"Kaibigan"

208 8 0
                                    

Kaibigan... kaibigan? kaibigan! Oo! Oo yun lang! yun lang ako sa buhay mo kaibigan mo! kaibigan mo Lang ako! pasensya na, pasensya kana.. umasa kasi akong parehas tayo ng nararamdaman, pasensya kana at binibigyan ko ng kahulugan lahat ng mga magagandang bagay na ipinapakita mo! na umasa akong higit pa sa kaibigan ang nararamdaman mo,pero sa huli? ako! ako lang! ako lang pala ang umasa... mahigit ilang taon na rin tayong magkaibigan halos ssabay na tayong lumaki, sa paglipas ng panahon unti-unti na akong nahuhulig sayo... pinilit kong itago sayo dahil sa takot, takot na mawala ka, umiwas ka, at higit sa lahat magbago ang pakikitungo mo saken... hanggang isang araw, ipinakilala mo! ipinakilala mo yung taong nagpapatibok ng puso mo, ngumiti ako at nagpanggap na masaya ako.. alam mo yung feeling na masaya ka pero sa loob-loob parang... parang yung puso ko unti-unting pinipiga, pero hinayaan ko! nagpatuloy parin ako! nagpatuloy parin akong gustuhin ka kahit may iba kang gusto! mahalin ka kahit may mahal ka ng iba... yung pag nag-aawag kayo, pag hindi kayo nagkakaintindihan, saken ka tumatakbo, saken ka umiiyak, saken mo sinasabi lahat ng sakit na nararamdaman mo! pero!? pero paano naman ako? naisip mo rin ba kung saan ako tatakbo ngayong nasasaktan na ako? ngayong nasasaktan mo na ako! yung sinasabi mo palang kung gaano mo siya kamahal para akong tinatabon! sa sobrang sakit! magmula nang maging kayo, nasaksihan ko! nasaksihan ko kung gaano kang kasayang kasama siya, mga ngiti mong ang hirap ipinta sa sobrang saya mo! na kahit ako'y nasa malayo lang, pag ika'y nakangiti napapangiti rin ako, pero dumating rin yung araw, yung araw na para bang ginunaw ang mundo mo nang iniwan ka nya at sumama sya s iba, nasaksihan ko rin kung gaano kang naghirap at nagdusa ng dahil sakanya.. nanatili parin ako! nanatili parin ako sa tabi mo, hinayaan kung iiyak mo lang saakin ang lahat, yung sinabi mo kung gaano kasakit ang nararamdaman mo... pero doble saakin, sobrang sakit na makita kang nasasaktan nang dahil lang sakanya! na hindi ka naman binigyan ng halaga, na yung taong minsan ko naring pinangarap binasura lang ng iba... yung mga luha mong pinipilit kong punasan kahit na mahirap na, na minsang hiniling ko narin na sana, sana ako nalang siya, para hindi kana masaktan... pero hindi eh! hinding hindi ako magiging sya, yung kapag kasama kita siya lang ang bukambibig mo pero ngawa parin kitang intindihin.. minsang nakasalubong natin silang magkahawak ang mga kamay at masayang masayang naglalakad.. yung habang nakatingin ako sa iyong mga mata kitang-kita ang lungkot at sakit na iyong nadarama.. na para bang nagmamakaaawa kang ika'y balikan, yung ang sakit sakit na kahit pilitin ko mang pasayahin ka, siya parin! siya parin yung mahal mo yung gusto mo! yung para na akong tangang umaasa na sana! sana! ako na naman! ako na naman yung gustuhin mo! yung mahalin mo! na para bang nanlilimos na ako ng pagmamahal galing sayo! pasensya kana... pasensya na, tanga lang... Lumipas pa ang araw, Linggo, buwan at taon nakalimutan mo narin siya, at inamin mong nahuhulog kana saakin labis akong natuwa hindi dahil sa ako na kundi dahil s nalampasan mo narin ang pait at sakit ng kahapon.. ngunit dumating narin yung panahon.. yung panahong bumalik ulit sya! kung saan meron ng ikaw at ako na naging TAYO... bumalik ulit siya at nagmakaawang siya'y iyong balikan! at alam mo ba kung anong masakit dun!? inamin mong mahal mo pa sya at nagunaw ang mundo ko ng pinili mo siya! iniwan mo akong dinaramdam ang sakit! ngayon! alam ko na... alam ko na kung bakit mo ako pinili noon.. para lang pala mabawasan ang sakit na iyong nararamdaman! sobrang sakit naa parang panakip butas mulang ako! tagumpay ka! nagtagumpay ka ulit! napaniwala mo ulit ako... yung panahong ikaw yung nagkakaganito ang swerte mo! ang swerte mo at andun ako.. nandun ako para tulungan kang limutin sya... limutin ang sakit na nararamdaman mo.. habang ako pinipilit na limutin ka ng mag-isa, buti kapa! ako yung nasasandalan mo noon, naiiyakan mo noon, napagsasabihan mo ng lahat ng iyong nararamdaman, habang ako pader ang nasasandalan, unan ang iniiyakan, at hangin ang napaglalabasan ko ng sakit na aking nararamdaman! ang sakit lang na sobrang pagmamahal ko wala ng natira! wala ng natira para mahalin pa ang sarili ko... yung ako yung sobrang nagmahal ako rin pala yung sobrang masasaktan... palilipasin ko nalang ang panahon... baka sakaling makalimutan rin kita, na baka unti-unti ring mawala itong sakit na nararamdaman.. na iisipin ko nalang na isa kana lamang sa mga ala-ala ng nakaraan...



Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon