Chapter 18

2.6K 68 4
                                    

Sa kalapit na mall kami nakarating ni Aly sa paghahanap ng makakainan. Ito lang kasi ang pinakapraktikal na puntahan pag nagugutom ang isang tao. Maraming tao ang namamasyal at nagsa shopping. It's quite unusual since school days naman at dapat konti lang ang mga tao. Napansin ko ang mga decoration sa bawat sulok ng mall.




"Ly, valentine's day pala ngayon. Kaya pala ang daming tao."





"Hindi. Three day sale lang yan."



"Hindi. Valentine's day --------- aray!" Sa dami ng tao hindi na maiwasan pang masagi ako. Pero ang mas hindi ko inaasahan e ang hilain ni Aly ang kwelyo ng lalakeng nakabangga sa akin.




"Hindi mo ba nakitang may nasaktan ka?" Tanong nito sa binata. "Mag sorry ka."




"Kanino?"



"Sa girlfriend ko." Iniharap nito sa akin ang binata. Lagot na. "Mag sorry ka kung hindi ihahagis kita sa escalator."




Tumingin sa akin anng bata. "Sorry Miss. Pero pwede bang pakisabi sa girlfriend mo na bitiwan na niya ako? Nasisira na ang japorms ko eh. Dyahe sa kasama ko."




Sa kabila ng pagkagulat ko sa sinabi ni Alyssa na girlfriend niya daw ako, hindi ko parin mapalagpas ang magaspang na ugali ng binatilyo. "Nagso-sorry ka ba o nakikiusap na bitiwan ka ng... girlfriend ko?"





Sa wakas tila tinablan din ng hiya ang bata. "Sige. Sorry na po. Nagsisisi na ako mga miss."




Binitawan na siya ni Aly. Inayos ng bata ang kwelyo ng polo nito. Pero bago umalis may ibinulong pa ito. "Bagay nga kayo, pareho kayong praning."





"May sinasabi ka?" Taas kilay kong tanong. "Baka gusto mong makatikim ng uppercut ng girlfriend ko at matinding flying kick ko.."





"Umalis ka na nga." Pagtataboy ni Aly dito. "Bago pa kita maupakan dyan."




Nagkumahog na umalis ang bata. "Hindi kaya ipakulong tayo non?" Tanong ko kay Aly. "Mukhang magkakaron na yon ng permanenteng psychological damage dahil sa ginawa natin."





"Okay lang yon. Buti nga yon ng matuto siya." Hinawakan na niya ako sa kamay at hinila palayo. "May kasalan yata ron."





Isang eat all you can diner ang nakita kong itinuturo niya kung saan kasalukuyang may nagaganap na isang formal wedding reception. Nawalan na ako ng pakialam sa sinasabi niya dahil naka focus ang atensiyon ko sa magkahawak na kamay namin. I felt so secure even with that simple gesture. Tila unti unting natutunaw ang inis na naramdaman ko rito nong nagdaang araw.





"Let's go."





Biglang bumalik ang lumilipad na utak ko at pinigilan to sa pagpasok sa diner. "Anong gagawin natin dyan.?"




"Makikikain."



"What? Are you serious?"



"Kanina pa tayo nagtitrip. Ituloy tuloy na natin."




"Are you insane? Pano pag nahuli tayo?"




"We'll just tell them we got lost and entered the wrong reception area."




Pasimpleng dinampot nito ang isa sa mga regalong nakalagay sa isang table na malapit sa entrance. Mukha namang walang nakapansin sa ginawa nito. Dumiretsu kami sa buffet table. Halatang balak lang talagang mag trip nito dahil tinikman lang niya ang mga putaheng nakalatag.






Best friends or Not? (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon