Chapter 15 Final Ending

73 2 0
                                    

Chapter 15 Final Ending

G1 POV

         

          Aalis si GD. Babalik na siya ng Korea. Paulit ulit na sinasabi ng utak ko. Nasa area ko ako at inaayos lahat ng kailan para mamayang gabi. Hindi ko lubos maisip na aalis na siya. Tumingin ako sa bar area at nag-iiyakan na yung ibang staff. Alam na siguro nila na aalis na si GD. Ngayon ko napatunayan na mabait siya sa mga staff niya at mahal siya ng mga staff niya dito sa club. Pagkatapos kung ayusin lahat ng kailangan ay pumunta ako sa may bar area para uminom ng tubig at binigyan naman ako ng bartender namin. Hindi ko napansin nakatabi ko pala si GD hanggang sa magsalita siya.

          “Alam mo na ba?”..tanong niya

          “Naaalis ka? Oo alam ko narinig ko kanina”..sagot na hindi tumitingin sa kanya. Walang nagsalita sa amin hanggang sa makalapit na lang si Arthur sa aming dalawa.

          “Pare pagbalik mo baka akin na niyang si G1”..birong sabi ni Arthur kay GD. Umalis na ako sa bar area kasi aasarin lang kami ni Arthur. Ganyan talaga si Arthur mapagbiro at hindi marunong magseryoso at napakababaero niya pero kuwento ni GD sa akin ganyan ang epekto pagsinaktan ka ng una mong minahal.       

          Nagbukas na ang club at nandito ang barkada. Gusto pa yata nila ng round 2 at kawawa nanaman si MJ kasi siya nanaman ang mag-uuwi sa mga to. Pero hindi ko pa nakikita si MJ baka nasa ibang bar yun at kasama yung mga model niya na beky. Sa mga ganitong pagkakataon nami-miss ko na si Beltz. Inumpisahan ko na ang pagtugtug at lahat ay nagsasaya na. Hindi ko din makita si GD sa loob ng club. Dati naman pagnag-uumpisa ang pagdagsa ng mga tao ay nasa tabi siya ng bar area at nanunuod, pero ngayon wala siya. Masaya ang buong tao pero parang malungkot pa ako. Kahit mabillis ang tugtug pero sa paningin ko mabagala ang paggalaw ng mga tao. Nagpatuloy ang ganuong pakiramdam hanggang sa matapos ako sa oras ko at may papalit na sa akin. Agad naman akong pumunta sa barkada. Lasing na silang lahat at parang naka-high na lalo na si Nicole na hindi mo naintindihan kung tumatawa o umiiyak. Mayamaya ay dumating na si MJ na namomoblema na siguro kung paano iuuwi tong mga to. Kinuha ni MJ ang isang bote ng alak at inimon yung natitirang laman ng bote.

          “Ohhhhh”..sigaw ni MJ sabay akbay sa akin. “Ano pinag-isipan mo na ba yung sinabi ko sayo kanina?”..tanong niya sa akin.

          “Huli na aalis na siya?”..sagot ko.

          “Nakaalis na ba?”..tanong niya ulit.

          “Hindi pa paalis pa lang”

          “Yun naman pala eh. Di pa pala nakakaalis eh di pigilan mo. Ikaw din baka magsisi ka at magaya ka sa akin. Yun ang pagkakamali ko G1 hindi ko siya pinigilan at hinyaan ko siyang umalis. Kaya ikaw ayaw ko na magaya ka sa akin. Ayaw ko na magsisi ka din kagaya ko at kung may pagkakataon ka pa pigilan mo siya.”

          “Sa tingin mo ba mapipigilan ko siya?”

          “Ikaw lang ang makaksagot niyan G1 at smile ka nga dyan ang ganda ng tugtug ohh sumayaw na lang tayo.”..hinila ni MJ sila Lara at Anj para pumunta sa dance floor at nagsasayaw na parang wala bukas.

          Tumingin ako sa paligid at hindi ko pa rin nakikita si GD. Nasaan na kaya siya? Lumapit ako sa bar area at tinanong ko yung bartender kung nasaan si GD at ang sagot niya hinid niya alam. Hinanap ko naman si Arthur para tanungin kung nasaan si GD kaso hindi ko maisturbo kasi may kahalikang babae. Lumabas na lang ako ng bar at nagbabaka sakaling makita siya at hindi naman ako nabigo kasi nasa may labas siya at nakaupo sa isang bakanting upunan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Baddest Girl on the RadioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon