The Reason

11 0 0
                                    

KRISTINE'S P.O.V.

Hi guys! Ako nga pala si Kristine Marella San Miguel. Ako ang bestfriend ni Anne. Simula pa lang nung 2nd year kami, mag-best friends na kami- Ano? Nakwento na niya? Aaaah. Okay :3 Hihi.

So ayan. Ako ay may lalaking napupusuan. Wow? Ang lalim author ah? Hahaha. Ehem, seryoso na. Meron akong lalaking nagugustuhan named Mike. I'll only tell you less about him. So to make his intro short, here it is. He's Mike Lim. Not really my type. But there's something in him na gustong gusto ko. I don't know what it is. Nadevelop na lang din yung feelings ko para sa kanya dahil close rin naman kami. I call him Baby behind his back. Landi lang ano? Nah, just kidding.

Alam kong gusto niyong malaman kung bakit ko sinagot si Ric. Tama ba ako or tama ako? Don't hate me just because of that. I'm not really inlove with him. At alam ko ding hindi niya ako mahal. Sawang sawa na akong magpakatanga kay Mike that's why I tried to transfer these feelings to someone. Kaso di effective. Wala akong balak patagalin 'tong relasyon namin ni Ric. At oo, tama ang iniisip niyo na parang ginawa ko siyang panakip butas. Hindi ko sinasadya gawin yun pero kung ganun talaga ang labas, let it be. Gusto ko nang itigil ito kasi mas lalo ko lang sasaktan yung sarili ko. Pati si Ric at si Anne. Alam kong mahal nila ang isa't isa. Pansin kong iniiwasan ako ni Anne. I feel bad kasi nasaktan ko siya. Alam kong gusto niya ng explanation and I'll give it to her willingly kasi hindi yun lalapit sa'kin at hindi ako nun kakausapin kung hindi pa ako ang unang mag-approach.

Si Ric? Hindi na ako nakipag-communicate sa kanya simula nung sinagot ko siya. Kasi alam kong mali ang ginawa ko. Hindi ko rin alam kung paano sabihin sa kanya lahat. Sana lang maexplain ko na agad kasi ayoko nang patagalin 'to. Si Mike ang mahal ko at hindi si Ric.

"Hello, Anne.. We need to talk." after that, I ended the call.

RIC'S P.O.V.

Ric Angelo Acero's the name. ;) Haaay. Ang hirap ng sitwasyon ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya. Pero nangingibabaw yung lungkot ko. Galit sa'kin si Anne. Nagbago yung pakikitungo niya at hindi ko siya masisisi. Nasaktan siya. Nung mga oras na magkausap kami sa phone, naramdaman ko din yung sakit na naramdaman niya. Nung araw na umamin siya, sakto namang sinagot ako ni Kristine. Para sa mga playboy, jackpot yun. Pero para sa isang katulad ko hindi. Nang magalit sa'kin si Anne, dun ko narealize na mahal ko pala talaga siya.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Tama bang iwan ko si Kristine para sa taong tunay kong mahal? O isakripisyo ko na lang yung sarili kong kaligayahan?

Nag-GM ako tungkol sa dinadala kong problema. Dinaan ko 'to kay Anne at kung kani-kanino pa.

*BZZTBZZT*

From: Anne

    Maging masaya ka. :) Kayo na eh.

Haaay. Her sarcasms kills me. :(

To: Anne

    Eh galit ka eh :(

Send...

*BZZTBZZT*

From: Anne

    Okay lang ako. :) Maging masaya ka lang tay.

Tay, that's how she used to call me. Anak naman ang tawag ko sa kanya. But recently, I discovered na "Baby" ang tawag sa kanya ng parents niya. Since then, tinawag ko na siyang "Baby." Pero "Tay" pa rin tawag niya sa'kin.

Tinry kong itext si Kristine. Kaso hindi talaga siya nagrereply. Simula nung naging kami, hindi na niya ako tinetext. Hindi ko alam kung bakit. Iniiwasan niya kaya ako?

Nga pala, hindi kami magkakaklase. Silang dalawa, 4th year highschool. Ako naman, graduate na ng hs. Pero hindi pa muna ako nag-college. I have to work for my expenses sa pagpasok ko sa kolehiyo. Bakit ako ang kailangan magbayad? Hindi pa ako ulila. ;) Tulong lang sa magulang ko. Hindi kasi kami mayaman para ma-afford ang pangkolehiyo. Gusto ko makapagtapos kaya ko 'to ginagawa. Paano ko sila nakilala? Nauna kong nakilala si Kristine. Parehong sa plug lang ng kababata ko nakuha ang mga number nila. Matagal na hindi nagparamdam si Kristine kasi na-confiscate ng teacher niya ang phone niya. Nag-plug ulit yung kababata ko ng number, ang number ni Anne. Tinext ko siya. Nagreply naman. Hanggang sa napadalas na. Halos oras-oras magkatext kami. Araw-araw yun. Hindi ko alam na nagkakagusto na pala ako sa kanya. Hanggang sa umabot na sa nangyari ngayon.

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon