SM 3: Semi-finals

6K 107 10
                                    

    Masked Ground—isang pinakasikat na underground fighting sa bansa at pinapatakbo ito ng pamilyang King. Dito, kahit sino ay maaaring sumali, mayroon o walang karanasan. Basta kung gusto mong kumita o maglabas ng sama ng loob, puwedeng-puwede sumali.
    
    Isang rule lang ang mayroon na dapat sundin ng mga kalahok—puwedeng magdala ng armas ngunit bawal ang pumatay. Kung makakapatay man ay mapapatawan ito ng mabigat na parusa.
   
    Sa kampeonato lamang maaaring pumatay ngunit bawal ang kahit anong uri ng armas—tanging buong katawan lamang ang maaaring gamitin.

   
    "Any lead who benefits the child's winnings?" tanong ni Seth kay Jasper nang masilayan na ang abandonadong gusali na may limang palapag. Magkatabi sila sa backseat, sakay ng isang armored black Camry na ipinagawa noong tumungtong siya ng dalawampu.
   
    "There is an unknown person who always bet a large amount when the kid is fighting." Dumaan sila sa isang lihim na daan papuntang ilalim, pagkapasok ay sumalubong ang ilang mamahaling sasakyan ng mga VIP ng MG. Huminto na ang sasakyan at agad siyang pinagbuksan ng pinto ng driver pero hindi agad lumabas, inalis muna niya ang tie at iniabot sa katabi, tinanggap nito ang binigay habang nagsasalita, "We also search its betting records."
   
     "It only bet to the kid." Lumabas na sila at sumunod agad ito sa kaniyang likod. "And it started last year."
   
    Natigilan siya sa paglakad at lalong naging naningkit ang kaniyang mga mata. Ilang segundo ang lumipas bago ulit siya naglakad. "I see."
   
    "Good evening, Mr. King," bati ng bantay habang nakayuko. Hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy lang sa pagpasok. Isang hindi gaanong masikip na lagusan ang dinaanan bago marating ang malaking pasilyo na pumapaikot sa buong lugar. Mukha itong sinehan dahil sa carpeted floor at iilang mga sofa chair na para lang sa mga VIP. Animo'y isang malaking telebisyon ang pader dahil gawa ito pinagdikit-dikit na malalaking salamin. Kung dudungaw rito ay makikita ang kabuuan ng MG dahil nasa ikatlong palapag ito. Sa unang palapag ay naroon ang mga kuwarto ng kalahok na at sa gitna ay ang walonsulok na hawla na may dalawang maliit na tunel kung saan nakakapasok at nakalabas ang mga kalahok matapos lumaban. Sa ikalawa naman ay para sa mga ordinaryong sugarol at naroon na rin ang limang kuwarto ng mga bet collector.
   
    Lahat ay napalingon sa pagdating niya at halos doon ay tumayo para yumuko. Kada nadaraanan niya ay bumabalik sa ginagawang panunuod. Wala siyang sinulyapan kahit isa—diretso lang ang tingin. Nasa pinakagitna ang kaniyang upuan, magandang puwesto para manuod. Ang upuan niya ang natatanging magarbo at walang kahit sino ang maaaring umupo kundi siya.
   
    "King," bati ng tatlo na mukhang mas matino na kumpara kaninang hapon.
   
    "Have you trace that gambler?" tanong niya nang makaupo na. Sumandal at ipinatong ang right ankle sa tuhod habang ang kaliwang siko ay nasa armrest.
   
    "Blackjacks versus!" Lumabas sa kanang parte ang anim na babaeng magkakaiba ang kulay ng buhok at maraming hikaw sa mukha. Nag-ingayan ang mga tao habang binabanggit ang mga pangalan ng miyembro.
   
    "Not yet, because different people are coming to claim the money in the same name," mahinang paliwanag ni Jasper malapit sa kaniyang tainga.
   
    "After this match, he's next right?" Tumango lang ito. "After his match, bring me the kid and the claimer."
   
    "I will." Yumuko ng kaunti saka tumayo ng diretso.
   
    "No other than the Nightmares!" Lalong umingay ang mga tao nang isa-isang lumabas sa kaliwang bahagi ang mga miyembro ng Nightmares na parang dadalo sa isang libing, sa gilid ng kaniyang mga mata ay napansin niyang tumayo ang iilang negosyante na mukhang tuwang-tuwa sa paglabas ng mga ito.
   
    Tinignan niya isa-isa ang limang babae at natigil iyon sa babaeng naka-ponytail na may asul na highlight. Grunge makeup, naka-suot ng itim na tank top na pinatungan ng denim jacket, trousers at combat shoes.

 
....
 
   

    Ilang minuto bago ang laban...
   
    "Welcome back Nightmares," bati ng morenong nasa mid-30's sa grupong Nightmares nang makapasok sa kanilang inookupahang kuwarto. Mas malaki at madaming gamit ito kumpara sa ibang kuwarto ng mga kalahok dahil iyon, sa sila ang kasalukyang kampeon para sa kategoryang grupo ng dibisyon ng mga babae.
   
    "Manager Lee," nakangiting bati ni Ace (Mabe) ang lider ng grupo. Sumilip sa kaniyang tabi si Quin (Lei) at masiglang binati ang lalaki. "Manager!"
   
    "How are you?" tanong nito habang tinatapik-tapik ang ulo, ilang buwan niya na rin itong hindi nakikita. "Okay lang po!"
   
    "Sinong kalaban namin?" tanong ni Mitnick (Herlyn) habang diretso ang lakad patungong mini fridge para kumuha ng maiinom.
   
    "Blackjacks," sabi nito nang makaupo sa armchair na katapat ng sofa kung saan umupo sina Quin at Ace.
   
    "Oh my, oh my, ang aking makeup!" Nagmamadaling pumunta si Venus (Faika) sa banyo para manalamin.
   
    "Hay... nakakatamad na kalaban ang mga 'yon," nakapikit na sabi ni Mia (Zul) habang nakahalukipkip at nakasandal sa pader.

Shotgun Marriage (1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon