LH5

2.1K 55 1
                                    

Chapter 5:
Property

NAGPALINGA-LINGA ako sa paligid. Para siguraduhin na hindi ako nasundan ng tatlo. Malapit na talaga akong mainis sa panunudyo nila.

“Aish. Ang kulit nila, grabe.” malakas na saad ko.

Nanghihinang napaungklo ako. Hindi ko na naisip na wala sa ayos ang aking itsura ngayon. Habang hinihintay ko ang pagbalik ng normal kong paghinga. Natuon ang tingin ko sa nakasulat sa may bahagi ng pader.

“Private Property?” basa ko sa nakasulat na signage.

Na-curious ako kung ano ang meron duon sa tagong bahaging iyon. Kaya naman dahan-dahan akong naglakad. Luminga muna ako sa likod. Para siguraduhin kung may ibang tao. Bago ako pumasok sa pagitan ng pader. Kahit na kinakabahan tumuloy pa rin ako.

Nahigit ko ang aking hininga sa nakitang tanawin. Napakalawak ng buong lugar. Sa katunayan ay pwede pang magtakbuhan dito. Ang mas nakapukaw ng pansin ko ay ang puno ng cherry blossom na nakatanim duon.

Lumapit ako sa puno at hinawakan ito. “Paano naman ito nabuhay dito?” nagtatakang tanong ko sa aking sarili. Ang alam ko ay sa malalamig na bansa lang may ganitong puno. Hindi ko alam na pwede pala siyang mabuhay sa ganitong klima.

May nakita din akong duyan na yari sa rattan. Muling kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa pinanggalingan ko. Palaisipan sa akin kung paano nagkasya sa pagitan ng abandunadong silid ang duyan na iyon. Samantalang isang tao lang ang kasya sa daan. Kailangan ko pa ngang tumagilid ng kaunti para magkasya.

Naupo ako sa duyan at habang inuugoy ko iyon. Naglalakbay ang isipan ko kung sino ang nagpupunta dito. Ngunit mayamaya lang ay tinigilan ko din ito.

Tumayo ako at lumapit sa mesa na may mga nakalagay na chess pieces. Napaawang ang bibig ko. Kinuha ko ang isang piraso nito. Halos lumuwa ang mata ko sa pagkamangha. Wala akong ideya kung gawa sa anong gem stones ang mga piraso nito.

“Sino kaya ang may-ari nito? Tsaka bakit pinayagan ng eskwelahan na magkaroon ng ganito. Ang yaman siguro ng taong 'yon.”

Ipinaikot-ikot ko ito sa aking kamay. Natutuwa ako sa itsura nito. Naghuhumiyaw sa ganda ang bawat piraso nito. “At ang kinang.” turan ko pa.

“Anong ginagawa mo dito?” dumagundong ang tinig ng lalaki sa buong paligid.

Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan niyang sumigaw. Sa sobrang pagkagulat ko. Kumawala sa kamay ko ang king piece na hawak ko. Mabilis ang ginawa kong pag-upo para damputin ito.

Sinipat ko pa ito para tignan kung nabasag ba. Kahit hindi naman kailangan. Dahil bermuda grass ang binagsakan niyon. Ngunit gusto ko lang masiguro na hindi ito tumama sa matigas na bagay.

I sighed in relief. “Hay, salamat!” mahinang usal ko.

“Sabi ko, anong ginagawa mo dito?”

“A-ano kasi...”

“Hindi ba malinaw sa'yo ang nakasulat dun?”

“Sorry.” hinging-paumanhin ko. Tila ako batang nahuling nang-umit.

“Tss. Lumabas ka na ngayon dito.” galit na turan niya. Tinuro pa niya ang lagusan na dinaanan ko kanina.

“H-hindi ko naman intensyon na pasukin 'to. Na-curious lang talaga ako.”

“Go!” mariing utos niya.

Naluluhang naglakad ako palayo. Nasagi ko pa nga siya dahil nakaharang siya sa daraanan ko. Ngunit wala akong pakialam na nilampasan siya. Napakalupit niya. Hindi naman niya kailangan sigawan ako. May isip naman ako na kapag pinakiusapan niyang umalis ay aalis ako.

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon