Simula
"Remember, whatever happens, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Narito ka lagi sa puso ko at kahit kailan ay hindi ka mapapalitan..."
Tumango-tango ako habang umiiyak. Hawak niya ang magkabilang pisngi ko habang naliligo kaming dalawa sa sarili naming dugo. May tama kaming dalawa ng baril sa braso ngunit hindi ko na maramdaman ang sakit, mas nanaig ang kagustuhan kong maligtas kaming dalawa. Hindi ko alam kung paano napunta sa ganitong sitwasyon ang kalagayan namin. Bigla nalang may mga lalaking humabol sa amin at walang tigil na nagpapaputok ng baril.
Ilang malulutong na mura ang narinig ko mula sa kanya, bago naglabas ng baril na hindi ko alam kung saan niya hinugot. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko habang nakikipagpalitan ng putok ng baril sa mga humahabol sa amin.
Sumakay kami ni Dominic sa sasakyan. Malulutong ang mura niya at seryoso na ang itsura habang palingon lingon sa rearview mirror upang tignan kung nakakasunod ba ang mga humahabol sa amin. Nilabas niya ang ulo niya sa bintana para barilin ang iilang lalaki na nakalabas din habang pinapaulanan kami ng bala.
"Damn it!" Mura niya nang barilin nila ang gulong ng sinasakyan naming sasakyan. Pumasok siya muli sa loob atsaka ako nilingon. "Are you okay?"
Tumango ako sa tanong niya. Hinawakan niya ang kamay kong nanginginig sa takot. Ngumiti pa rin siya sa akin kahit na nasa peligro na ang buhay namin. Na parang sinasabi niyang magiging okay rin ang lahat. Makakaligtas din kami.
Nagpalit kami ng pwesto. Siya na ngayon ang nasa shot-gun seat, habang ako ang nagmamaneho. Nilabas niyang muli ang kalahati ng katawan niya sa bintana. Dahil sa panginginig ng kamay ko at sa pagkabutas ng gulong namin ay hindi ko na nakontrol ang manibela.
Ang ngiting binigay niya sa akin kanina ay hindi nabago ang tadhana. Lumiko-liko ang sasakyang sinasakyan namin na halos hindi ko na maimulat ang mata sa takot hanggang sa maramdaman ko ang lakas ng pagkakabangga niyon sa malaking puno.
Bigla akong napabangon sa pagkakahiga at habol ang hininga. Napapaliguan ako ng pawis sa buong katawan habang may luhang tumutulo sa aking mata.
That nightmare...
Hanggang kailan ba ako susundan ng bangungot na iyon? Kailan kaya ako makakabangon sa pagkakalunod kong ito at pakiramdam ko, sa oras na hindi ako makabangon ay mamamatay ako.
"Are you really sure about this, Flame? Look, hindi mo naman kailangang gawin ito..."
Buo na ang pasya ko. Kahit na anong sabihin nila ay hindi na magbabago ang isip ko. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at patuloy pa rin sa paglalagay ng mga gamit sa maleta ko. Punong puno ng galit ang puso ko at hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakukuha ang hustisya na nararapat sa akin at hindi na ako papayag na may iba pang tao ang makaranas ng naranasan ko.
"Mapapahamak ka, Flame! Hindi basta-basta ang gusto mo," pigil pa niya tsaka hinawakan ang braso ko para matigil sa pag-aayos ng gamit.
"Mind your own fucking business! Gagawin ko ang kahit na anong gusto kong gawin," mahinahon pero madiin na sabi ko.
Dyan naman sila magaling, e. Sa puro salita! Hindi nila alam kung gaano kasakit ang mawalan ng asawa ng dahil sa mga pesteng tao na walang awang ginawa ang lahat para lang masigurado na hindi hihinga ng malaya ang asawa ko.
Dalawang taon na ang nakakalipas ngunit ang sakit ay parang kahapon lamang. Nalaglag ang magiging baby namin dahil sa stress ko noong nawala siya. Kaya ngayon, hangga't buhay ako, sisiguraduhin kong makakaganti ako sa kanila.
"Hindi ka ba nadala sa trabahong iyan ni Dominic noon? Hindi ba't napahamak lamang kayo?"
At dahil doon, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sinamaan ko siya ng tingin at sa mga oras na ito, kayang kaya ko siyang patayin kahit na kaibigan ko pa siya. Anong karapatan niyang pigilan ako while in the first place, wala siya sa posisyon ko?
BINABASA MO ANG
Ride or Die: Flame x Dark
ActionIn the 21st century, an epic catastrophe caused a complete change in the Valdell City. In addition to this massive change, a foundation known as the Efelistheria formed a group of skilled people which brings four boys and four girls together from di...