"Pag-iibigan nating Dalawa"

161 6 1
                                    


Inspired by: I Love You Since 1892

O mahal kong Binibini,na kasing ganda ng sampaguita,ako'y lubusan mong nabighani sa taglay mong pambihira...


Ang iyong mga matang sing linaw ng lawa ng luha at kung kumislap ay para bang mga bituing kaygandang pagmasdan,Labi mong mapupula,na sing pula ng rosas,Mga ngiti mong hindi ko magawang limutin,Tinig mong para bang musika

Na kay sarap sa pandinig...

O binibining aking sinisinta,
Binibining nagawang bihagin ang puso ko at napamahal ako ng sobra...



Mahal kong binibini nais kong sabihing ang pagmamahal ko sa iyo'y mas lalong lumalalim,
Na sing lalim ng gitnang karagatang kayhirap languyin ngunit kakayanin...

Mahal kong Carmela,
Nais kong higpitan ang kapit sa iyong mga kamay upang tayo'y hindi maipaghiwalay...




Labi nating nakadikit habang tayo'y nakapikit,sa isang halik lamang napapawi lahat ng sakit,
Sa tamis ng iyong halik ako'y
naaakit...


Mahal kong Binibini,
Huwag mo na sanang bibitawan ang higpit ng aking kapit,
Dahil mas hindi ko kakayaning bumitaw ka saakin,kahit na alam kong ako'y iyong misyon,
At pag bumalik ka sa iyong panahon
Ako nalang ay isang ilusyon...


O aking mahal,Sa paglipas ng segundo,minuto,oras,araw,linggo
o magpahabang buhay,
ako'y maghihintay...
Dahil walang ibang babae pa ang sayo'y makakapantay....

Ako man ay uugod-ugod na,
Ako parin ay di mapapagod
lagi kitang aantayin,
Sa lugar kong saan nagsimula ang lahat...



Kung saan ang mga ala-alang binuo nating dalawa
Na mananatili habang buhay babaunin kahit na
Magpahanggang hukay...
Dahil walang katumbas ang mga ala-ala nating nabuo sa maikling panahong ika'y namalagi
Sa aming Panahon...


Ikaw parin ay aking mamahalin
kahit galing ka pa
Sa ibang Henerasyon,hinding-hindi makukulangan pa ang pagmamahal ko para sayo,
Labis parin kitang mamahalin kahit
Buhay ko ma'y kapalit...


O aking mahal nais ko sanang hilingin...
bumalik ka man sa iyong panahon
Huwag mo sana akong limutin,
Maraming salamat sa mga
ala-alang nabuo nating magkasama,Mga paghihirap na sabay nating hinarap,
Maraming tutol sa pagmamahalan nating dalawa,
wala paring makakatibag
sa ating dal'wa...


Mga Problemang sabay nating kinaharap...
Magkahawak kamay tayong sabay lumabang dalawa..
Ngunit kahit anong laban pa nating dalawa...
Tadhana na ang humadlang sa ating dalawa...

Maaaring ipinagtagpo tayong dalawa ngunit hindi tayo ang itinadhana,
Pero alin nga ba ang mas masakit?
yung Pinagtagpo tayo pero hindi itinadhana?o Itinadhana pero hindi tayo pinagtagpo...siguro nga...alin man sa dalawang yan ay parehong masakit...
Ngunit kailangan nalang nating tanggapin,na ipinagtagpo tayong dalawa ngunit hindi tayo ang nakalaan sa istorya nating dalawa...
Hinding-hindi kita lilimutin
Mi Amor....

~J.A

PS:nasulat ko po ito nung sariwa pa yung sakit na idinulot ng story na to!(T_T)skl hekhek..❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon