Uno

15K 199 7
                                    

Warning: Strong Parental Advice

-----------------------

"Sally, ano ba bakit ang bagal mo diyan dadaigin mo yata ang pagong sa kakuparan ah," bulyaw ng pinsang si Ludy.

Halos hindi na siya nagkandaugaga sa dami ng trabaho sa bahay idagdag pa ang bunganga ng magkapatid na pinsan.

Mula kasi nong mamatay ang kanyang ama wala na siyang ibang kamag-anak na malapitan. Dise-siyete lang siya noon at katatapos lang ng sekondarya.

Kinopkop siya ng tiyahin na nasa Canada kaya sa dalawang bruhildang anak nito siya nakipisan.

Ginawa siyang alila ng mga ito. Ginawang katatawanan kapag dinadala ang mga barkada ng mga ito sa kanilang bahay.

Walang araw at gabing hindi pang-aalipusta at mura ang naririnig buhat sa mga ito. Nasanay na siya sa bawat tawa at panlalait sa kanya maging ang pisikal na pananakit gaya ng sabunot ay nagawa niyang tiisin.

Maluho ang mga ito, na animo'y mayayaman purke't nasa abroad ang mga magulang. Dalawang silang magkapatid sina Ludy at Lory. Kapwa masusungit at may pagkamalandi.

Ilang gabi ring napapansin niyang nag-uuwi ang mga ito ng lalaki hanggang sa tuluyang mabuntis.

Magkasunod na nabuntis ang magkapatid na pinsan niya pero walang mga ama ang mga anak ng mga ito.

Mas lalong pahirap sa kanya dahil halos siya lang din ang umaasikaso sa mga paslit mula nang iluwal nang mga ito. Gaya ng dati ay ganoon pa rin ang buhay nila. Puro pasarap at pasasa.

Saktong maglilimang buwan na ang mga anak ng mga ito nang biglang tumawag ang magulang at okay na raw ang mga papeles nila papuntang Canada.

Wala siyang nagawa nang iwan sa pangangalaga niya ang dalawang paslit. Total naman daw ay halos sa kanya na rin lumaki ang mga ito.
Umasa siyang sa pag-alis ng mga ito ay aalwan na rin ang buhay niya. Umalwan naman kahit papaano ay wala nang bubunganga sa kanya at bukod sa lahat wala nang malalait sa kanya.

Subalit ibang paghihirap naman ang dumating sa kanya dahil mula ng iwan sa kanya ang mga anak ng mga ito ay tatlong libo lang ang nakukuhang sustento mula sa mga ito.

Halos maluha siya sa tatlong libong hawak dahil bayad pa lang sa kuryente, tubig at gatas ng mga bata ay kulang na kulang na. Paano ang kakainin at iba pang pangangailangan ng mga anak ng mga ito.

"Insan, bakit tatlong libo lang. Paano ang gatas ng mga bata?," reklamo ni Sally nang tumawag ang pinsang si Ludy.

"Aba! Sally siniswerte ka naman kung diyesmil ang ipadala namin sa'yo. Malay ko ba kong kinukutungan mo kami. Maswerte ka nga at nariyan ka lang hindi nagtatrabaho," pagalit na sagot sa kanya nito.

"Ludy, hindi naman sa ganoon pero alam mo naman may kuryente at tubig pang babayaran di ba?," hinaing pa dito.

Pero imbes na maawa ito ay mas lalo pang nagalit. "Hoy! Sally, huwag ka ngang magreklamo diyan. Hayaan mo sa susunod na buwan dalawang libo na lang," sagot nito.

Hindi na lang siya sumagot sa sinabi nito. Hanggang sa tuluyan nitong pinatay ang tawag nito.

Napaluha siya. 'Bakit siya ang naghihirap samantalang sila ang may anak sa mga batang ito,' aniya sa sarili habang kalong-kalong ang anak ni Lory.

Tinuring na niyang parang tunay na anak ang mga ito. Tiniis ang puyat, maalagaang mabuti lamang ang mga ito.

Isang taon ang lumipas mula nang iwan ng pinsan niya ang mga anak ng mga ito sa kanya ay palaki rin ng palaki ang pangangailangan ng mga ito. Kaya ang tatlong libo buwan-buwan ay hindi na niya kayang binatin pa.

G.R.O(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon