"Naranasan mo na bang magkagusto sa taong ni minsan hindi ka naging gusto? Naranasan mo na bang magmahal? Magmahal ng taong ni minsan hindi ka minahal...Oo! Oo! Umasa ako! Umasa akong merong ikaw at ako pero yung totoo? Ikaw lang at siya ang meron. Pero, pero, WALANG TAYO! yung mga oras na pinaparamdam mong merong tayo! Yung nagbibigay ka na motibong may pag-asang maging TAYO! Pero WALA! WALA! pinaasa mo lang ako! Halos araw-araw magkausap tayo at mabibigla nalang akong isang araw WALA! Nawala nalang na parang bula. Na sa kabila na mga pinapakita mong magagandang bagay binibigyan ko ng kahulugan! Yung pinaparamdam mong espesyal ako sayo pero sa huli? AKO LANG! ako lang pala yung umasa! Ako lang pala yung umasa sa WALA! nang dahil sayo nagawa kong maging TANGA nang dahil sayo hindi ako tumingin sa iba kasi ang alam ko? IKAW! ikaw lang ang gusto ko! Inakala kong IKAW!IKAW NA! Pero mukhang nagkamali ata ako sa pinili ko... nagkamali ata akong piliin ka! Lalo na't nung nalaman kong may MAHAL KANA! ang sakit lang hindi pala ako YUN! Umasa ako! Umasa ako na "AKO" ako yung taong gusto mo! Na ako yung taong mahal mo! Pero nagkamali AKO! Isang malaking pagkakamali ang piliin ka lalo na't iba ang pinili mo! Iba! Iba! At hindi ako yun! Pinilit kong manahimik nalang at magpanggap na masaya dahil alam kong masaya kana... sakanya... yung kapag kaharap kita nakangiti lang ako sayo pero yung puso ko! Yung PUSO kong unti unting pinipiga sa sobrang sakit!pero tiniis ko at tinanggap ko ang sakit dahil alam kong doon ka sasaya! Makita lang kitang masaya kahit hindi ako ang dahilan pipilitin kong maging masaya maipakita ko lang na masaya ako sa iyo este masaya ako SA INYO! ang tanging hiling ko lamang na maging masaya kayo, at hindi ka nya sasaktan at mas lalong hindi ka nya iiwanan hanggang dito nalang... MAHAL KITA AT PIPILITIN KONG MAGING MASAYA KAHIT NA MAY MAHAL KA NANG IBA.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poetry"Para sa mga taong, nagmamahal ng walang kapalit, umaasa kahit na wala ng pag-asa, piniling gustuhin ang isang taong ni minsan hindi magawang gustuhin ka, magpakatanga sa isang taong dika magawang ingatan, ipaglaban yung isang taong pagsuko mo nalan...