SM 2: Searching...

9.1K 138 16
                                    

     Umagang-umaga ay napapakamot ng ulo si Casper habang tinitignan isa-isa ang mga basic profile ng iba't ibang babae. Nakaupo sa malaking circular carpet ng kanilang living room, nakapatong ang mga braso sa mini table na maraming papel kanan at isang tasang kape sa kaliwa. Halatang-halata na kakagising niya pa lang dahil gulong-gulo ang blonde na buhok at nakasuot pa ng pajama. "Hindi ba dapat humahanap tayo ng mga babaeng suitable for King? Why I feel like we're searching for someone specifically?"
   
    "I don'tttt know, baka may age preference lang si King," humihikab na saad ni Russ. Kaharap niya si Casper na katulad ring may mini table at papeles. Nakaporma na't fixed ang buhok at ready na sanang ipakita ang kaniyang charm, kung hindi lang siya bumagsak sa bahay nila Jasper para magtrabaho. "Hays, maha-haggard ako nito e. Sayang porma ko—ang guwapo ko pa naman."
   
    "Basta ang alam ko," seryosong ani Christopher na bisi sa pagtipa ng computer. Napatingin sa kaniya ang dalawa kaya napangisi saka buong kumpyansang sinabi na, "Ako ang pinakaguwapo sa inyong lahat." Napabuga sila ng hangin para iparating na wala itong katotohanan.
   
    Napabuntong-hininga at napa-iling na lang si Jasper na nakaupo sa mahabang couch habang tuloy-tuloy sa pagbubukud-bukod ng mga papeles na nasa rectangular glass center table at pag-inom ng kape. "Stop talking and sort out the papers, we're running out of time. King needs to get married, 3 months before his 28th birthday."
   
    "Jasper." Umupo sa kaniyang tabi si Christopher habang nagbubukas tsitsirya. "Sabihin mo nga, naghahanap ba tayo ng candidates o ng tao?"
   
    Natigil sa ginagawa at tinantiya ang tingin nito. "Yes."
   
    Napangiwi na lang ito sa naging sagot niya, kahit ang dalawa ay ganoon din. Sa isip nila ay wala talaga silang mapapala kay Jasper pagdating sa pagbubunyag ng katotohanan.
   
   

....

    

    Naglalakad si Jasper patungong opisina ni Seth, suot ang black t-shirt na pinatungan ng blazer at slim fit jeans na tinernuhan ng gray shoes. Napakatahimik, tanging mga yabag lamang niya ang maririnig marahil silid para sa mga meetings at opisina lamang ni Seth ang nasa top floor. Tatlong araw ang nakalipas magmula noong nagpahanap ng babaeng nagngangalang 'Lei' ang kanilang boss.

    Born at year 1975, black hair, dark brown-eyed and light brown to ivory skin color.
   

    Iyan ang paglalarawan ni Seth sa nais niyang mapangasawa. Marami-rami na rin ang naalis sa listahan dahil hindi tumugma sa ibinigay na criteria. Mabilis lang ang naging proseso dahil galing ng pagri-research at pangha-hack ni Christopher. Dala-dala niya ang clip file folder na naglalaman ng profile ng mga babaeng pumasa para ipakita kay Seth. At nang ito na ang mismong sumuri dahil kahit siya rin mismo ay walang ideya sa binabalak nito. Huminto na siya sa pinto ng CEO's Office at kumatok ng dalawang beses. "King."
   
    "Come in."
   
    Sumalubong sa kaniya ang maluwag at mapanglaw na opisina. Tatlong malalaking glass window na sumakop sa gitnang bahagi, mabuti na lamang ay nakababa ang window blinds kaya hindi nakakasilaw ang araw. Isang wooden table sa kanan at bookshelf sa kaliwa, saka circular glass center table at dalawang sofa chair sa may gitna na katapat ng office table.
   
    "From thousands to hundreds of women, who were born that year. We also includes married and single mother, as what you ordered," saad niya habang nilalakad patungo sa isang sofa. Inilagay ang folder saka naupo. Huminto sa ginagawang pagpirma si Seth—naka-suot ito na plain suit at patterned tie. Binuksan ang folder at mabilis na naglipat ng pahina.
   
    "King, tell me. You're not looking for a bride. You're looking for someone, right?" Napatigil ito at blangkong tinignan siya. "Yes."
   
    Natigilan siya at tinignan ito maigi para humanap ng sagot kung bakit kailangan ang tao pa iyon ang mapangasawa niya. "Many things can happen in 3 months. So I think she is the only woman I can live with on the same roof."
   
    "So your saying... you can't take other women but to her, you're going to do that?" Tumango lang ito. Wala sa sarili siyang napatayo saka inilagay ang isang kamay sa bulsa. "How come? What is special about her?"
   
    Kumunot ang noo nito sa kanyang reaksyon na para bang hindi nagustuhan ang sinabi niya. Dumepensa agad siya at umiling habang iwinagayway ang kanang kamay. "Sorry, it's just... It's new for me 'cause, I have never seen you interested in someone before."
   
    "That's because I had been very busy with work and fulfilling my plans. I set too many goals to the point I forgot to think about those things, so make the story short," ani nito habang nakapatong ang baba sa kaliwang palad at tumitingin sa kisame. "All my life she was the only one I liked." Ngumiti ito ng tipid bago bumalik sa dating gawi na mukhang mangangain ng tao kapag nagalit.
   
    Napanganga siya at hindi makapaniwala sa nakita. Ngumiti ito? Ilang taon niya ring hindi nakita ang ngiti nito. Bigla siyang natauhan nang may kumatok kaya napaupo ulit siya.
   
    "King!" Kilalang-kilala niya ang boses bata na iyon. Walang iba kung hindi ang kaniyang kakambal.
   
    "Come in." ani Seth na hindi man lang tinignan ang kumakatok dahil bisi sa pagbro-browse ng folder.
   
    Ang tahimik na opisina ay biglang umingay sa pagdating ng tatlong mahaharot na parrot.
   
    "Hay, buti naman," saad ni Casper—the nosy parrot. Naghanap ito ng upuan ang nang makita ay agad na tumakbo patungo sa huling upuan.
   
    "Yow King!" masiglang bati Christopher—the glutathione parrot. Sa puti nito ay mukha siyang supplier ng gluta. Napansin niyang papunta si Casper sa isang upuan kaya mabilis niya itong tinalunan. Napadaing sila sa impact. Ikinulong niya agad ang leeg nito gamit ang dalawang bisig at binti naman para sa hita. "Acck!"
   
    "Grabe ang init sa labas!" Reklamo ni Russ—the GGSS parrot. Hindi niya pinansin ang dalawa dahil dumeretso agad ito sa aircon. Napailing na lang si Jasper dahil sa kagaguhan ng dalawa saka tumayo para isara ang naiwang bukas na pinto.
   
    Mabilis na gumanti si Casper at sinabunutan ito gamit ang dalawang kamay. "Aray! Akala mo huh!"
   
    "Ahh!" Inalis nito ang isang kamay saka siya kiniliti sa tagiliran. Hindi niya mapigilang maglikot habang natatawa. Tinignan niya ito nang masama saka ngumisi. Parang bata siyang kumagat sa braso kaya napabitiw ito sa sakit. Nang makawala ay agad na tumayo at lumayo. Napangisi siya at naghanda nang makitang susugod uli ito ngunit, parehas silang natigilan nang makarinig ng pagkasa ng baril. Tumakbo agad sila sa tapat ng office table at umayos ng tayo. Nagsamaan sila ng tingin.
   
    "Ikaw kasi!" bulong ni Casper. Nag-bleh ito sa kaniya para inisin siya at epektib naman kaya tinapakan niya ang paa nito. Natawa siyang mahina nang nagpigil ito nang daing.
   
    "You two are so noisy, what brings you here?"
   
    "Gusto ka lang namin sanang isama sa MG."
   
    "Why?"
   
    "Umm..." Siniko ni Christopher ang katabi para siya na ang sumabi dahil tutal siya ang nakakaalam. "May na-receive kasi akong tip na yung isang top child na itini-train natin ay isinasali sa masked ground nang palihim para para pagkakitaan."
   
    Tumalim bigla ang tingin ni Seth sa dalawa habang salubong ang kilay. "What?"

Shotgun Marriage (1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon