"ALA-ALA"

367 8 0
                                    

Mahal! Mahal! Mahal!naaalala mo pa ba? Na-aa-la-la mo pa ba!o nakalimutan mo na?o di kaya'y kinalimutan mo na... yung halik at haplos mong nananatiling na sa aking puso't isipan, mga luha kong pinapahid mo sa kadahilanang nasasaktan na AKO! nasasaktan! MO NA AKO! yung sabay tayong uuwi pagkatapos ng klase, sabay kakain, magkahawak ang mga kamay tuwing maglalakad! Yung halik at yakap mong pinapawi ang sakit na nararamdaman! Ngunit bakit? Bakit!? Bakit tila nagbago? Bakit tila nagbago ang ihip ng hangin diba dati sinabi mong "AKO LANG!" A-KO LANG! ako lang ba talaga?o ako lang yung tangang umaasa sa salitang AKO LANG!? Mahal? Kulang pa ba? Kulang pa ba ako! Sawa kana? Nagsawa ka na ba? Hindi kana ba masaya? Hindi na ba kita napapasaya?! Mahal! Hindi ko alam! Hindi ko alam kung bakit! Kung bakit ako ang nagkulang sa pagmamahal na IKAW ang may pagkukulang! Yung puso ko! Yung puso kong parang buong paminta na dinurog-durog ng paulit-ulit! Isang araw! Isang araw narinig kitang may ibang kausap! Sa araw ding yun ay tinanong kita! Tinanong kita! Mahal mukhang masayang masaya kang kausap sya!? Sino ba siya! Natatandaan mo pa ba ang sinabi mo saakin? KAIBIGAN! kaibigan mo lang siya diba? Kaibigan mo LANG siya! Sabi mo! Yung mga araw na lagi tayong magkasama lagi ring tumatawag iyang KAIBIGAN MO! pero! Pero! Hinayaan ko! Yung kapag may lakad tayo sasabihin mong busy ka... kasama mo ang mga barkada mo! Mahal hinayaan ko!Pero! Pero! Nung nakita ko kayong dalawa habang naglalakad ng magkahawak ang mga kamay.... Mahal! Mahal! Hinayaan ko yun! Hinayaan ko ang lahat nun! Mahal! Pero! Pero ang ikumpara ako sakanya! Para akong tangang tumatango-tango sayo! Sa kadahilanang! Mas masaya kana! SAKANYA?! pinilit ko! Pinakita kong kaya ko! Pinakita kong hindi ako nasasaktan! Pero sa totoo lang! Yung puso ko! Parang basag na salamin na ang hirap buuin.. yung tahimik kang humihikbi sa isang tabi at iniisip yung mga bagay o dahilan upang magawa mo akong iwan na para bang pagkain na pinagsawaan na... pero sana, sana pag magmahal ka ulit WAG AKO! Sana pag magmahal ka ulit mahalin ka niya sa higit pang pagmamahal na kaya kong ibigay, sana hindi ka niya sasaktan at iiwanan, hanggang dito nalang mahal, Malaya kana...

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon