Chapter 49
Good news"TATANGGAPIN mo ba ang panliligaw ni Dwayne?" tanong ni Abby.
Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na kausapin siya. Lagi din naman kasi siyang umiiwas. Marahil ay hindi niya alam kung sino ang lalapitan sa amin. Ayaw niyang lalong lumala ang hindi namin pagakakaunawaan.
"Sana ay piliin mo kung ano ang makabubuti para sa lahat." iyon ang huling salitang binitiwan niya.
Nakapagpasya na talaga ako. At alam ko na maraming masasaktan. Pero paano naman ako? Hindi ba masasaktan din ako kahit na ano pa ang piliin ko. Kahit minsan gusto kong isipin kung saan ako magiging masaya.
NAGULAT na lang ako nang tawagan ako ni Ranz. Gusto daw niyang makipagkita. May sasabihin daw siya na tiyak na matutuwa ako. Sinamantala ko ang pagkakataon. Ito na ang oras para sabihin ko sa kanya ang pasya ko.
Kinakabahan akong bumaba ng taxi, gusto sana niya akong sunduin pero tumanggi ako.
Niyakap niya ako ngunit mabilis din siyang lumayo ng mapapagtanto niya ang kanyang ikinilos. "Sorry," mahinang usal niya.I was the one to approach him, "Ahmm... Ranz," sabi ko sa nahihiyang tinig. "Wala akong ideya kung bakit ka nakipagkita sa'ken."
Hindi niya hinihiwalay ang kanyang mga mata sa akin. Nahihiya pa nga ako salubungin iyon. Masaya ang bukas ng kaniyang mukha. Sayang lang at masisira ko iyon. "Sa palagay ko may sasabihin ka. Mas mabuti na ikaw muna ang mauna. Ladies first,"
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Ayoko na talaga na tumagal pa ito. Humugot ako nang malalim na hininga bago nag-umpisang magsalita. "I-I want this to end. I mean... err... Ranz, alam ko na hindi tama na magpatuloy ang relasyon naten. Kasi-,"
Unti-unting nawala ang kasiyahan sa kanyang mukha. "Bakit?" aniya sa galit na tono. Kasunod ay ang pagbuga niya ng marahas na tinig. "Dahil ba nalaman mo na gusto ka ng bestfriend ko... gusto ka ni Dwayne, huh? Iiwan mo na ako. Makikipagbreak ka sa'ken para sa gagong 'yon. Put*ng-*** naman! Wala namang gaguhan!"
Napapikit ako nang mariin nang sipain niya ang gulong ng kanyang sasakyan. Pagkatapos ay nagpakawala siya nang suntok at nabasag ang side mirror.
"You're bleeding!" bulalas ko sa nanlalaking mga mata. Tinangka kong lumapit sa kanya ngunit itinulak niya ako. Mabuti na lang at hindi iyon ganun kalakas.
"Don't touch me!"
"Pero Ranz, naman..."
"Sobra naman yatang pag-aalala 'yan? Para sa taong gusto mo ng i-break." sarkastikong turan niya.
Bigla akong naguilty pero wala namang magagawa iyon. Nasabi ko na. Nasaktan ko na siya. Hindi ko na iyon mababawi pa.
Inihilamos niya ang kanyang palad sa sarili niyang mukha. Pagkuwan ay malungkot na tumingin sa akin. Kumislap ang mga mata niya, tanda na naluluha ito. Ngunit hindi ako sigurado kung sa sarili ko bang mata iyon o sa kanya nga. "Ito ba ang gusto mo ang makipaghiwalay sa'ken...? Shanielle... tinatanong kita. Bakit hindi mo ko sagutin?"
"Ayoko lang naman na mahi-"
"Dammit! Why don't you just answer my question."
"Oo! Kaya palayain mo na ako. Pwede ba 'yon, R-Ranz?" nanginginig na tanong-pakiusap ko.
"Ganito na lang ba 'yon, Shan? Pagkatapos mo akong paasahin na mahal mo ako-"
"Mahal kita," Totoo 'yon.
"Tss. Gusto mo na paniwalaan kita? Hindi ako tanga."
Hindi ko magawang salubungin ang mga mata niyang nang-uusig. Namayani ang ilang sandaling katahimikan. Malakas ang kabog ng dibdib ko.
"Ginamit mo ako para pagselosin si Dwayne-"
"Ranz, hindi ganun 'yon."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Bagkus pinagpatuloy niya ang kanyang sinasabi. "Patas lang naman tayo. Ginamit lang kita para makalimutan ko si Yumi. Nagsungaling ako na hindi kita gustong maging rebound. But you are." aniyang walang emosyon at may diin ang bawat katagang kanyang binibitawan. Tila iyon gumuguhit sa puso ko at nag-iiwan ng marka.
Nabitin ang paghinga ko at nanatiling nakaawang ang mga labi ko. Nang matauhan ako ay nagpakawala ako ng marahas na hininga. Ano pa bang aasahan ko, hindi ba ta lagi naman siyang nagsisinungaling kahit nuon pa man.
Sunod-sunod na naglandas ang mga luha ko. Pinunasan ko iyon gamit ang likod ng aking mga palad. Hindi ko dapat ipakita ang mga luha ng pagkatalo ko. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit. Pinaglaruan niya lang ako. Pinagmukha niya akong tanga. Kaya dapat lang talaga na iwanan ko siya.
"By the way, I have some good news for you. May napagtanungan ang mga tauhan ni Mommy tungkol sa Papa mo. He's going home."
Pagkatapos nuon ay naiwan akong nakatulala. Habang nag-uumpisang mag-unahan ang mga luha ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. May aftershock pa yata ako dahil sa mga nalaman ko.
💓💓💓
©froggybean

BINABASA MO ANG
Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018
Teen Fiction• C O M P L E T E D • Heartbeat Series #1 'Let's our hearts beat for one.' ---------------------------------------------------- Ranz Kyle Sunico, ang heartthrob ng campus. Ngunit para kay Shanielle Domingco, he's nothing but a handsome rude guy. Kay...