LH26

1.2K 33 0
                                    

Chapter 26:
I Declare

ILANG araw ko nang hindi pinapansin si Kuya. Madalas na hindi rin ako sumasabay sa kanya, pagpasok at pag-uwi. Naalala ko pa ng humingi siya ng tawad sa akin.

“Lil sis, I'm sorry...”

Umirap ako sa hangin at hindi man lang ako nag-abalang lingunin siya. I don't need his damn sorry. Kung totoong nagsosorry siya, ibabalik niya ang wrist watch ko. Pero hindi niya ginawa at ang kinaiinis ko pa. Ipinagmamalaki pa iyon ni Rose sa buong klase.

“Ang ganda, di ba?” minsan ay narinig kong pagyayabang niya.

“Oo nga, tsaka ang ganda ng mga detalye.”

Oo. Kasi pinasadya pa 'yan ni Papa, sa kaibigan niya na alahera. Regalo niya 'yan sa'ken nuong 16th birthday ko.

“Ang swerte mo naman dyan sa manliligaw mo. Ang galante!”

Sa sulok ng mga mata ko ay pahapyaw na nakita ko ang malapad na pagkakangisi ni Rose. Gusto ko siyang sabunutan. Narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nandon din siya sa umpukan ng mahadera kong bestfriend.

Hindi ako lumingon ngunit malinaw sa akin ang sinabi niya. “Kapatid mo ang nanliligaw kay Rose, di ba? May kapatid ka bang lalaki?”

“Wala,” matipid na ay matabang ko pang sagot. Hindi pa rin ako nag-abalang lingunin sila.

“Ay, sayang naman.”

Balik na naman sila sa pakikiusyoso.

“Ano 'tong nakasulat sa palibot ng relo? Teka, patingin nga ng mabuti, Rose.” natahimik sila sandali.

Awtomatikong lumingon ako ng basahin niya ang nakasulat ruon.

“Shanielle. Shanielle.” tila iniisip niya kung kaninong pangalan iyon. Mayamaya ay nagliwanag ang kanyang mukha. At napalitan ng pagkadismaya. “Eh, kay Shanielle naman pala yan, eh.” padaskol na binitawan niya ang braso ni Rose.

Ngumisi ako ng umingos ang mga kaklase kong babae kay Rose. “Tara na nga.”

Nagtama ang mga mata naming dalawa. At kitang-kita ko ang pagkapahiya sa kanyang mukha. Mabuti nga sa kanya.

Hindi naman ako yung tipo na nang-iirap, nagpaparinig at talagang pinag-iinitan ang mga nakakagalit. Kaibigan pa rin naman ang turing ko kay Rose. Ang gusto ko lang naman ay maibalik ang pag-aari ko.

“Tingin mo ba sobrang nag-over react ako? It's just a piece of a gift from my nowhere to found father.” paghingi ko ng opinyon kay Ranz.

Tinitigan niya ako at sinagot ko iyon ng pagkunot ng noo.

“Don't say that. It's not just a piece of a gift. That's precious. Pinaghirapan iyon ng papa mo at pinag-ipunan, sigurado ako. Kaya kung ako man ang nasa kalagayan mo. Ganun din ang mararamdaman ko.”

Nahihiyang ngumiti ako sa kanya. Kahit na nasira ang pagkakaibigan namin ni Rose ay nasa tabi ko naman si Ranz.

“Pero wag mo pa ring hayaan na masira ang pagkakaibigan n'yo nina Rose.”

Tumango ako sa kanya at sinuklian ko ang kanyang ngiti. Gumaan ang pakiramdam ko at nabawasan ang mabigat na nakadagan sa aking dibdib. Lalo na ng nag-open siya tungkol sa pamilya niya.

Madalas daw na hindi nila nakakasama ang kanilang daddy dahil abala din daw ito sa isa pa nilang University—na Sunico International—na nasa parteng Europe. Ang Lolo lang niya ang nagmamahala dito.

“Nasa college dept. ang lolo mo?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Uhmmm,”

“Bakit hindi ka niya dinadalaw dito?”

Let's Heartbeat: Shanielle #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon