Kabanata 5

1.1K 86 113
                                    

Kabanata 5

"Ayun naman pala, e," he chuckled with no humor, "Ano pang problema natin dito?" Kunot noong tanong niya sa akin atsaka bumuga ng usok.

Nanatili akong nakatingin sa kanya. Hindi ako makapaniwala na naiiyak ako ngayon dahil sa inaasta niya. Hindi ko kailanman naisip na magiging ganito sa akin si Dominic, pero ngayong nakikita ko siya sa katauhan ni Dark na ganito sa akin, pakiramdam ko ay siya si Dominic kaya mas lalong nadudurog ang puso ko.

"Gamutin mo iyang labi mo," seryoso niyang sabi habang matalim na nakatitig sa labi ko.

Hindi ko na maramdaman ang hapdi noon dahil mas nangingibabaw ang paninikip ng dibdib ko. Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya.

"P-pero bakit mo ako tinulungan?" Wala na akong pakielam. Ang gusto ko nalang ngayon ay sabihin ng bunganga niya ang sinasabi ng isip niya.

"Sinagot ko na iyan kanina, hindi ba?" Humithit ulit siya sa sigarilyo at bumuga ng usok, "Wala ngang dahilan. Bakit ang big deal sa iyo?"

Hindi ako nagsalita. Kahit anong kasinungalingan ang sinasabi ng bibig niya ay hindi pa rin niya matatanggi sa akin ang naririnig kong sinasabi ng utak niya. Kinurot ko ang likod ng kamay ko habang tinitignan ang mata niya.

"You're lying..."

"Maybe so," tumaas ang isang kilay niya. "But it's none of your business..." pinitik niya ang sigarilyo at iniwan akong nakatayo roon.

Napaupo agad ako sa damuhan pagkatalikod niya. Tsaka ko lang napansin na hindi pala ako humihinga habang kausap siya kanina dahil hinahabol ko ang hininga ko ngayon na parang ilang milya ang tinakbo ko. Unti-unting bumalik sa akin ang isang alaala na si Dominic ang kasama ko.

"Hoy, Flame, parang walang nangyari, ah?" Inirapan ko si Dominic nang makitang inaabangan niya ako sa may gate.

Pinitik niya ang sigarilyo habang hawak sa isang kamay ang strap ng bag. Naamoy ko agad ang pinaghalong pabango at sigarilyo sa kanya na lalong nagpairita sa akin.

Bakit ba hindi nalang siya mawala sa mundo para wala na rin akong problema!

"Hindi mo ba natatandaan iyong 5 seconds natin?" Ngayon ay nasa gilid ko na siya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi siya pinansin. Kalmado lang ang mukha ko pero sa oras na mapuno ako ay sisiguraduhin kong bubulagta siya ngayon sa kinatatayuan niya.

Bakit ba kasi ako pumayag sa 5 seconds? Nahalikan tuloy niya ako. Ang masakit pa roon ay siya ang first kiss ko! Nadala lang naman ako ng alak kaya pumayag ako sa 5 seconds, walang malisya ng mga kaibigan namin.

"Flame, panagutan mo naman ako, oh..." he chuckled.

Ang pagiging mapaglaro niya sa lahat ng bagay ay ang pinakaayaw ko sa kanya. Hindi siya seryoso at walang balak magseryoso sa buhay. Alam iyan ng lahat kaya kapag pumayag kang maging girlfriend niya ay wala kang karapatang masaktan sa mga kabulastugan.

Kailan ba magiging seryoso ang isang ito at hindi puro laro ang nasa isip?

Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin siya. Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin dahil kunting pitik nalang ay sasabog na ako. Nag-init ang buong mukha ko kaya alam kong namumula na ako ngayon.

"Gusto ko lang malaman mo na, nagustuhan ko iyong halik-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang malakas na tumama ang kamao ko sa mukha niya. Nagulat siya at hindi agad nakabawi kaya susuntukin ko pa sana ulit siya ngunit mabilis niyang nahawakan ang kanang kamao ko. Tinaas ko naman ang kaliwa pero mabilis niya rin iyong nahawakan atsaka ka nilagay sa likod ko ang dalawang kamay.

Ride or Die: Flame x DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon