Chapter 20:
Stage?HINDI ko alam kung bakit ako patuloy na bumabalik sa lugar na ito. Ngunit pakiramdam ko ay abot-kamay ko lang ang isang Ranz Kyle Sunico. Masaya ako dahil kinakausap niya ako; na hindi niya ako sinusungitan at inaangilan. Dito ko lang nakikita ang other side niya. Ang pagiging makulit at masayahing si Ranz. Ngunit kapag wala na kami sa secret haven niya ay hindi niya ako pinapansin.
Pero ayos na din iyon, naisip ko na baka nahihiya pa siyang ipakita sa iba na ayos na kami. Hindi kaya may engkanto dito at sinasapian lang siya. Ang daldal niya kasi. Katulad ngayon tawa siya ng tawa habang naglalaro kami ng chess.
“It's my turn,” sabi ko at nag-iisip ako kung anong susunod kong moves.
Mataman akong nag-isip kahit wala naman akong maisip. Hindi na ako marunong nito.
Tumawa ng malakas si Ranz. “Hoy, ang daya mo.”
“At bakit? Isa na nga lang nakain ko tapos ipagkakait mo pa. Tumira ka na nga lang d'yan.” nakalabing sabi ko sa kanya.
Binawi niya ang pawn piece na naagaw ko sa kanya. “Hindi mo makakain 'to. Ginawa mo namang dama, eh. Pa-L dapat ang 'yong tira mo ng knight.” nangingiting saad niya.
“Huh?”
Inalisa ko ang sinabi niya kapag ganun ang tira ko. Hindi ko nga makakain iyon. Sa halip na paduguin ko ang aking utak sa larong ito ay ginulo ko ang mga iyon.
“Ugh! Ayoko na.”
Tinawanan niya lang ako. Kasalanan niya kung bakit ako nagmumukhang engeng sa larong ito.
“Talo ka na naman,” talak niya. “Belat!”
Umismid lang ako sa kanya bilang sagot. Naiiling na inayos niya muli iyon. Puwesto naman ako sa duyan.
Naiisip ko na usisain na lang siya kesa naman makipagtagisan ng talino sa kanya. Aminado naman ako na wala akong labang sa IQ niya. “Ranz, I have a question?”
Binigyan niya ako ng sulyap bago bumalik sa paglalaro. Parang timang lang siya, kalabanin ba naman ang sarili.
Hindi siya nagsalita, so, inisip ko na hudyat iyon para malaya akong magtanong. Medyo nag-alangan pa nga ako dahil masyadong matagal na mangyari iyon. Ngunit hindi ko pa rin mapigilan na hindi mag-usisa.
“Ranz, nung birthday ni Dwayne... Bakit mo h-hinawakan ang kamay ko nung picture taking?”
So, hindi naman pala siya ang may gawa nuon. Dapat na hindi ko na pakiisipan pa ang bagay na iyon. Ngunit tila may pumipigil sa akin na gawin ko iyon. Tinitigan niya lang ako, iyong tipo na nakakatunaw. Unfair sa kanya na pagbintangan ko siya. Nag-alis ako ng bara sa lalamuna at tsaka ako nag-iwas ako ng tingin.
I heard him talk in his lower voice. “Pinatong kaya ni Dwayne ang kamay ko. Wala akong nagawa.”
Bakit ba lagi na lang si Dwayne? Noong una ay nagsulat siya ng lovenote. Tapos ay ang paghawak ng kamay ni Ranz sa akin.
Sandali akong natigilan. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Mataktikang iniba ko ang usapan dahil sa sobrang hiya ko. Hindi naman ako mukhang assumera.
“Bakit hindi ka nanligaw dun sa crush mo?” bigla na lang lumabas sa aking bibig.
Mas mali yata na tinanong ko pa iyon. Mas nakakahiya pa ang huli kong tanong kaysa sa una. Our eyes met. I can read what on his mind and what's the behind his look. It says, you're crossing the line.
I swallowed hard, sinenyasan ko siya na kunwari ay zini'pper ko ang aking bibig.
Mas nauna ako sa pagbalik sa classroom namin. Lagi mama na ganuon; mauuna ako at magpapahuli siya. Minsan ay iniisip ko na ayaw siguro ni Ranz na makita kami ng iba na magkasama.
Naglalakad ako ng bigla na lang sumulpot sa harapan ko ang isang lalaki. My heart skip to beat then pump rapidly. My eyes glued on his arms landed on my shoulder.
Ngumiti ako ng magtama ang aming mga mata. At ganuon din ang ginawa niya. “Let's go, sabay na tayo.”
Mukhang masaya yata siya ngayon. Habang naglalakad kaming nakaakbay siya sa akin. At pasipol-sipol pa siya. Kinain ng panibugho ang aking puso. Marahil ay galing na naman siya sa college department. Kaya ganito siya kasaya.
“Asan si Traver?” tanong ko.
Nagkibit-balikat siya at, “Baka napasarap,”
Awtomatikong namula ang aking mga pisngi. Marahil ay napansin niya ang pagkailang ko. Pagak ang tawang pinakawalan niya. At kapagkuwan ay naramdaman ko ang pagpisil niya ng marahan sa aking pisngi.
“Babe, you're blushing.” aniyang tila naaaliw.
Ngumuso ako.
Natigilan ako ng pumasok kami at natahimik ang buong klase. Huli ng maisip kong nasa balikat ko pa pala ang braso ni Dwayne. Isang tikhim ang gumising ng diwa.
Inikot ko ang aking ulo at nakita ko ang malapad na pagkakangiti ni Traver. Kasabay niya si Ranz na wala man lang reaksyon akong mabasa sa kanyang mukha. Naguguluhang pinanuod ko siya ng lampasan niya ako.
“Shan, bakit magkasabay kayo ni Dwayne?” bungad na tanong ni Dessa.
“Akala ko ba si Ranz ang lagi mong kasama kapag nawawala ka.” sunod na komento ni Rose.
Siniko ako ni Abby habang may naglalarong ngiti sa kaniyang mga labi. “Ikaw, huh. Si Dwayne pala.”
Hindi ko pinansin ang mga panunukso nila. Lumipad ang tingin ko kay Dwayne—na sakto namang nakatingin din pala sa akin. He smiled and then winked at me.
Inuga ni Abby ang balikat ko. “Ay, ano 'yan? Anong stage n'yo na?” impit na tili pa niya.
Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Janine. At mahinang nagsalita, “Tingin ko ay naiinis si Ranz, Shan.” aniya.
May bago pa ba naman? Kahit na magkasundo na kami ng konti ay hindi ko pa rin alam kung ano ang nasa isip niya. Siguro ay ayaw pa rin niya na lapitin ko ang mga kaibigan niya.
“Hayaan mo na siya,”
Pinukol ako ng nagtatanong na mga mata ni Dessa. At tsaka bumaling kay Dwayne na hindi pa rin inaalis ang pagkakatingin sa akin.
“Bes,”
Lumingon ako ng may tumawag sa akin. Hinintay ko na hustong makalapit siya sa akin.
“Dessa, hindi ka pa uuwi?”
“May gusto akong itanong sa'yo.” turan niya na hindi hiniwalay ang tingin niya sa akin.
Ikinawit ko ang braso ko sa kanya. Mabuti na din na nandito siya para naman may kasama ako sa paghihintay kay Kuya.
Malapad ang ngiting binigay ko sa kanya. Ngunit hindi man lang niya iyon sinuklian. “Magsabi ka nga sa'ken ng totoo. Nililigawan ka ba ni Dwayne?”
“H-huh?”
“Madalas na siya ang nagdadala ng mga gamit mo. Tapos lagi kayong magkasama at hindi ka na nga sumasabay ng lunch sa'min nina Abby. Ano 'yun, wala lang?”
Nakangiting umirap ako sa kanya. Alam ko kung saan siya nangagaling. She's protecting me. “Wala lang 'yon. Di ba, sabi niya babawi s'ya sa mga kalokohan n'yang ginawa sa'ken. Kaya 'yon. Hindi naman siya nanliligaw.”
Wish ko lang na ligawan niya ako. At kapag nangyari iyon ako na ang pinakakikiligin.
“Hindi ako naniniwala. Wala akong tiwala sa mga pinaggagawa ng hapon na 'yon.”
I cut her in, “At wala ka ring tiwala sa'ken ganun?” pinilit kong hindi mabahiran ng panunumbat ang aking sinabi.
Umirap din siya. At hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti. “Bes, may aminin ako sa'yo.”
“Ano?”
“Tingin ko ay may g-gusto na ako kay Dwayne.” pagtatapat ko. At naramdaman ko ang pangangapal ng aking pisngi. “Sabi mo naman... wala kang gusto sa kanya, di ba?”
Marahan siyang tumango, half smiled. At hindi siya nagkomento. Baka naman nabigla. Pangungumbinsi ko sa aking sarili. Tingin ko naman ay hindi ako mahiya na aminin iyon sa kanya. Afterall, she's my bestfriend, nasisiguro kong hindi niya ipagkakalat ang sekreto ko.
💓💓💓
©froggybean
![](https://img.wattpad.com/cover/123275023-288-k416315.jpg)
BINABASA MO ANG
Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018
Teen Fiction• C O M P L E T E D • Heartbeat Series #1 'Let's our hearts beat for one.' ---------------------------------------------------- Ranz Kyle Sunico, ang heartthrob ng campus. Ngunit para kay Shanielle Domingco, he's nothing but a handsome rude guy. Kay...