Chapter 7

3K 72 0
                                    

It's been a week since I and Luis broke up. But still, nagpatuloy ako sa pagtatrabaho as Aly's secretary. Dahil na rin sa hindi pa pwedeng pumasok si Myla, sabi kasi ng doctor niya kailangan pa niya ng isang linggong pahinga before mag work ulit.






*And so, Alyssa is stuck with her bestfriend and she's liking every minute of it. Mas napapalapit sila sa isa't isa dahil kahit sa oras ng trabaho nakakapag usap sila. Or rather, Den is makulit kaya lagi niya itong naiistorbo para lang pag usapan ang mga bagay bagay sa paligid kapag nabo-bore na siya sa kanyang ginagawa.





The best part? Ly didn't mind it at all. Katulad ngayon, magkasama kami na naggo-grocery.






"Buti hindi mo pa ako sinesesante kahit isang linggo na kaming break ni Luis." Sabi ko rito "Thanks, Ly."






"No problem. When you feel like firing yourself, just go ahead."





Tinawanan ko lang ito. "You're so cute. Which makes me wonder why you still haven't gotten yourself a girlfriend."




"I'm dating."




"Hindi naman yun ang tanong ko. So, bakit nga ba, ha? Ang tagal na nating magkaibigan pero ni minsan wala ka man lang naipapakilala sa akin na girlfriend mo."





"Hindi ko naisip na obligasyon kong magpakilala ng girlfriend sa'yo"





"So, you did have one."




"Nope."




"Ang labo mo talagang kausap kahit kailan." Tiningnan kp siya mula ulo hanggang paa. Well, she's so damn hot. "Hindi ka naman mukhang gusgusin."





"Thank you."





Ugh. Napabuntong hininga na lang ako. "Hindi mo talaga ako bibigyan ng special access sa lovelife mo, no? Ang daya mo, samantalang ako, kahit kaliit liitang detalye ng buhay pag-ibig ko, sinasabi ko sa'yo."




"Oo, naririndi na nga ako."







"Kaya nga para hindi ka na marindi, ikaw naman ang magkwento. Promise, hinding hindi kita pagtatawanan sa mga escapades at kapalpakan mo sa mga naging relasyon mo."





"I'd rather keep it to myself."





"You should share it with me. Malay mo, marami pa pala akong maibigay na tips and pieces of advice sa iyo para mas maging productive ang lovelife mo.?"






"If I want tips and pieces of advice on relationships, I surely wouldn't want to get them from you." Ouch. Di wag. Nabad vibes tuloy ako.









*Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Tatalikuran na sana niya ito nang pigilan siya nito sa braso. But she kept her eyes on the products in front of her. Nais niyang lantarang ipaalam dito na hindi maganda ang sinabi nito. At mukhang agad na nakuha nito ang naging reaksyon niya.







"Saan ka pupunta?"



"Magpapakamatay."



She chuckled. "I'm sorry that was uncalled for."





Nakuha niya pang tumawa. Ugh. "Sige pagtawanan mo pa ako, Ly. Balang araw, makakarma ka rin. Mabibigo ka rin at malalaman mong hindi mo dapat pinagtatawanan ang mga nararamdaman ko." Nakakainis talaga!





Best friends or Not? (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon