SM 5: Extra

4.3K 98 0
                                    

        Nakaupo sa isang bench na nakasilong sa isang puno, malapit sa parke at apartment na tinutuluyan si Lei (Quin), napapakamot ng ulo habang tinitignan ang papel na natanggap kaninang paglabas niya ng kanilang apartment. Hindi niya ito ipinakita sa mga kaibigan dahil mamomorblema lamang ang mga ito kapag nalaman nila ang laman ng sulat. Batid niyang ang mga usurero o loan shark ang nagpadala ng sulat.
   
    Isang linggo na rin niyang pinag-iisipan kung papaano mababayad ang inutang ng namayapang ama. Dati itong negosyante at nalugi ang negosyo nito dahil sa labis na pagsusugal. Hindi maayos ang naging pagpapalaki sa kaniya magmula ng mamatay ang ina, lumipat sila ng bayan, naging tutok ito sa negosyo at pagsusugal. Naiintindihan niya naman iyon lalo na't alam niyang hindi niya ito kadugo. Namatay ito nung isang buwan dahil inatake sa puso at pagkalipas ng isang linggo ay may dumating para singilin siya ng napakalaki na hindi niya maisip kung saan kukuhain.
    
    Iyong nangyari kagabi... nagdadalawang isip siya, nais niyang pumayag para hindi na siya magipit sa utang ngunit, hindi pa siya handa para sa ganoong buhay. At ayaw niya naman na ikasal sa lalaking hindi kilala, baka kung ano pa ang gawin nito sa kaniya saka, binigyan niya ng konsiderasyon ang maaaring maging epekto nito sa mga kaibigan niya. Napahilamos tuloy siya ng mukha.

    "Ano 'yan?" Nabigla siya sa pagsulpot ni Herlyn (Mitnick). Itinago niya agad ang papel sa bulsa ng kaniyang suot na jogging pants. "Ah wala, haha. Napulot ko lang."
   
    Hinihingal na napatango si Herlyn, ang isa sa mga kaibigan niya at kasama rin sa apartment. Tumabi ito sa kanan saka hinarapan siya sabay hawak sa kanang kamay nang may malapad na ngiti. "Sishie may ichichika ako sa 'yo, I got a boyfriend!"
   
    "Totoo? Congratulations sishie!" Nawala bigla sa isip niya ang problema at napalitan ng tuwa sa narinig. "Uy, sino naman 'yang lucky guy?"
   
    "Tama ba yung narinig namin? May boyfriend kana?" tanong ng isang babaeng nagngangalang Maybelynn Alvarez habang naglalakad ito papalapit sa dalawa. Morena, nakapusod ang itim na buhok, nakasuot ng putbol jersey saka cleats at kasama ang isa pang babaeng gandang-ganda sa sarili na si Faika Davidson na tatangkad ng kaunti kay Maybelynn. Animo'y modelo ito dahil sa malamlam na berdeng mga mata at kutis porselanang kina-iinggitan ng karamihan. Naka-bob haircut ang itim na buhok, nakasuot ito ng puting putbol jersey rin. Umupo ito sa tabi ni Herlyn at kay Lei naman si Maybelynn.

    "Nako sishie, make sure na hindi ka lolokohin niyan, like what that freak did to you before. Nakakawala kasi 'yan ng beauty!" sabi ni Faika.
   
    "This time, I'll beat them hard," saad ni Zul (Mia) na pawisan habang naglalakad palapit at hawak ang isang bolang pang putbol. Pagkarating ay napabuntong-hininga siya nang makitang wala ng puwesto para sa kaniya.
   
    "Sishie, huwag naman," nakangusong kontra ni Herlyn. Napataas tuloy siya ng kilay at binitiwan ang bola saka nagkrus ng mga braso. "Don't defend them. We both kno—"
   
    "Guys? Maglaro na tayo, last game na, kasi aalis si Lei mamaya para sa trabaho niya," sabad ni Maybelynn (Ace) dahil mukhang sesermunan na naman niya si Herlyn. Nagiging tanga kasi ito kapag umibig na, at ilang beses na iyong nangyari na niloko ito kaya iniiwasan na nilang mapunta ito sa maling tao ngunit nakakapuslit pa rin ito kaya sinusuportahan na lang sa kung anong ikaliligaya ng kaibigan at mangingialam kapag kinakailangan.
   
    "Oo nga, tara na!" Agad na kinuha ni Herlyn ang bola at nahihiyang ngitian si Zul kaya napabuntong-hininga ito.
   
    2 vs. 3 ang labanan, duo sina Zul at Maybelynn. Trio naman sina Lei, Faika at Herlyn. Walang goal keeper, kung sino ang unang maka-goal sa magkabilang dulong basurahan ay sila ang panalo. Kadalasan, dito nila napapagplanuhan kung sino ang magbabayad ng renta, kuryente, tubig at groseri pero kadalasan hati-hati sila.
   
    Ang bola ay kanila Maybelynn. Sinipa niya ito papunta kay Zul saka tumakbo at nag-dribble naman ito. Ibinaba ng tatlo ng kaunti ang katawan para maghanda sa paparating na kalaban.
   
    "Sishie, I'm curious. Anong pinagusapan n'yo ni Mr. King kagabi?" Napatigil silang lahat at tinignan si Lei na hindi maipinta ang mukha habang nagkakamot ng ulo.
   
    "Yeah, I'm curious too. Hindi ka namin makausap ng maayos kagabi, ang layo lagi ng mga sagot mo," sabi ni Maybelynn habang papalapit kay Lei, kasama na rin ang iba na gustong makiusosyo.
   
    "Umm... Inalok niya ako."
   
    "Ng?" Sabay-sabay nilang tanong ng may halong gulat at pagtataka, maliban kay Zul na seryoso lang nakikinig habang nakahalukipkip ang mga braso.
   
    "Kasal." Napanguso na lang si Lei at matamang tinignan ang mga kasama.
   
    "What?"
   
    "Oh my, really?"
   
    "All of people, why you?" tanong ni Zul at nagkibit balikat lang siya. "Tinanong ko rin 'yan sa kaniya e, ang kaso iba sinasagot niya."
   
    "Anong sinagot mo sa kaniya?"
   
    "Syempre hindi, hindi ko naman siya mahal o boyfriend para pumayag," inosenteng sagot niya.
   
    Napa-ahh at napatango na lang sila pero hindi pa rin nawawala ang pagtataka sa mukha nila.
   
    "Anong hitsura niya? Scary ba?"
   
    "Hindi naman pero ang ganda ng mga mata niya, color blue!" Nagningning ang mga mata niya nang maalala ulit iyon.
   
    Samantala sina Zul at Maybelynn ay nagbubulungan habang nakatingin sa kay Lei na binabato ng kung ano-anong tanong ng dalawa.
   
    "It'll be dangerous if she become his wife," saad ni Zul. Napabuntong-hininga ang katabi habang ang isang hintuturo ay nasa sentido at nakapatong ang siko sa nakakuyom na kamao. "She'll just cause trouble, at sa pagkakakilala ko kay Mr. King ay hindi 'yon lumalapit sa kahit sinong babae, maliban na lang kung business matter."
   
    "Unpredictable ang ugali ni Lei at may pagka-isip bata, pa-minsan-minsan. So paano niya i-hahandle 'yon kung wala siyang karanasan?" ani ni Maybelynn saka napahimas ng mukha. "Hay... Buti na lang at hindi siya pinilit, kung hindi..."
   
    "Yeah, that's a relief." Tumatango-tango lang si Zul.


....
   
   
   

    "Cut!" nagtitimping sabi ng direktor habang hawak ang isang horn speaker at nakaupo sa film director chair. Kanina pa sila pa-ulit-ulit sa eksena dahil sa kamalian ng baguhang aktres, kung hindi lamang ito may koneksyon ay kanina pa niya pinalitan ito ng ibang mas magaling dito.
   
    Samantala ay nakaupo si Lei sa monoblock malapit sa kaininan na nasa kaliwang bahagi, daan ang gitna at palengke naman sa kanan. Napapabusangot na lang siya dahil napapagod na sa kakatakbo at masakit na rin ang lalamunan niya dahil sa pagsigaw ng 'Tulong! Magnanakaw!'. Tirik na tirik ang araw kaya hindi puwedeng hindi siya pagpawisan kaya ginawa niyang pamaypay ang papel na naglalaman ng iskrip niya habang pinapanuod ang pagsesermon ng direktor sa aktres, mukhang wala itong pakialam dahil nagpapaikot lamang ito ng mata habang nakakrus ang mga braso. Nasa tabi nito yung mga alalay na pinapaypayan at pinupunasan ang pawis nito.
   
    Ang eksena ay hahabulin niya ang magnanakaw ng bag niya habang sumisigaw ng tulong, tapos biglang papasok ang bidang aktres na pulis para harangin ang lalaki saka nito sisipain ang dibdib at papadapain para maposasan.
   
    "Oh, inom ka muna," sambit ng lalaking stunt man at magnanakaw sa eksena. Nagdadala ito ng monoblock at inilapag sa tabi niya saka umupo roon. Nilingon niya ito at nginitian saka kinuha ang basong may tubig. "Thank you po."
   
    "Saan ba nila galing ang babaeng 'yon? Hindi matatapos ang pelikula kung patuloy siya sa pagganiyan. Kung hindi niya kaya, dapat umupa na lang sila ng ka-double niya," dismayadong sambit nito habang pinapanuod ang pagtawag ng direktor gamit ang telepono nitong 232. Napakamot na lang siya ng ulo saka ngumuso. "Oo nga po e, nasasayang lang oras at pagod ng mga tao."
   
    Natapos ang tawag ng direktor sa kabilang linya, ngumiti ito at nilingon ang aktres. Mukhang may sinabi itong hindi maganda kaya umalis itong galit. Nagkatinginan tuloy silang dalawa. Nagkibit balikat lang siya.
   
    "Everyone! Gather here!" pagtawag ng direktor sa lahat ng tauhan ng produksyon pati silang ekstra ay kasama.
   
    "Okay, as you can see... We can't work with Ms. Reyes again. I asked them to change her and they switch her to Ms. Locsin." Natuwa ang lahat sa narinig dahil sa wakas ay hindi na nila kailangang pagpasensyahan ang taong ayaw magtrabaho ng maayos.
   
    "But, she can't go today. She'll arrive in three days. Luckily, we haven't shoot much with Ms. Reyes. We can still pull this off."
   
    Napatango at napangiti siya sa narinig, mukhang makakauwi na siya ng maaga. "We need a dummy who will act to the scene, anyone who see a perfect dummy of Ms. Locsin?"
   
    Nagkatinginan ang lahat sa paligid pati siya ay nakilingon kahit hindi naman niya kilala ang hinahanapan ng kopya. Natigilan siya nang siniko siya ng mahina ng mamang katabi. Napatingin siya rito. "Bakit po?"
   
    "Kasing katawan at buhok mo si Ms. Locsin, ikaw na ang pumalit muna."
   
   "Ha? Haha, kuya naman. Bakit ako?" gulat niyang saad habang ang isang kamay ay nasa dibdib.
   
    "Magaling ka pagdating sa pakikipaglaban kaya madali lang sa 'yo ang eksenang 'yon," ngumiti saka kumindat ito bago nagtaas ng kamay. "Direk! Puwede itong batang 'to!"
   
    "K-kuya!" Pinanlakihan niya ito ng mata. Tinapik lamang siya nito sa ulo. "Kaya mo 'yan, mahirap kumita ng pera. Mas mataas bayad nito kaysa sa ekstra."
   
    "Talaga kuya?" nagningning bigla ang kaniyang mga mata.
   
    "Where?" Napalingon siya sa pagtawag ng direktor. Nilingon niya ulit ang mama, tumango lamang ito saka itinulak siya nang mahina. Ngitian muna niya ito. "Thank you po."
   
    Pumunta siya sa harapan para makita ng direktor. Agad naman siyang tinignan mula ulo hanggang paa. "Perfect."
   
   
   
    Ilang oras na ang nakalilipas at natapos na ang eksena niya. Tinanong niya sa mama kung papaano nito na nalaman na magaling siya sa pakikipaglaban, nagulat siya sa naging sagot nito. Tagahanga niya pala ito, nakilala siya nito sa boses at tindig.
   
    "Heto po." Abot niya ng bayad sa biniling tinapay, habang naglalakad sa hindi gaanong mataong daan ay nilalantak niya ito. Kanina pa siya gutom, tanging tubig lang ang nagpapalaman ng kaniyang tiyan. Napatingin siya sa itaas, napagtanto niyang gabi na pala. Hindi niya nahalata dahil masyado siyang natuwa sa pagaarte.
   
    "Nandito ka lang pala, pinahirapan mo pa kami." Napatigil at kunot noo siyang napatingin sa isang madilim na eskinita. Tinignan niya ang mga paang papalapit saka itinaas ang paningin.
   
    "T-teka!" Akma niyang ibabato ang tinapay pero nagdalawang isip siya kasi sayang iyon kaya ang naibato niya ay yung bag na dala-dala, patungo sa mukha nito saka kumaripas ng takbo.
   
    "Ay!" Nagulat siya nang may umabang sa kaniyang harapan, sisipain sana niya ang nasa harapan ngunit naunahan siya ng hampas sa likod kaya agad siyang napaluhod sa sahig.
   
    "Tsk..." Pilit niyang nilabanan ang hilo pero sa pagkakataong iyon ay sa ulo na siya hinampas.

Shotgun Marriage (1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon