How come and why?

21 1 3
                                    

ANNE'S P.O.V.

January 22, 2014. May date talaga? Ano 'to?? Diary!? Biro lang. Tawa kayo, dali. Kawawa naman yung author baka malugi. ;)

So, ayun. Kahapon ay nagtapat ako sa guy na mahal ko na gusto ko siya at biglang naging sila ng bestfriend ko after a few hours! Tindi ano po? Kaya, eto. Hindi ko man lang malapitan si Kristine. Bakit? Kasi kahit siya ang bestfriend ko, hindi niya ako matutulungan sa problema ko dahil siya ang dahilan ng sakit na pinagdaraanan ko ngayon. Kung pupwede lang, ayoko siyang makita buong araw.

Hindi ko alam kung hanggang saan tatagal ang relasyon nila ni Ric. Pero kung dun masaya ang taong mahal ko, forgive and forget na lang mga 'te. Kahit hindi pa ngayon, alam kong darating din yung araw na magiging okay ako. Syempre, kahapon lang yun eh. Alangang naka-move on agad??

FLASHBACK

"Beyb, grabe kinikilig akooo!!"

"Bakit nanaman? Dahil nanaman diyan sa baby mo?"

"Grabe talagaaa! Ang landi niya kahit kailan. HAHAHA!"

"Gusto mo din naman." sabay belat ko sa kanya.

"Enebe?!" natawa na lang kaming pareho.

END OF FLASHBACK

Kristine Marella San Miguel. Beyb ang tawagan namin. Ang bestfriend ko simula nung 2nd year high school kami. 4th year na kami ngayon. Tagapagtanggol ko siya pero kung ako ang mali ay hindi naman niya ako kinukunsinte. Kahit alam niyang napakatigas ng ulo at hindi ako makikinig sa kanya, pinagsasabihan niya pa din ako. Masakit siya magsalita kung minsan pero sanay na ako. Kasi kadalasan, totoo naman yung mga sinasabi niya. Mahal na mahal ko ang babaeng yan. Lagi ko yang kinakausap kasi palaging may chika. At kung wala naman, wala lang. Gusto ko lang siya kausap. Kaso, nasira lahat ng dahil lang sa isang lalaki? Okay, okay. Hindi naman talaga nasira friendship namin dahil hindi naman kami nag-away. Naging awkward lang kasi hindi na kami nagkikibuan. Dadaan siya sa hallway, kunwari'y wala akong nakita. Basta makasalubong ko siya, pinagtutuunan ko ng pansin yung mga kasama ko para magmukhang hindi ko talaga siya napansin. Nakakainis lang na ganito yung nangyari. Hindi ko siya magawang kausapin o lapitan, ni tignan hindi ko kaya.

Ang hirap pala kapag ang bestfriend mo ang dahilan kung bakit ka nasasaktan at nahihirapan. Imbis na siya yung sinasandalan mo sa mga ganitong problema, siya pa yung iniiwasan mo.

Ang akala ko si Mike ang gusto niya. Bakit biglang naging sila Ric? Ang alam ko, niligawan siya ni Ric pero ang sabi ni Ric noon yun. Bakit ngayon sila na?

*Dialing...*

Dinial ko ang number ni Ric. Gustong gusto ko siyang makausap. Gusto ko malaman bakit biglang naging ganun. Nag-I love you siya sa'kin, so obviously ay gusto niya din ako. Pero anong nangyari? Paanong naging sila?

"Hello?" sinagot na niya.

"Uh, hello. Musta? Masaya ba?" sarcastic na tanong ko.

Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Bakit naman ganun? Umamin ako sa'yo. Tapos biglang naging kayo nung araw rin na yun. Ano yun? Ang akala ko pareho tayo nang nararamdaman tapos bigalang ganyan? Ano? Pinaglalaruan mo ba ako?" kasabay ng pagsabi ko ng mga salitang yan ay tumulo na din ang mga luha sa mata ko. Sobrang sakit.

"Ang sabi mo, noon mo siya niligawan. NOON. So it means na hindi na ngayon. Paanong sinagot ka niya? Alam mo bang nakakagago yung ginawa mo? Alam mo bang pag nagago ako nagiging gago na din ako? Sorry sa mga salita ko. Mas gusto kong straight to the point."

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon