Patricia's POV
'Umagang kay ganda! Lunes nanamaaaaaaaan! Nakakatamad na! Pero, kailangan kong pumasok dahil first day namin sa dance practice.' Kaya naman bumaba na ako para makakain na, nakita ko si Mommy na busy sa paglalagay ng breakfast sa lamesa.
"Oh maupo ka na" sabi sakin ni mommy ng mapansin ako. "Mukhang maaga ka ngayon?"
"Oo mi (mommy) Monday eh! Hahaha" tinignan ko ang nakahain sa mesa at natakam nanaman ako 'Hindi pwede to! Mahihirapan akong sumayaw mamayaaaaa' Sumandok ako ng limang kutsarang kanin at isang pirasong hotdog.
"Yan lang ang kakainin mo? Dagdagan mo pa yan"
"Mi! Hindi na po! Ayos na po ako" napapangiwi kong sabi. At dahil kaunti lang ang sinandok ko ay mabilis akong natapos. Naligo lang ako at naghanda na din sa pagpasok.
"Ingat sa pagpasok anak." bilin sakin ni Mommy na ngayon ay nasa garden na.
"Opo mi, ba-bye po!" At nag wave na ako habang palabas ng gate. 'Nasa school na kaya si Anna?' Ilang saglit pa at may huminto ng taxi at sumakay naman ako doon. Habang nasa taxi biglang nag ring ang cellphone ko at ng tignan ko yon ay si Anna pala ang tumatawag. "Hello? Anna?"
"Nasaan ka na ba? Ilang minutes nalang late ka nanaman!"
"Hahaha nasa daan na po ma'am!" Pagkasabi ko non ay siya namang pag hinto ng taxi, 'Huh? Wala pa naman ako sa school ah?' nagulat ako ng may isang lalakeng sumakay sa harapang bahagi ng taxi.
"Pat? Patricia? Patricia Ann?!"
"O-oh! Anna! About? Ano uli yon??"
"Napaka galing mo talaga! Wala! Dalian mo na!"
"Oo na p- - -" sasagot palang sana ako ng i-end niya ang tawag 'Hahaha bakit ba ang aga aga high blood yon?' Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas, ngunit ilang segundo pa lang ang nakalilipas ng maaninag ko ang tingin nung lalake sa harap, kaya naman tignan ko din siya.
-.-
Hindi na siya nakatingin saakin at sa labas na din siya nakatingin 'Tsss. Mukhang suplado ang isang to ah! Sayang. Hahahaha"
"Dito na po" -kuyang driver. Iniabot ko ang bayad ko at lumabas na sa taxi, sinara ko ang pinto at tuluyan ng pumasok sa gate pero,
O_O
Nanlake ang mata ko ng marinig ko ding magsara ang isa pang pinto. 'Di kaya? Jusko!' Minadali kong maglakad hanggang sa makapasok ako sa gate ng school. Nilingon ko ang likod ko pero 'shocks!' Nasa likod ko yong lalake sa taxi! Naka black na V-neck, at black ripped jeans siya. 'Don't tell me?! Sinusundan ako nito?!'
=_______=
Mas binilisan ko pa ang lakad ko! 'Hindi naman siya mukhang estudyante bakit siya pinapasok?! Bulag na ba yong guard ng school?!'
"Pat!"
"Ay tae! - - - Oh Anna!"
"Sino yang kasama mo?"
O_______O
Lumingon ako sa likod at "Bakit mo ba ako sinusundan? Hanggang dito ba naman sa classroom ka susunod ka?!" Mataas na talagang tono ng boses ko, si Anna naman ay naghihintay din ng sagot mula sakanya, nakatingin lang siya ng straigh at poker face pa.
"Pwede ba akong dumaan? Sa pagkakaalam ko kasi, ito ang bago kong classroom. At sabi mo, classroom mo ito so kayo ang bago kong classmates?" Tinignan niya ako, "Salamat sa warm welcome mo." Sabay ngumiti ng pag katamis tamis, "Pwede na ba akong dumaan at makapasok?"
Nginitian ko siya ng pagkapait pait, "Pwede!" siya namang pagpasok niya, 'kahihiyan! Kamalasan!'
"Hahaha oh ayan teh! Wag assumera! Hahaha ang poging stalker naman non!"-Anna.
"Tsk!" Wala na akong nagawa kundi ang pumasok na lang din. Pagdating ko sa upuan ko ay,
>______<
YOU ARE READING
Patricia Ann Manzano X Michael Amparado
Fiksi RemajaI'm inlove with my Gay bestfriend. What should I do? Does he feel the same way too? Stuck between being his 'Ati' and being his 'Baby' He's not my ordinary guy. -Patricia Ann P. Manzano Nainspire lang nila ako yon lang😂😍💕