Getting Better

8 0 0
                                    

A/N: Guys, may mga iibahin ako sa story kasi di ko na maalala yung totoong nangyari. XD HAHAHAHA! But the plot is still the same. Love lots :* Enjoy this chapter. And one more thing. May isa pa akong story at fanfiction naman siya. But, since ongoing pa yung dalawa kong story, I won't post the other one. ;) Just wait na lang. Sana suportahan niyo rin yun. Salamat. ^_^

ANNE'S P.O.V.

Malinaw na sa akin ang lahat. Kailangan ko na lang ayusin at ipaliwanag kay Ric kung ano yung gustong iparating ni Kristine. Pero, kaya ko na rin ba siyang harapin o makausap ulit? Sa ngayon, text lang ang nagagawa ko.

Nang makausap ko si Kristine, nung una, medyo awkward. Pero nung mag-explain siya at nung marinig ko kung ano talaga ang nararamdaman niya, napanatag ang loob ko.

Oo, galit ako kay Ric. Pero hindi ibig sabihin nun, hindi ko na siya mahal. Isa pa, napatawad ko na naman siya eh. Hindi ko lang talaga kayang kausapin muna siya. Wala pa ako sa wisyo. Sa sitwasyon naming tatlo, walang may kasalanan. Hindi intensyon ni Kristine na sagutin si Ric at hindi rin ginusto ni Ric na masaktan ako. Alam ko yan kasi minsan kinakausap ko ang sarili ko. Siyempre, kailangan ko rin ng expert advice 'di ba? ;)

Tinry ko i-text ko si Ric. Nagreply naman agad siya. Dun nagsimula ang conversation namin at naipaliwanag ko naman ng maayos lahat sa kanya. Ang sabi niya, yun nga rin daw ang hinala niya. At least, naintindihan na rin naman niya.

Andito ako ngayon sa school. :) Medyo cheerful ako ngayon kesa nung nakaraan. Alam niyo na kung bakit ;)

"Oh Anne, mukhang okay ka na ah?" bati sa'kin ni Leira.

"Ah, oo. Maayos na din kasi kaming tatlo. Although hindi pa kami bumabalik sa dati ni Ric. Si Kristine naman, okay na ako sa kanya. Nagkukulitan na ulit kami. Nakakapagchikahan na ulit. Wala na akong sakit na nararamdaman sa tuwing nakikita ko siya." habang naiisip ko yun, napapangiti na lang ako.

"Well, that's good. Masaya akong okay ka na. Balik ka na sa pagiging kalog mo. HAHAHAHA!" pagbibiro niya.

"Alam mo yan. HAHAHA!" sagot ko. At nagtawanan na lang kami. :) Sarap sa feeling na nakakatawa na ulit ako. NG TOTOO.

"ANDIYAN NA SI MA'AM!" sigaw nung isa naming kaklase.

Bumalik na kami sa mga upuan namin then nagstart na magturo yung teacher namin.

RIC'S P.O.V.


Sa wakas. Mukhang okay na lahat. At least alam na namin yung totoo. Ayos na ako kasi alam kong kahit paano wala nang iintindihing sakit si Anne. Ayokong umiiyak at nasasaktan siya nang dahil sa'kin. Nalulungkot ako kapag ganun. Nasasaktan din ako. Pero ngayong wala na kami ni Kristine at alam na namin ang dahilan niya, sana maging ayos na kami. Sana bumalik na kami sa dati.

Gusto ko na siyang ligawan.

A/N: OYYYY! Ric aba! Agad agad?

Sorry naman author! Eh siya naman kasi talaga yung gusto ko eh. *POUT*

A/N: Ako author dito! Stay put ka lang diyan!

Opo -_-

Eto talaga si author. Wrong timing, nagmomoment ako eh. Hmmp.

A/N: You sayin' something?

Wala pooo :P 

Seryoso, gusto ko na siya ligawan. Pero sa ngayon, bibigyan ko muna siya ng oras para makapag-isip at maka-move on sa mga nangyari. Basta okay na ako kasi alam kong wala na siyang inaalala. Isa pa, wala na rin akong aalalahanin. Masaya ako kahit hindi pa kami. Sana lang hindi nawala yung nararamdaman niya para sa'kin. Sana walang nagbago dun. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na araw. Ang alam ko lang, mahal ko siya. Walang nabago. Tanging nabago lang, tumibay yun.

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon