[Minchy's POV]
Ang ingay ingay nanaman niya. Ano baaaa! Naririndi na ako. Gusto kong umiyak sa mga narinig ko. Nasasaktan ako. Masakit sobra. MASAKIT PAG NALAMAN MONG WALANG KASIGURADUHAN ANG BUHAY NG TAONG MAHAL MO😭 Pano kung di siya gumaling? What if anytime atakihin siya? What if mawala siya sakin?
"Besprend Ano ba!"
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko siyang sumigaw. Nang humarap ako sa kanya, nakita ko siyang umiiyak na. Mas gugustuhin ko pang masugatan kesa makita ko siyang umiiyak. Mas masakit to.
"Sorry..." Nasambit ko.
Di ko alam pero parang meron nanamang nagtulak sakin para yakapin ko siya. Habang naririnig ko ang bawat paghikbi niya ay mas lalo kong hinihigpitan ang mga yakap ko sa kanya at unti unti ko ring nararamdaman ang pagyakap niya sakin ng mahigpit.
"Natatakot ako😭 Natatakot ako" paulit ulit niyang bulong sa akin.
Wala na akong ibang iniisip kundi ang icomfort siya. Mahal ko siya. Ayoko siyang nahihirapan. Unti unti kong hinaplos ang likod niya at unti unti ko ring naramdaman ang pagwala ng hikbi niya at naramdaman ko din nagiging panatag siya sa yakap ko Sa kanya. Nang kumalas na siya sa pagkakayakap ay muli kong nasilayan ng buo ang muka ang muka niyang nag iisa kong nakikita sa mundo kong ginagalawan. I can't help myself not to smile kahit gaano pa kalaki ang tampo ko sa kanya.
Gustong-gusto ko ng sabihin sayo ang totoo Ynarah. Kaso ayoko masira ang meron tayo. Ayokong mawala ka sakin kasi mahal na mahal kita.
[Earlier]
"May sakit si Ynarah. Kaya lagi siyang nawawala para mag US kasi her daddy is looking and checking her latest condition and update to know the latest diagnostic about her disease."
"Ano po ba ang sakit ni Ynarah Tita?"
"Sakit sa puso. Isang uri ng aneurysm ang meron siya."
"Is it life-threatening tita?"
"Yes it is. Once the blood ruptured inside her body, it lead it to her death."
Gusto akong lamunin ng lupa muka kinatatayuan ko. Ang sakit marinig na may chance siyang mawala kaso di ko talaga to matatanggap kasi forever. PANG FOREVER NA. I can't accept the things I've heard. Gustong tumulo ng luha ko kailangan kong pigilan. Ayokong malaman nila. Ayokong umaga ang pagkawalay sakin ni Ynarah. Lord why are you doing this to me?😭
"Itinago sayo ni Ynarah ang lahat because she doesn't want you to be sad. Alam niyang siya lang ang bestfriend mo at kapatid na ang turing mo sa kanya at ganun din siya sayo."
"I understand tita." Napapalunok na ako ng laway ko mapigilan ko lang ang pag aking mga luha. " Don't worry. I'll take care of her pag magkasama kami tita.🙂"
[End]
I feel the static when she touched my face and smiled.
"Thanks for comforting me. You are really my bestfriend."
Lord ok lang na best friends na lang kami. Makukuntento na ako dun. Kahit hindi na maging kami basta let her live long. She's too young.
"Let's go?" Yaya niya.
Hindi ko alam kung ano nanamang espiritu ang sumapi sakin para hawakan ko ang kanyang kamay. Lalong humigpit ang pagkakahawak ko nang maramdaman kong humigpit din ang hawak niya. Ang lambot at ang kinis ng mga kamay niya. Ang gaganda ng hubog ng mga daliri niya. Gusto siyang halikan Sa kamay. Gustong gusto ko. Nangangati na ang mga labi kong dumampi sa kahit anong parte ng katawan niya. Però pano? Saan ko sisimulan?
BINABASA MO ANG
Her Bestfriend Her Lover
RomanceMasaya ang mag mahal Pero mas Masaya pag mahal ka rin ng taong minamahal mo hindi ba? Ang matagal mo nang inaasam biglaang matutupad. NOTE : Rated SPG ang ibang parts ha.
