Paano bang magmahal? Paano ba? Paano ba! Magmula nang iniwan mo ako, nagmistulang bato tong puso ko! Naging manhid at walang pake sa nararamdaman ng iba! KATULAD MO! Katulad mong binabalewala ako nung panahong Mahal na mahal pa kita! NOON! NOON! noon yun hindi na ngayon... pasensiya kana at hindi na akoo umaasang maibabalik pa! Maibabalik pa ang kahapong nawala! Burado na! Burado na sa isipan ko yung mga ala-alang nagpapaalala kung gaano ako katanga noong tayo pa! NOONG TAYO PA! Ngayon, ngayong masaya kana sa bago mo mga ngiti mong hindi maiguhit sa sobrang saya mo! Mga ngiti mong hindi ko nasilayan nung akin ka pa! Ang sakit lang, ang sakit lang na iniwan mo akong hindi ko alam kung ano... kung ano ang dahilan kung bakit? Kung bakit at saan ako nagkulang at nagkamali. Ni hindi ko nga alam kung sumobra ba? O nagkulang yung pagmamahal na binibigay ko! Basta ang alam ko! Alam kong minahal kita na sa sobrang pagmamahal ko wala ng natira.. wala nang natira para mahalin pa ang sarili ko! Kaya nung iniwan mo ako hindi ko alam! Hindi ko alam kung saan ako pupunta? Saan ako iiyak? Kung ano ang gagawin ko! Basta ang alam ko ang huli mong sinabi ay pagod kana.. PAGOD KANA! ni hindi ko nga alam kong bakit! Kung bakit ikaw ang napagod eh wala ka namang ginawa! WALA KA NAMANG GINAWA! WALA! WALANG! WALA! Wag kang mag alala dahil hindi na kita hahabulin dahil sa pagkakaalam ko! Aso lang! Aso lang ng naghahabol! At wal na akong balak na balikan ka dahil kaya ko na, kaya ko ng ngumiti ng walang bahid ng pagsisisi! At kaya ko ng harapin ka ng taas noo habang nakangiti at sasabihin kong mas masaya na ako ngayong Wala kana...
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
Poetry"Para sa mga taong, nagmamahal ng walang kapalit, umaasa kahit na wala ng pag-asa, piniling gustuhin ang isang taong ni minsan hindi magawang gustuhin ka, magpakatanga sa isang taong dika magawang ingatan, ipaglaban yung isang taong pagsuko mo nalan...