyaryo. Tinignan ko yung binabasa din niya kasi tungkol kay Daisy. Iba na talaga pagsikat ang kaibigan. Proud friend lang naman ako.

Isa isang nilabas yung mga cup cake na niluto namin ni tita Eliza

"Wow mukhang masarap to mama"..sabi ni GD sa mama niya

"Syempre naman kasi ako at yang girlfriend mo ang naghanda niyan"..nasamid ako. Buti na lang walang tumalsik.

"Ganun ba mama. Pasado naman ang sarap"..puri ni GD. Lumaki tinga ko dun ah

"Syempre magaling ako magluto eh"..sabi ng mama niya

Kumain na kaming tatlo. Wala kaming ibang kasabay kasi yung mga maid mamaya pa daw. Nalaman ko din na mag-isa na lang ang mama ni GD dito pero babalik din daw si Tita Eliza ng Korea. Ang kulit nga ni tita Eliza parang magbarkada lang sila ni GD.

Para kasing girlfriend ni GD yung nanay niya kasi hindi halata sa mukaha ni tita Eliza na may anak na ito. Mistisa si tita Eliza at maganda pa rin ang hubog ng katawan.

"Ang sarap talaga ng cupcakes at cookies mo G1"..puri ulit ni GD

"Salamat"

"Mukhang puwede na kitang pakasalan sa sarap ng mga na-bake mo"..ano daw ulit

"Ano"

"Pansin ko G1 nagiging bingi kana ng mga nakaraang araw. Ang sabi ko puwede na kitang pakasalan sa sarap mong magluto"..medic parang hihimatayin yata ako. Umakyat na kasi lahat ng dugo ko mukha ko.

"Napapansin ko din na mapagbiro ka masydo itong mga nakaraang araw"....medic!!

"Sino naman nagsabi sayo na nagbibiro ako",,lumapit siya ng kaunti sa akin at kinuha niya yung dalawang kamay ko. "G1 gusto kita hindi ako nagbibiro, sana bigyan mo ako ng chance"..walang lumalabas na kahit isang salita sa bibig ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Ok lang sa akin kung hindi mo ako sasagutin ngayon. Kaya kung maghintay G1. Kaya kitang hintayin."...tumayo na siya at hindi pa rin ako nagsasalita. Pero bago siya umalis hinalikan niya muna yung nuo ko "Good morning ulit sayo prinsesa ko"...tapos umalis na siya.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bumalik ako sa kuwarto ko at tinakpan ko yung bunganga ko ng unan. Kasi sisisigawa ako. Iwan ko ba parang kinikilig ako at nagtatalon ako sa kama. Biglang bumukas yung pintuan at kasabay nun ang pagkakahulog ko sa kama.

"Ok ka lang ba"..minulat ko yung mata ko at nakita ko si GD. Tumango lang ako "Buti na lang nasalo kita. 

Oo nga nahulog nga ako. Nahulog ako para sayo GD, pero hindi ko alam kung sasaluhin mo nga ba ako pagsinabi ko ang totoo na baa mahal na kita.

Binuhat niya ako at nilapag sa kama. Medyo masama ang bagkakabagsak ko kasi ang sakit ng bewang ko.

"Bakit ka ba tumatalon sa kama"..tanong ni GD

"May ipis kasi"...pagsisinungaling ko sa kanya

"Saan yung ipis."...sabaya akyat sa kama. Takot din pala sa ipis tung lalaking to.

"Wala na umalis na yun"..sabi ko na lang.

"May masakit ba sayo"..tanong niya sa akin

"Wala na naman"

Pero pansin ko kanina niya pa hindi binibitawan yung mga kamay ko. Nung napasin niya na tyaka lang niya ako binitawan.

Tumayo siya at nag-ayos ng sarili.

"Maghanda kana babalik na tayo ng Maynila"..sabi niya sa akin

"Sige"..sabay sara niya ng pinto

Parang ayaw ko pang umalis. Pero kailangan baka kasi hinahanap na ako ng mga kaibigan ko. Baka magtanong yung kung saan ako galing na ibayo at bakit ako hindi umuwi ng gabi.

Bago kami umali pinadalhan kami ni Tita Eliza ng mga pasalubong. Ang sarap siguro maging nanay si Tita Eliza.

Ang sarap magbakasyon kasama yung taong alam mong puwede mong mahalin

________________________________________________________________________________

After a long of busy work nakapag-update na rin.. sorry sa long update mahirap na kasi ngayon dahil nagtuturo na po ako....ibang klasing pagsusulat na ang kinakaharap ko...pero babawi naman po ako sa next chapter.

all love  and thanks 

The Baddest Girl on the RadioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon