Chapter 1

4K 80 0
                                    

"Look at our little angels, Arlene. Mukhang may umuusbong na romance sa dalawang 'yon ah."





"Ikaw talaga, Pabs! 2 years old pa lang si Dennise ko at 5 years old naman ang anak mong si Alyssa."






"O, hindi ba't mas cute nga ang gano'n? Bata pa lang ay nagkakaintindihan na ang mga puso nila"




"They're still kids."







Nakaguhit ang isang magandang ngiti sa mga labi Arlene habang pinagmamasdan ang mga anak nila ng kaibigang si Pablita.







Walang yaya ang mga ito dahil pareho nilang gusto na hands-on sila sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.








Nasa malawak na hardin ang dalawang bata at naglalaro sa swing. From the looks of it, it was obvious that her daughter was just following what the little Alyssa was doing. Ngunit, dahil mas bata ito, halos hindi pa umabot ang mga paa ng anak niya sa lupa upang maitulak ang sarili para gumalaw ang swing. At mukhang napu-frustrate na ito kaya nag-uumpisa nang umiyak.







Sabay silang napabuntong hininga ni Pablita nang bumaba sa swing si Alyssa at itinulak mula sa likuran si Dennise.






"Aaaaaahh. It's so sweet!" Sabay na sambit nilang magkaibigan.





Sa makeshift stage ay nagsasalita ang president ng Lazaro Medical Hospital na si Mike Lazaro, ang kanyang butihing asawa.
Eighteen years anniversary kasi ng hospital kaya naroon ang lahat ng empleyado, kabilang na ang kaibigan niya na head chemist ng kanilang hospital. May malaking negosyo na rin ang asawa nito but dahil ayaw nitong masayang ang pinag aralan nagpatuloy ito sa pagtatrabaho bilang chemist. At naiintindihan naman yun ng asawa niya.


"Ang cute cute nilang tingnan, Arlene! Parang destined na silang magkasama sa future."


"Well, wala akong tutol. Your Alyssa is so nice. And really cute."

"Ofcourse. Mana sa akin eh."



May kung anong nakita ang batang Alyssa kaya tinigilan nito ang mahinang pagtulak kay Dennise. Agad na bumaba ng swing ang anak niya at sinundan si Alyssa. Natatawa na lang sila habang pinanonood ang pagsunod sunod ni Dennise kay Alyssa kahit saan man ito magpunta.


Pablita notice her daughter na may bitbit na apat na baso na nakuha nito sa refreshment area na nangangalahati pa lang ang mga laman. Niyaya ni Alyssa si Dennise na bumalik sa playground. Pero sa halip na maglaro uli sa swing, naupo ang mga ito sa bermuda grass. Pagkatapos ay nakita niyang pinagsalin salin ni Alyssa ang laman ng mga baso na tila ba nag eexperimento ito.



"Parang alam ko na kung kanino nagmana ang batang yan." Natatawang komento niya.



"Maybe we should take those glasses away before they ---------- oh, no!"




Siya man ay halos manlaki ang mga mata ng makita niyang dinampot ng anak ang baso ng pinagsama samang inumin ni Alyssa at ininom yon. Huli na nang makarating sila sa mga bata. Naubos na ng kanyang anak ang inumin.




"Oh, my God! Dennise! Bakit mo ininom yon'?" Mabilis na itinapon niya ang laman ng mga baso na iba't ibang klase ng alak.


"Alyssa, why did you let her drink it?"




Hindi na niya hinintay ang sagot ng batang Alyssa. Mabilis na niyang dinala sa loob ng bahay ang kanyang anak at sinuri ito, ipinatawag narin niya ang iba pang kaibigang doctor na tamang tama namang nasa pagtitipong yon.





"There's nothing to worry about." Sabi ng doctor pagkatapos nitong i-examine si Dennise na nakahiga sa sofa at nagmamasid lang sa kanila. "Wala namang naging masamang epekto sa kanya ang ininom niya. I don't know how it happened but her digestive system had somehow manage to absorb the drinks without the slightest effect on her.





"Pero may alcohol contents pa rin ang ininom ng anak ko. Sigurado kayong wala talagang magiging epekto sa kalusugan niya yon?"




"Well, fortunately, hindi lahat ng pinaghalu-halo ni Alyssa ay alak." Sabi ni Pablita habang hawak hawak ang kamay ng anak nito. "Dinala ko siya sa refreshment area at ipinaturo kung anu-anong inumin doon ang kinuha niya. It turned out, may juice din siyang naihalo at iyon ang nagbalance sa alcohol level ng inumin. I'm sorry about this, Arlene. Hindi ko inakalang gagayahin ni Alyssa ang mga nakikita niyang ginagawa ko sa laboratory ko sa bahay."

Since isang chemist at doctor na ang nagconfirm na ligtas na ang kanyang anak, napanatag na rin siya. Lalo na at nakita niyang masiglang bumangon si Dennise at sinundan na naman si Alyssa na ngayon ay nalalakad lakad sa loob ng malawak na sala.




"O, kaya naman, matibay lang talaga ang sikmura ni Dennise ko." Naiiling na sabi nito.




"Pwede ring malakas ang tolerance ng bata sa alcohol." Dugtong ng doctor. "Congratulations Doctora Lazaro, rest assured na hinding hindi mapapahamak ang anak mo kapag nayaya siyang mag inuman sa kanyang paglaki.





"O, kaya naman, pagsamahin na lang natin lagi ang dalawa para mas masigurong hindi nga malalasing ang anak ko. I can see that Alyssa has some potential in the field of chemistry, Pabs."




"Nah. Pagkatapos ng nangyari ngayon, I will make sure hinding hindi na makakakita pa ng kahit anong chemical si Alyssa. Baka mamaya kasi, sarili na niya ang mapahamak."





***

Cheers! 💙💪

Best friends or Not? (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon