Chapter 6

2.9K 80 4
                                    

*Dennise's



Mahapdi at masakit ang mga mata ko pero pinilit ko paring pumasok para walang masabi si Ly.





Tutal, isang dark sunglasses lang naman ang katapat ng mga namumugtong mata ko. Alam kong out of place ako sa outfit na all black mula ulo hanggang paa, but masisisi ba nila ako? I am in pain at nagluluksa ako. Naging center of the eye na nga ako pagpasok pa lang kanina sa entrance pati pa rin ba naman dito sa conference room kung saan ongoing ang board meeting ng AV Construction and Developments. Ugh. Nasan ang hustisya. Naupo na lang ako dito sa tabi ni Aly na siyang tanging hindi lumingon. The meeting continued.




"Maganda at smooth ang construction ng mga bahay sa dinedevelop na subdvision sa AVCD sa tagaytay." Pagpapatuloy ng naabutan ko kanina na nagsasalita. "It was the right decision na hindi pinakialaman ang natural langscapes ng lugar. Bukod kasi sa naging maayos ang pagtanggap ng mga residente sa mga karatig lugar sa constructions, na-pacify na rin ng mga environmentalist na mahigpit na kumukondena sa atin noong una---------"






*napatigil ito at napatingin sa direksyon niya. Ganoon din ang iba pang naroon. Naririnig na pala ng mga ito ang mga impit na paghikbi niya. Patuloy naman si Alyssa sa hindi pagpansin sa kanya kaya lalong sumama ang pakiramdam niya.





Bakit ayaw niya akong pansinin? Hindi ba nito nakikitang nahihirapan ako? Na umiiyak na ako? Hindi ba kapag bestfriend mo lalambot kapag nakikitang umiiyak ang kaibigan niya? I hate you, Ly. Tuloy napalakas ang pagsinghot singhot ko dito.





"Continue with the meeting." Tumayo na si Aly. Pagkatapos saka ito tahimik na lumabas ng conference room. Sumunod ako agad at hinabol ito habang nalalakad sa deserted hallway.




















*Ayssa's


"Wala ka manlang bang sasabihin?" Pasinghot singhot pa ito at patuloy ang pagdampi ng tissue paper sa ilong at mata.



"About what?"


"Come on, Ly. I know you want to say something." Bigla akong napahinto. At dahil kasunod ko lang siya sumalpok tuloy siya sa likod ko. "Aray! Ano ba?"




Patay! I just kept on looking at her before giving out a frustrated sigh. "Nagbreak na kayo ng pulpol na boyfriend mo?"




Sapul! Nasapul ko ang centro ng paghihinagpis niya nitong mga nagdaang araw. How can I comfort her kung pati ako nasasaktan pag nakikita ko siyang umiiyak. Napahagulgol na siya.




"Break na kami ni Luis at kasalanan mo yun!" Ako pa ang may kasalanan?



"Bakit? Dahil hinulaan kitang magbebreak kayo sa loob lang ng dalawang linggo?"



"Ewan! Basta kasalanan mo!" Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dito. "I was doing fine. We were doing fine. Everything was fine with our relationship. Pero nagbago ang lahat nang maalala ko ang sinabi mong hindi magtatagal ang relasyon namin. At laging yun ang parang sirang plakang paulit ulit na nagpe-play sa isip ko sa tuwing magkasama kami. Hanggang sa hindi ko na matiis at nakipag-break ako sa kanya."



"Ikaw naman pala ang nakipag-break, edi kasalanan mo."



"Ikaw! Kasalanan mo! Kung hindi mo sana sinabi yun, kami pa hanggang ngayon!"



"Ouch! Den stopt it!" Pinagpupukpok pukpok lang naman niya ang likod ko gamit ang kamao niya. "Nakakarami kana ah. Ang sakit kaya!"



Best friends or Not? (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon