SM 4: Sudden Offer

4.6K 99 6
                                    

    "Quin!" Alalang bulalas ni Manager Lee nang makapasok sa battle ring saka kumaripas ng takbo papalapit kay Quin. Nawala ang paningin niya sa lalaki saka kunot noong tinignan ang manager. "Bakit po?"
   
    "Sugat mo!" sabi nito nang mailapat nito ang malinis na tela—palibot sa kaniyang tiyan. Napasingap siya nang makaramdam ng hapdi. Sa sobrang pokus sa laban ay hindi na niya iyon napansin. Napangiti at napakamot na lang siya ng ulo. "Sorry po. Hindi ko po nahalata e."
   
    Inakay siya nito paalis ng arena at sumunod na rin ang iba. Pagdating sa kanilang kuwarto ay nasermunan siya tapos ay sinasang-ayunan lang ni Ace, mukhang mas galit pa ang lalaki kaysa sa lider kaya 'di na ito nakikisawsaw. Si Mia at Mitnick ay napapailing na lang habang natatawa nang mahina, habang si Venus ay dinidisimpektahan ang galos ni Quin kaya ilang beses itong napapangiwi.
   
    "That's so dangerous!" sabi pa ni Manager Lee at awkward smile lang ang naitugon niya.
   
    "You can just dodge her naman without doing that," mahinahong ani Ace habang tinatapik-tapik ang balikat ni Manager Lee para pakalmahin. Ngumuso siya at nagpapaawang tinignan ang manager. "Sorry na po. Sa susunod kapag may samurai si Enemy, aagawin ko na lang yung samurai–"
   
    Natigilan siya nang makita ang talim ng tingin ni Ace kaya itinikom niya agad ang bibig at tumango ng tatlong beses saka nagtaas ng kamay. "Sorry na po talaga. Promise, mag-iingat na po ako!"
   
    Napangiti siya ng malapad nang bumuntong-hininga ito. "Fine. Just don't do it again, okay?"
   
    Tumango ulit siya ng tatlong beses habang nakanguso. Tumayo na si Venus at nagpagpag nang matapos na niyang bendahan ang sugat ni Quin. "Hay nako Sishie, pasalamat ka at daplis lang 'yan. If ever na malalim, kailangang tahiin at that wouldn't be good. Magkakapeklat ka at nakakasira ng beauty 'yon."
  
    Binigyan ni Mia ng isa itim na t-shirt si Quin para makapagpalit. Tumayo ito at pumasok sa loob ng banyo. Saktong pagkapasok nito ay may kumatok. Pinagbuksan naman iyon ni Manager Lee. Bumungad sa kaniya ang isang lalaki, "Sir Lee."
   
    "Yes, what is it?"
   
    "Mr. King is looking for Miss Quin." Napataas ng dalawang kilay si Quin sa narinig. Kaya agarang tinapos ang pagpapalit at lumabas ng banyo.
   
    "Okay, wait a bit." Isinara na ni Manager Lee ang pinto at kunot noong siyang nilapitan. "What's happening? Why Mr. King is looking for you?"
   
    Napataas ng kilay si Mia at Ace sa narinig. Napadapa si Venus sa kamang hinihigaan habang nagtataka siyang tinitignan, bumulong ito, "Mister... King?"
   
    "Oh wait! Don't tell me that's Seth Travis King?" naibulalas ni Mitnick. Hindi sila nakagalaw sa narinig, pinakikiramdaman ang mga katawang nagsisimulang magtaasan ang balahibo—maliban sa kaniya na hindi naiintindihan ang nangyayari, napatanong siya, "Seth? Sino 'yon?"
  
    Napakagat ng ibabang labi si Ace at 'di alam ang sasabihin. Napa-igtad silang lahat nang makarinig na naman ng katok. "Sir Lee, we have to hurry."
   
    Balak pa sanang huwag sumang-ayon ng apat dahil hindi nila alam ang gagawin ng lalaking iyon sa kaibigan, lalo na't delikadong tao ito—base sa pagkakakilala nila. Nang makalabas na sina Quin at Manager Lee ay nagusap-usap sila.
   
    "Hindi ba siya yung may-ari ng MG?" tanong ni Venus. Tumango lang si Mitnick saka sumenyas na umupo silang lahat sa higaan. Bahagyang lumapit at hininaan ang boses, "Ang sabi nila, walang reaksyon 'yon parati tapos kapag tinitigan mo raw ang mga mata niya, ipapatay ka niya."
    
    Napatakip ng bibig si Venus, si Ace ay nanlalaki ang mga mata at Mia na umiiling—napatingin sila rito.
   
    "Don't trust rumours. I already saw him in person," ngising sabi nito. Agad na naglapitan ang tatlong interesadong marinig ang sasabihin. Napataas ng kilay si Mia. "Why you guys are so excited to know?"
   
    "Because he's asking for our Quin!" sabay-sabay sabi ng mga ito, napatakip tuloy siya ng tainga, napapikit saka sinimulang ikuwento ang nangyari, "I met him at bar with his friends before. They talk to him casually and he's just listening while drinking his whisky. It is true that he's poker face because I did not see him reacting at all even his friends were doing stupid things."
   
    Matapos iyon ay nanahimik sila. Samantala, matapos lumabas ni Lei kasama ang manager Umakyat sila sa ikatlong palapag. Diretso lang ang lakad tapos ay may nadaanan silang tatlong pasilyo. Ang kaliwa ay madilim tapos sa kanan ay ang daan patungo kung saan namamalagi ang mga makakapangyarihang sugarol. Ngayon pa lamang siya nakarating doon dahil tanging si Ace at Manager Lee lang ang maaaring pumunta kapag ipinapatawag.
   
    Dumaan sila sa gitna na mas malaki ang pasilyo kumpara sa dinaanan kanina. May pulang karpet at mga chandelier. Naaliw si Quin sa nakikita, lalo na sa iilang mga painting sa pader. Lumapit siya kay Manager Lee at bumulong, "Manager, sinu-sino po sila?"
   
    "They are the winners of the championship per year and each category." Napatango siya pinagmasdan ang mga ito. May isang pinta ang umagaw ng atensyon niya. Natigil siya sa paglalakad at tinitigan ang isang babae. May kung anong kaluwagan siyang naramdaman. Tinignan niya ang kabuuan ng pinta—may tatlo pa pala itong kasama, kasunod ang pangalan sa ilalim. "The First Queens for Group Category. Fire Goddesses. Reign: 1961-1967."
   
    "Quin!" Pagtawag sa kaniya ni Manager Lee sa hindi gaanong kalakas na boses.
   
    "Ay!" Napatakbo agad siya patungo rito. "Pasensya po."
   
    "It's fine. Go inside." Itinuro nito ang pinto. "I can't go inside. You're the only one he wants to meet."
   
    "Pero anong gagawin ko po ro'n?"
   
    "It's rare to be him here, so I don't know his intentions. You need to behave, don't ask anything and call me when he do something bad, okay? I'll wait here." Tinapik-tapik nito ang ulo niya. Napasimangot siya at tumango rin saka humarap sa malaking double door na gawa sa kahoy. Binuksan ito ng lalaking nanundo sa kanila at pumasok. Sumunod lamang siya saka napatingin sa buong paligid. Halatang marangya ang may-ari ng opisina. Mukha itong bahay dahil sa gawa sa binarnisang kahoy ang pader. Walang bintana, tanging malaking kurtina lamang gitna at sa harap nito ang mesang gawa sa kahoy na may iilang papeles.
   
    "You must be Quin of Nightmares." Muntikan siyang mapatalon nang may biglang nagsalita mula sa isang madilim na pasilyo. Kinalabutan siya dahil sa baba ng boses nito. "A-ako nga po."
   
    Lumabas na ito sa dilim at nasilayan ang asul na mata nito. Natuwa siya sa mga ito at nais na makipagpalit pero pinigilan niya ang sarili sa gustong sabihin dahil sabi ni Manager Lee ay behave dapat siya. Pinanuod lang niya itong umupo sa swivel chair. Ipinatong ni Seth ang braso sa mesa saka pinagsalikop ang mga kamay. "I am sure, you wonder why I called you."
   
    Napatango si Quin ng ilang beses dahil kanina pa siya atat na atat tanungin ito. Natutuwa siya sa pagtitig sa mga mata nitong asul kahit walang emosyon. Napa-ayos siya ng tayo nang bigla itong sumeryoso. "I offer you to be my wife."
   
    Napanganga at nanlalaki matang tinignan ang lalaki. Wala sa sarili niyang naituro ang sarili. "Ako? Seryoso po ba kayo? Bakit po ako?"
   
    "Yes."
   
    Wala siyang naintindihan at tinitigan lang ang lalaki dahil gulat pa rin siya sa alok nito. Sumandal ito at nagkrus ng mga braso saka tumikhim, "Don't worry, it will be only 3 months and after that, I will file an annul–"
   
    "Wait!" Itinaas niya ang kanang kamay para patigilin ito sa pagsasalita. Napataas ang isang kilay ni Seth at bahagyang nagulat dahil sinigawan siya nito na kadalasang walang nagtatangkang gawin. Nagtanong ito, "May I know, why did you choose me?"
   
    "It's just a contract, no ne–" hindi siya makapaniwala dahil pinutol na naman nito ang sasabihin niya. Mukhang nagkamali siya ng inalukan.
   
    "Mr. King, hindi po ba? Sorry, pero hindi ko po matatanggap ang alok n'yo," sabi nito. Napatango na lang dahil inaasahan na niyang tatanggihan siya nito, sino bang matinong babae ang papayag ikasal sa lalaking hindi kilala? Sinubukan lang naman niya at heto ang napala, napagtaasan pa ng boses. Ngunit may nakita kasi siyang interesante, kaya susubukan niya ulit. "I can give you anything, name your price."
   
    Mariin nitong naitikom ang bibig at napatango. Tinantya niya ito ng tingin at mukhang tama nga siya, hindi pa rin ito papayag na ayos lang naman dahil hindi naman ito ang babaeng hinahanap niya ngunit may parte sa kaniya na dismayado sa nangyari. Tumayo na siya at pinagpagan ang suot kahit wala namang dumi. "Time's up. I just wasted my time here."
   
    Lumakad na patungong pinto saka umalis, iniwan itong nakatulala na parang hindi alam kung nasaang parte na ba ng planeta.

Shotgun Marriage (1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon